I want that Celebrity(Chapter4)

0 50
Avatar for leejhen
1 year ago

Chapter 4 "Chasing for Love"

Hindi nagpatinag si Aizyll sa secret girlfriend ni Daniel.
Ano naman ngayon?
Asawa nga naaagaw pa. Girlfriend pa kaya?
Yan ang rason na binigay niya sa kanyang sarili para ma motivate siya. She will do anything and everything to capture Daniel's heart!

Everyday and every night ay nasa shooting siya bringing foods to Daniel at parang aso na sunod ng sunod sa lalaki.
Pati sa mga gig at fan meeting ay nandoon din siya! Ang maganda at mayaman na si Aizyll Mary Fuenteluna. Ay naging maaamo at sunud-sunuran dahil sa isang lalaki lamang? Funny but she's on love! At alam niyang malalagot siya sa Daddy niya, oras na malaman nito ang lahat ng pinag-gagawa niya.

Daniel can't refuse her dahil sa utang na loob. Ang mga kontrabidang manager at PA ni Daniel ay tikom ang bibig dahil sa sobrang kabusugan at pera ni Aizyll.

Ang mga fans ni Daniel ay wala na rin kontra sa kanya dahil naging presidente siya ng Club nito. Lahat ay may biyaya from her. From foods, make up at trending clothes ay laging sunod sa uso ang lahat ng fans ni Daniel.
Mas lalo na ang mga mamahaling merchandise nito ay laging bumibili si Aizyll at pinamimigay sa mga fans.
Galante siya magmahal at lahat ng mga nasa paligid ay inaambunan niya ng grasya!

"Muby ko. Here's some fruits for you." Nakangiting sambit ni Aizyll.

"Thanks." Matipid na sagot ni Daniel.

Kahit napapansin ni Aizyll na walang gana si Daniel ay keribels parin basta siya ay masaya na pagsilbihan ito at makapiling man lang.

"Daniel we are going on a trip! And guess where?" Nakangiting tanong ni Maura.

"Masaya ka, Saan ba?" Curious na tanong ni Daniel.

"Kung saan una mong nakilala ang gf mo!" Bulong ni Maura.

Pero hindi ito nakaligtas sa pandinig ni Aizyll.
At nakisingit sa usapan nila.

"Uie, Saan yan?" Nakangiti niyang tanong.

Pero deep inside ay may kumikirot na sa kanyang dibdib. Masakit na hindi niya maipaliwanag ang kirot.

"Sa Tagaytay Miss Aizyll. May photoshoot for mountain climbing then after that we are free for 2 days para ma enjoy natin ang view at maligo na rin sa beach!" Masayang sagot nito.

"Wow, I like it. Don't worry ako na ang bahala sa lahat Maura." Nakangiting sambit ni Aizyll.

Kumunot ang noo ni Daniel. He is starting to get irritated on her presence.
He needs some privacy dahil balak niya dalhin doon ang gf niya na si Rebecca. Gusto niya na mag date sila privately sa vacant days niya. Pero si Aizyll ay parang linta na dumikit sa kanya at ayaw na humiwalay! Hinihintay niya kung kailan ito mapapagod at magsasawa kakabuntot sa kanya.

"Don't tell me, you will go with us?" Di-makapaniwala niyang tanong.

Medyo na offend si Aizyll pero binalewala niya ito. Syempre sasama siya!

"Oo naman! Ako ata ang President ng fans club mo. Manghihingi ng update yong mga fans mo like pictures ganern. But don't worry, hindi naman kasali ang private life mo Daniel. Secret yan! " Seryosong sagot ni Aizyll.

Kahit masakit na makita ito sa piling ng kanyang girlfriend ay keri parin niya. Basta makita lang niya si Daniel ay okay na siya.

"Yon naman pala eh, everybody happy na!" Nakapalakpak na sambit ni Maura.

Syempre gusto niya na andu'n si Aizyll dahil galante ito at tiyak na hindi gugutumin ang mga alaga niya sa tiyan! Busog much sila lagi.
Siya pa na napakatakaw sa pagkain. At nasanay na rin sila na puro masarap ang kinakain araw-araw dahil kay Aizyll.
Naging feeling rich kid sila for a moment dahil sa mamahaling kinakain.

"Okay, fine." Ang matipid na sagot ni Daniel at pumasok na ito sa kanyang tent. Wala naman siyang magagawa dahil sa kakulitan ni Aizyll at hindi talaga ito papayag na hindi sumama.

Naiwan ang fruits na bigay ni Aizyll. Napagpasyahan niyang sundan ito para ibigay ulit ang fruits pero nasaktan siya sa kanyang mga narinig.

"Mahal, mag ready kana. We are going to Tagaytay!" Ang masayang sambit ni Daniel.

Sumilip ng bahagya si Aizyll at kita niya kung gaano kasaya ito. Pati mga mata nito ay nakangiti!
Hindi niya kailanman nakita na ngumiti si Daniel sa kanya ng ganito. Ngayon lang!

"I love you, Mahal. Ingat ka ha. We will meet soon and I miss you so much. Mwah!" Humalik pa ito sa kanyang cellphone.

At hindi malaman ni Aizyll ang mararamdaman. Bakit ang sakit? Kaya nga nag stay siya to know the truth.
About her feelings!
Pero bakit hindi siya simple crush lang?

Love at first-second talaga ang naramdam niya ng unang makita si Daniel!
Pero bakit ang sakit-sakit?
Ganito pala ang magmahal.
Parang ayaw niya na!

Biglang tumulo ang kanyang mga luha at nahulog ang mga fruits na kanyang hawak.

"Miss Aizyll?" Tanong ng kanyang PA.

"Let's go home!" Maikling sagot ni Aizyll at nauna ng naglakad.

Napailing nalang ang kanyang PA habang nakatingin sa nahulog na mga prutas.
Oo nga at idol niya si Daniel pero hindi siya magpapakababa ng ganito. Tulad ng ginagawa ng kanyang amo.
Naaawa siya kay Aizyll at hinihiling na tigilan na niya ang ka gagahan nito! Pero matigas ang ulo ng kanyang amo at ayaw sumuko. Hinihiling nalang niya na mauntog at matauhan ito.

leejhen 🤍

If you like to read the full story. It's available to my following accounts.

Wattpad: leejhenx

TikTok: leejhen ravishing stories

FB: Jenniffer Jumao-as JJerusalem

YouTube: leejhen ravishing stories

3
$ 0.00
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
1 year ago

Comments