My Old Billionaire Husband (Chapter 2)

0 16
Avatar for leejhen
1 week ago

Stowaway but Caught

Alexis

Bwesit na matandang hukluban! Anong purpose niya at bakit pati nightlife ko ay pinapakialaman niya!

Napakaraming nagkalat na mga bodyguards sa mansion.

Pati pagligo sa pool ay hindi ko magawa. Bwesit!

"Alexis dinner is ready, baba ka na daw sabi ng Mommy mo." Si yaya Loring.

Paano ka makakakain du'n, eh may mga bodyguards na nakatingin bawat pagsubo mo.

What a shit day! At yan ay dahil sa bwesit na si Zac.

"Nope, I will not go down. Ihatid niyo nalang po dito yaya," pakiusap ko.

Ano kaya ang gagawin ko? 3 days na akong walang nightlife.

I miss the noise, the music and of course the drinks with my bebe Rond.

Ito nga text ng text at available siya tonight.

Hindi ko pa sinabi sa kanya about my arranged marriage.

Let me think of a way...

Hmmm...

Then Ting! An idea pops out in my mind.

Dahan dahan akong bumaba ng kitchen pretending to drink some water.

At ang aking target?

Si Jasmine na anak ni yaya Loring.

Agad ko siyang hinila papunta ng cr. Nagulat siya pero sumenyas ako ng huwag kang maingay. Buti naman at naintindihan niya.

At sa loob ng comfort room mayroong hiwagang naganap!

Well, obvious naman di ba?

Nakipagpalit ako ng damit kay Jasmine at pati eyeglasses niya ay kinuha ko na rin. Binigyan ko nalang ng 5k para makabili siya ng bago.

At matagumpay akong nakalabas ng mansion. Syempre puntahan agad si bebe Rond.

Change outfit ako pagdating sa Club. Buti nalang at may extra dress ang friend niya.

Wala si Debbie today kasi ayaw niyang maka istorbo sa bebe time ko, hehe. Mabait at supportive na kaibigan.

"Bebe, I miss you," sabay yakap sa akin ni Rond.

I hug him back.

Na miss ko rin itong Bebe ko ah.

Ang bango! bagong paligo pa.

Ako amoy ewan! Sa pagmamadali kung makatakas ay hindi na nakaligo.

Di bale na, naligo naman ako kahapon.

"I miss you too Bebe..." Yong voice ko parang naipit na itik lang.

Bahala na! O.A na kung O.A hehe.

"Let's party tonight Bebe!" Sabay hila sa akin papunta sa dance floor.

At ang inyong Lola na dancer ay hindi magpapatalo sa indakan.

Rond is good at dancing too.

We are a perfect match on the dance floor.

We are currently dancing to the tune of "The Time of my life."

Buti nalang at nag match ang dress ko.

Palakpakan ang mga tao sa paligid.

At ang galing lang namin sa dirty dancing hehe.

Halos mabali na ang beywang ko pero carry lang, flexible ata 'to.

Yon! Tanggal ang stress ko sa bwesit na Zac. Medyo na relieve ang tinatago kung galit. Dancing is one of my best remedies talaga.

Habang umiinom kami ni Bebe Rond isang loka lokang balak ang pumasok sa isipan ko. Or let's say masamang plano

Bwahaha! Natulayan na nga ako. Nakatawa sa isipan.

But seriously speaking, Ayoko ng bumalik pa sa mansion.

I will stowaway!

"Bebe, Magtanan na tayo. Now na!" Seryoso kung sabi kay Rond.

At si Rond na umiinom ng kanyang beer ay halos mabilaukan sa narinig.

Gusto kung matawa but I'm serious right now.

"For real? Ano'ng nakain mo Bebe?" Di makapaniwalang tanong nito.

Wala nga eh. Hindi ako nag dinner tumakas kaya ako. Duh!

"Seryoso 'to. My parents, arrange a marriage for me with an old man!" Sagot ko.

At ang reaction lang naman niya ay tumawa ng malakas.

"What's funny? I'm serious Bebe. Itanan mo na ako or else mapupunta lang ang beauty ko sa matandang pangit," halos maiyak na ako pero si Rond ay tawa lang ng tawa.

At last, nahimasmasan na at naging seryoso. Gage din itong isang 'to minsan eh.

"Don't worry Bebe, I will not allow it. You are mine and mine only,"

Naks! Seryoso na si Bebe.

At mas lalo siyang naging gwapo sa paningin ko.

And I can't control myself anymore. I grab my Bebe and kiss him. Bigyan ng reward. At halos lumutang siya sa cloud 9 sa sobrang sarap hehe.

Magkayakap kami papunta sa parking lot ng may biglang nagsulputang mga anino!

Ang mga goons ni Zac! Este bodyguards pala.

Pero mukhang grupo lang ng isang mafia gang ang mga mukha sa seryoso at may bigote pa!

In short nakakatakot sila. Naging horror movie tuloy imbes na Romance.

Niyakap ako ng mahigpit ni Rond.

"Ma'am Alexis, pinapauwi na po kayo ni Sir Zac." In fairness kahit mukhang goons ay magalang naman sila.

Stowaway ako! Bakit ako uuwi? Never Zac!

"I won't go home. Magtatanan na ako! You can never force me!" Yan ah, tapang tapangan lang ang lola niyo mga besh pero ang totoo kinakabahan na ako.

"Ma'am, we don't like to force you as much as possible. We have an order from the head bodyguard, we will bring you home no matter what." Aba! English yon ha. Pero bilib naman ako sa isang 'to.

