My Old Billionaire Husband (Chapter 1)

0 9
Avatar for leejhen
2 weeks ago

Shocking News

Alexis
Pagod at puyat from the party. Drinking and partying with friends and of course with my lovey dude boyfriend hehe.
This is how my life is. And the hell! I'm enjoying it. But never did I think na mababago ang life ko in just one blink of an eye!

"It's final! You will marry Zac Rogen Walker." There's finality in my Dad's voice.

Like seriously?
"Dad, are you insane? I can't marry him! I didn't even know that old man thingy billionaire." I answered with disdain in my voice.
Yucks! Nandidiri ako. Ano kaya itsura niyan baka matandang panot at uugod ugod na? Just never! I will not marry him. Sinuswerte siya.

"Mind your voice! Zac is only 38 years old. He is younger than me." My Dad na umuusok na ang ilong sa galit.

Pero bahala siya!
"I said no! I already have Rond na mas bata at gwapo. Bakit ako magpapakasal diyan!" Talagang brat lang ako.

Puro konsumisyon ang ibinibigay ko sa aking parents. Well, that's me and they love me.

"Alexis, he has a name. Hindi mo pa siya nakikita anak. Don't judge him easily." That's my Mom na kahit galit na ay kay hina parin ng boses.

Pero mahal ko ang mommy ko!

"Mom, Did you see him? Di ba, hindi? Nagpapaka mysterious yang Uncle Zac na yan ah. Wala pang nakakita ng mukha. Baka mag collapse ako pag nakita ko siya." It's just a joke na tinotoo naman ni Mommy, giving me a sour face.

"Enough! Whether you like it or not! You will marry Zac Rogen Walker. And that's final!" Talaga lang ha!

Nanggagalaiti na si Daddy sa galit.
But wait, is our company suffering from bankruptcy?

"Bakit Dad, namumulubi na ba tayo? At kailangan ko talaga pakasalan siya? My answer is final too. I will NOT Marry that old Zac!" Maldita talaga ako.

What I want, I will always get but aaminin ko medyo mahihirapan ako dito.

I can see that my Dad's hand is trembling dahil sa galit. Parang gusto niya na akong sampalin. But he loves me kaya hindi niya gagawin 'yon. And my Mom is always there to calm him down.

"Hon, tama na. Your heart..." sabay hagod sa likod ni Dad.

Wow, they are so sweet, and yet they will let their only daughter marry an old stranger!
Wala ba akong karapatang ma in love?
Pero love ko na ba si Rond?
Ay, ewan!
Iniwan ko silang dalawa magka lovey-dovey at padabog na umakyat sa aking kwarto.
Hayy... Life is so cruel sometimes.
Matawagan nga ang loka loka kung friend na si Debbie.

"Hoy Girl! Ano, saan tayo tonight?" tanong ko.

I need to party or else maloloka ako ng tuluyan.

"Alexis?" ganting tanong nito.

Aba lasing pa ata ang babaeng 'to.

"Eh, Sino pa ba girl? Parang lutang tayo ah, don't tell me lasing ka pa?" Biro ko lang yan.

Ganyan kami mga lukaret na babae.

Tumawa siya ng malakas!

"Alam ko, just confirming. Iba boses mo dai, is there a problem?" seryosong tanong nito.

She is indeed my best friend. Loka loka pero pag kailangan ay laging nandiyan.

"Yes, meron at malaki! The shocking news was dropped by my parents today. At naloka ako girl!" sagot ko.

With matching rolling of my eyes pa 'yan ha. Kahit hindi ako nakikita ni Debbie alam na alam niya ang gesture at mannerism ko hehe.

"Ay ano 'to. Share na girl dali!" parang excited lang ang gaga ah.

"My parents arrange a marriage of me with Zac Rogen Walker." wala nang echos deretso bagsak na ng balita.

At nabingi ako sa sigaw ng lukaret kung friend. Masaya pa siya! Gaga talaga.

"My God! Excited ako girl. Is this the Mysterious Billionaire na kahit sa interview sa tv or radyo ay nakatago ang mukha?" excited na tanong nito.

"Yes, may iba pa ba? Masaya ka pa! If we know ang pangit ng matandang 'yon!Ako pa talaga ang napiling pakasalan huh." taray-tarayan lang muna ang peg natin.

For goodness sake! Ayoko talaga sa lalaking 'yon! Over my dead beautiful body.

"Hmmm, pangit or ubod ng gwapo!" Ay sumigaw pa talaga.

Basag na ang eardrum ko sa babaeng ito.

"Magtigil ka nga! Na praning ka na talaga kakabasa mo ng mga novel eh. Girl, it's for real. Kutob ko ang pangit niya." Eww! Talagang ayoko sa kanya.

"Girl, baka kainin mo lahat ng sinabi mo ah!" babala nito.

"That will never happen! Baka e suka ko pa. Oh siya tonight, pick me up here in my house. Let's drink to this bullshit marriage arrangement." maglalasing ang lola niyo.

Tawa lang ang isinagot ni Debbie tapos nawala na sa linya without saying goodbye.

