I want that Celebrity (Chapter 8)

0 12
Avatar for leejhen
3 weeks ago

The Beautiful Finale

Iniwan niya si Maura at dumiretso sa parking lot kung nasaan ang kanilang van. Marunong naman siya mag drive.

Binilisan niya ang pagpapatakbo at agad nakarating sa airport.
Kinakabahan siyang tumakbo papasok.
Kailangan niyang makita si Aizyll! Hindi pwedeng umalis ito ng hindi man lang sila nakapag-usap.

Takbo doon, takbo rito ang kanyang ginawa at hindi alintana ang mga taong kumukuha sa kanya ng video at pictures.
Naka focus lang ang kanyang isipan at mga mata sa paghahanap kay Aizyll.

At sa wakas naabutan niya ito kasama si Ana!

"Aizyll!!!" Isang napakalakas na sigaw ang binitiwan niya na nag echo sa buong airport!

Napatigil sa paglalakad sina Ana at Aizyll at napalingon sa kanya.

Agad na lumapit si Daniel at mahigpit na niyakap si Aizyll.

"Thanks God at ligtas ka! I miss you so much Aizyll!" Halos maiyak na sambit ni Daniel.

Pero si Aizyll ay tahimik lang at hindi gumanti ng yakap sa kanya.

Nagkikislapan na sa buong paligid dahil sa mga camera. Mabilis na natunugan ng media ang pagpunta ni Daniel sa airport.
Pero wala siyang pakialam sa lahat ng mga tao sa paligid nila!

Napabitiw siya sa pagkakayakap sa dalaga ng wala man lang itong reaksiyon sa mga sinabi niya.

"Aizyll?!" sambit ni Daniel sa pangalan ng dalaga.

Blangko ang mga mata ni Aizyll at nagtataka.
Napaatras si Daniel ng makita ang malamig nitong mga titig.

"Who are you?" tanong ni Aizyll.

Hindi siya kilala nito? Ano'ng nangyari sa kanya? Ang tanong ni Daniel sa kanyang isipan.

Napakurap si Daniel ng kanyang mga mata at nilapitan ulit si Aizyll.

"I'm Daniel, did you forget me?" nagugulahang tanong ni Daniel.

Kumunot lang ang noo ni Aizyll at napailing.

"I'm sorry mister- Baka napagkamalan mo lang ako na kakilala mo and besides we are in a hurry and you're blocking our way." Sagot ni Aizyll at humakbang na ito paalis.

Hindi malaman ni Daniel ang gagawin. Kung hahayaan niya itong umalis ay labis niyang pagsisisihan ang hindi humingi ng tawad sa dalaga. Napakalaki ng kasalanan niya dito.
Agad niyang hinila ang kamay nito.

"Wait- Can you have at least five minutes?" seryosong tanong ni Daniel.

"Why? Hindi nga kita kilala eh. At nakahawak ka pa talaga sa kamay ko!" naiinis na sagot ni Aizyll.

Pero ayaw bumitaw ni Daniel at baka mawala na naman ito.

"No, I will never let you go again! Can you listen to me please?" pagsusumamo ni Daniel.

May kumislap na kung ano sa mga mata ni Aizyll at sumang-ayon siya na pakinggan si Daniel.

"Okay Mister- Let me hear what you want to say," sagot niya.

"I'm sorry, I'm sorry!" madamdaming sambit ni Daniel.

"Sorry for what?" nagtatakang tanong ni Aizyll.

"Sorry sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa'yo," sagot ni Daniel na halos ay maiyak na.

Tuloy ang pagkislapan ng mga camera sa paligid. Ang sikat na si Kei Daniel Obregon ay trending na ngayon sa buong bansa!

"Sad to say, I don't know what you're talking about Mister. What's your name again?" tanong ni Aizyll.

Parang sinaksak ng milyong beses ang kanyang puso dahil hindi siya kilala ni Aizyll. Bakit nakalimutan siya nito?

"May amnesia ka ba dahil sa nangyaring aksidente?" malungkot na tanong ni Daniel.

Kasalanan niya na nadisgrasya ito! Deserve niya ang kalimutan nito. But he doesn't want to let her go! Hindi na siya bibitaw pa.

Pero binitiwan ni Aizyll ang kanyang mga kamay!
Napabuntunghininga si Daniel ng malalim. Gusto niyang hawakang muli ang mga kamay nito pero baka iwanan siyang bigla. Kaya hinayaan nalang niya.

"At ngayon you're saying na may amnesia ako? Is this what you wanted to say? You are wasting my time!" naiinis na sagot ni Aizyll.

"Ana let's go. We're late to our flight!" sigaw niya at deretso na sa paglalakad.

Iniwanan si Daniel na nakatulala. Ang mga reporters na nasa paligid ay natulala at nalungkot rin para kay Daniel.

"I'am Kei Daniel Obregon! And I love you so much Aizyll Mary Fuenteluna!" sigaw ni Daniel at nagpalakpakan ang lahat.

This is his last card. At hindi siya makakapayag na hindi masabi kay Aizyll kung gaano niya ito kamahal! Kahit na may amnesia at nakalimot ito sa kanya ay mahal parin niya ang dalaga.