Parang si Mommy lang. Kalmado pati expression ng mukha.

Paano kaya siya magalit?

Ayan ka na naman Alexis, mag focus ka! Ano'ng paki mo if magalit yan o hindi. Look at the situation. Huli ka na 'te.

At ikakasal ka na kay Zac for real bwahaha.

Aba't walanghiyang brain! Nag sermon pa talaga! At tumawa pa. Loka loka ka na girl.

Sasagot na sana ako ng biglang iniharang ni Rond ang kanyang sarili protecting me.

Ay, ang sweet naman ng Bebe ko.

Gusto ko siya halikan ulit. But we are facing a serious situation right now.

Medyo worried din ako ah.

"Please move aside Mr. Rond Clemente. Para wala pong gulo," malumanay na pakiusap ni kuyang bodyguard.

Pero matapang si Bebe! Ayaw magpatalo.

At ako ay nagtatago lang sa likuran niya. I felt warm and protected. Parang mahal ko na ata si Bebe.

Ayiih!

At ngayon ka pa talaga kinilig?

Shut up brain!

"Over my dead body, No one is allowed to take my Bebe away from me!" Sigaw ni Rond.

This time he sounds serious and his face change.

Wow! Now ko lang nakita si Rond na seryoso.

Pero Zac's bodyguard is very serious too. Nakarinig nalang ako nang pagkasa ng baril!

Totohanan na ba 'to? Hindi ako prepared mga kuya ha. Huwag ninyo akong tinatakot!

Pero, it's for real na talaga. Syempre ayokong mapahamak ang Bebe ko.

Lumabas na ako sa likuran niya.

And saw the guns pointing at us!

"Stop it! Sasama na ako." Seryoso muna tayo girl, baka mabaril ng di oras ang beauty ko.

Pero pinigilan ako ni Rond.

"Don't! Magpapakasal ka sa matandang 'yon?" tanong nito.

Eh, anong pipiliin ko? Magpabaril!

"Bebe, let's cool down and think. May solusyon din ito. As of now let's separate muna ha. Kakayanin natin 'to," I assure him while caressing his handsome face.

At buti naman napaamo ko si Rond. Lukaret din yan minsan baka kung ano ang gawin.

Bago ako sumama sa mga bodyguards ni Zac ay binigyan ko muna si Bebe ko ng goodbye kiss.

Bahala kayo diyan. Maglaway kayo mga bodyguards hehe.

I want to assure him na andito lang ako. That we will fight for our love.

Then we kiss for a minute.

With feelings yan.

Maghintay muna kayo mga bodyguards haha.

Iniwan kong malungkot si Bebe. Kapit lang tayo Rond. Ayokong magpakasal sa bwesit na Zac.

If ever man na makasal ako, it will be you Bebe...

*******************

Now I'm back in this sad Mansion. Hindi ko alam kung ano talaga ang tunay na dahilan. Bakit nagmamadali si Daddy na makasal ako sa matandang 'yon!

Kapag magtatanong naman ako if may problema ba sa company, hindi naman nila ako sinasagot ng maayos.

At next week ay may engagement party pa talaga.

Announcing the whole country about our upcoming wedding.

I'm sure na trending ito sa business world. The two families are both rich and powerful.

Is this what my Dad is after?

The power and money?

Huwag ka na magtanong. Obvious naman di ba?

Nang biglang tumunog ang aking phone.

Panira lang ng moment eh.

The number is unknown.

At sino naman ito? Tatawag ng madaling araw!

Answer your phone para malaman mo, minsan boba ka Alexis.

Shit ka Brain, Tumigil ka!

Naloka na ata ako ng tuluyan.

"Hello?" tanong ko.

At isang malalim na buntong hininga ang aking narinig.

Ano 'to horror lang?

"Hello! Who are you? Kung bad trip ka eh mas bad trip ako. So, stop calling me!" Pipindutin ko na sana ang end call ng biglang magsalita ang kabilang linya.

"Just don't do it again..." Oh, that voice. Nakaka ewan! Basta, his voice is full of authority and power. Kinikilabutan ako na hindi ko maintindihan.

Pero mataray ito girl."Do what? At sino ka ba! Para sabihan ako ng ganyan?" Hindi ata ako magpapatalo.

May kutob na'ko kung sino ang nasa kabilang linya.

But I'd like to make sure kung siya ba talaga ang kausap ko.

"Baby, this is your fiance. Zac Rogen Walker," boses palang parang ang gwapo na.

Pero hindi mo ako maloloko! Matandang pangit!

"I'm not your baby! And I will never marry you over my dead beautiful body!" Nagmamaldita lang sister hehe pero kinakabahan na ako.

He just chuckled and let out a small laugh.

"You're funny! Is your body, that beautiful?" he asks.

Aba't bwesit na lalaking 'to. Nakita niya ba ang perfect body ko?

Yong tanong niya na may halong panlalait.

"Eh bakit, ikaw gwapo ka ba? Ang pangit mo kaya!" Resbak tayo at huwag papatalo.

He laughs again. Mas loka loka pa pala siya sa akin eh.

"We'll be meeting soon... You are my bride and that's final," he answered with an authoritative voice.

At kinilabutan na naman ako.

Hopeless na ba tayo? Matatali ba ako sa matandang pangit!

Iniisip ko palang para na akong mamamatay.

Go to hell Zac!

leejhen🤍

1
$ 0.08
$ 0.08 from Anonymous user(s)
A
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
1 week ago

Comments