She is the only friend of mine na totoo. Ang iba ay nakiki friend lang for popularity and social purposes. Magkapareha din kami ng utak kaya nag click kami as best friends since high school until College.
Nakaka stress lang. This problem is giving me a total headache. I don't know kung ano ang gagawin 'ko!

My Daddy is ten times more stubborn than me. He will push this marriage no matter what. At alam niyo na kung saan ako nagmana.

**************************
At the Club
Medyo boring dito sa Club. Wala akong makitang gwapo.
My bf Rond is busy handling their family business. His Dad wants him to focus on the future of their company as the successor, it's his responsibility anyway.

And mine? Well, is to marry that old Zac! Pag naalala ko talagang bad trip girl!

My best friend Debbie is dancing on the dance floor na Parang nakawala lang sa mental. Lukaret talaga.

"Girl, come on! Let's Dance." sigaw nito.

Lasing na, ang bilis naman. Talagang gaga lang ang babaeng 'to. Ininom ba naman ang bottle of wine in just one shot lang. At ubos!

"Lasing na Girl, hahaha." At naki join na rin ako.

Sayaw dito, sayaw doon.
To the left...
To the right...
Talagang inangkin na namin ang buong dance floor sa kagagahan namin.
Nag give way naman ang mga tao. Syempre Black Pink with the tune of DDU DDU.
For your information mga girls, magaling kami sumayaw kahit loka loka lang. Our two buddies ay nasa bakasyon pa, nasa Europe.
Magaling din ang mga 'yon magsayaw. As of now kami na muna ni Debbie, hindi pa kompleto ang girl group namin.

Feel na feel ko ang music at beat nang biglang madapa ang ate niyo!

Oh my God! My face! Talagang pumikit ako. Hindi ko kayang tingnan ang paglagapak ko sa matigas na semento. At sa mukha ko pa talaga!
But wait...
It's been 10 seconds pero hindi ako nag landing sa semento!
I open my eyes and there he is...
That beautiful gray eyes greeted me!
Para akong nalulunod sa mga mata niya.

Ang ganda!

My knight in shining armor!
Nakahawak lang naman siya sa beywang ko, catching me while I'm drowned in his charm.

"Are you okay?" Wow, his voice is very manly. And I like it!

Malalabong na pilik mata at tantalizing kissable lips na tila ba tinatawag ako to kiss him...

Hoy! Alexis ano ang ginagawa mo.
Wake up, girl! Nakakahiya ka kaya.
Bwesit na brain. Tumigil ka!
I'm enjoying being in his arms.

"Yes, I'm okay thank you." Pero syempre, need natin magpa formal baka sabihin ay easy girl tayo.

At bigla niya akong binitiwan! Aba, bwesit na lalaki. Buti nalang at naka balance ako.

"Then that's good because you are blocking the way." At 'yon lang walang lingon likod na umalis at iniwan ang beauty ko!

Ang yabang lang. Ano naman ngayon kung may gray eyes ka! Hmmph.
May brown eyes naman ako!

"Are you okay girl?" Nag aalalang tanong ni Debbie.

Inirapan ko lang siya. "What do you think?" Alam naman niya na hindi.

Bad trip ang beauty ko!

"Syempre hindi haha. Pero in fairness ang gwapo girl!" tili nito.

Talagang babasagin ng babaeng ito ang ear drum ko.

"Yeah, pero ang yabang at ang sungit!" nakairap kung sagot.

"Ay, huwag kang bad trip, ituloy natin ang pagsasayaw girl. Let's celebrate your marriage," nakatawang sabi nito.

"Are you crazy? Lalo akong bad trip sa bwesit na marriage na 'yan," My night turns into a disaster!

Pero ang gwapo niya nga. I know that he is mature but hindi halata sa age niya.
Whatever! Ang sungit naman.

*****************
Pag uwi ko ng bahay nagkalat ang napakadaming men in black.
Just what the hell?
What is happening?
Nakita ko si Mommy sa living room and I ask her.
"Mom, what is this?" I ask confused.

"Oh you are here, they are Zac's bodyguard." sagot nito.

"What? At ano ang ibig sabihin nito?" I know that I wouldn't like the answer.

"He wants you to stop partying at night Dahil makakasama sa health mo," Ano daw?

"Bad for my health! Is he insane?" Hindi pa nga kami kasal ay sinasakal niya na ako.

Bwesit na matandang 'yon! Well, let's see kung mapigilan mo ako. Magpakasal ka mag isa!

"He is not! He is right. Wala ka nang ginawa kundi maglasing every night," at sisingit ang kontrabida kung Daddy.

"And who told him na papakasalan ko siya? No way!" At 'yon lang. Nag walkout na ang beauty ko.

He can't tame me at pasunurin sa mga gusto niya, Tingnan lang natin.
I will never let you win, Zac Rogen Walker!

leejhen 🤍

It's also available to my following accounts.

Wattpad: leejhenx

TikTok: leejhen ravishing stories

FB: Jenniffer Jumao-as JJerusalem

YouTube: leejhen ravishing stories

1
$ 0.00
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
2 weeks ago

Comments