Napahinto si Aizyll sa paglalakad at napatingin sa mga tao sa paligid.

"What are you doing? I don't care who you are! And you love me? Funny!" Galit na sagot ni Aizyll.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at tuluyang iniwanan si Daniel.

Hindi na pwedeng pumasok si Daniel at hanggang tanaw nalang siya sa dalaga. Nabigo man ay nasabi naman niya ang nilalaman ng kanyang puso!

Sana hindi mo na makalimutan ito Aizyll. I love you very much... Bulong ni Daniel sa kanyang sarili.

Mahina lang ang kanyang pagkakasabi ngunit narinig parin ng mga reporters. Nalungkot sila para kay Daniel.
At nalungkot ang buong bansa!
They are on live coverage.
Live na napapanood sila ng lahat. Lalo na ang mga fans ni Daniel na nakatutok sa nangyayari.
Hindi sila nagseselos kay Aizyll.
Gusto nila ito para sa kanilang idolo.
Pero nalungkot ang lahat ng iwanan ni Aizyll si Daniel. Para lang sila nanonood ng pelikula.
Isang mapanakit na palabas!

Gustong umiyak ni Daniel ng mawala sa paningin niya si Aizyll.
Aalis na sana siya ng marinig ang boses nito.
Bumalik si Aizyll!

"So, aalis ka nalang? Matapos mong mag confess ay iiwanan mo lang ako?" naiinis na sigaw ni Aizyll.

Napalingon si Daniel at hindi malaman kung ano ang gagawin.

"Aizyll?" nagtataka niyang tanong.

"Bakit? Yan lang ba ang sasabihin mo? Wala na bang iba?" nakapamaywang na tanong nito.

"You're not angry anymore? Do you remember me?" ganting tanong ni Daniel na nagugulahan sa biglaang pag-iba ng kilos ni Aizyll.

Napatawa ng malakas si Aizyll at lahat ng Camera ay biglang napatutok sa kanya!
Ang lahat ng mukha ay nagtatanong at nag-aabang sa kanyang sasabihin.
Mas lalo na si Daniel na nagtataka kung bakit tumatawa ito.

Napakaseryoso niya pero tatawanan lang siya? Pero masaya siya na nakangiti na ito at kilala na siya.

"It's a prank!" nakatawang sigaw ni Aizyll.

At ang lahat ay napasinghap ng marinig ang kanyang sinabi.
Hindi nila alam kung maiinis o matutuwa sila sa narinig.
Pati sila ay napa emote ng 'di oras! Tapos prank lang pala ang lahat?

Si Daniel ay tahimik lang at matiim na nakatitig kay Aizyll.

"Tititigan mo nalang ba ako Daniel? Nasaan na ang singsing?" tanong niya.

Pero si Daniel ay hindi sumagot at mabilis ang mga paa na humakbang papalapit sa kanya.

At nakalapit na siya kay Aizyll...

"Ngayon ay ayaw mo nang magsalita samantalang kanina ang-" Hindi natapos ni Aizyll ang kanyang sasabihin ng bigla siyang kabigin ni Daniel at halikan.

Napakurap ang kanyang mga mata at hindi alam ang gagawin. Pero nalulunod siya sa mapagparusang halik nito at gumanti ng halik.
Hindi magkamayaw ang ingay sa buong paligid habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Si Ana ay kanina pa sigaw ng sigaw at kinikilig. Masaya siya para sa kanyang amo!
Para lang sila nanonood ng pelikula na may happy ending.

Parang dinuduyan sa ulap si Aizyll ng matikman ang halik ng pagmamahal ni Daniel. Ang saya-saya niya!

Nagpanggap siyang may amnesia at hindi maalala si Daniel para parusahan ito. It's just a small prank na buti nalang at ginawa niya.
Napa confess si Daniel sa harapan pa talaga ng maraming tao at nagkikislapang mga camera!
Her Daddy is watching right now and she's sure of that. Pinaglaban niya ang pagmamahal kay Daniel kahit walang kasiguraduhan.

Pero willing naman siya mag bakasyon sa Europe.
Mag mo-move on na sana siya sa ibang bansa pero hindi niya inasahan na hahabulin siya ni Daniel sa airport at magtatapat ito ng pag-ibig.
It's the most unforgettable happiest day of her life!

"I love you Aizyll..." Mahinang sambit ni Daniel.

Hindi makapaniwala si Aizyll at tumulo ang kanyang luha.
Nasanay na siya ang maghahabol sa binata pero ngayon ay andito sa kanyang harapan at sinasabing mahal siya!
Mahal siya ng kanyang love at first second!

But Daniel is her one and only greatest love.
Ang payatot na minahal niya noon ay siya ring mahal niya ngayon.

"I love you too Muby ko." Ang naiiyak na sagot ni Aizyll at hinalikan siyang muli ni Daniel.

On live coverage they become officially lovers! And Aizyll is very happy na proud si Daniel ipaalam sa buong bansa ang pagmamahalan nila.
Wala ng sasaya pa sa taong in love at inspired.

Pero noon pa naririnig ni Daniel ang call sign na binigay ni Aizyll sa kanya at hindi niya alam kung ano ang kahulugan nito.

"Thank you for loving me back. But what is the meaning of Muby ko?" nagtatakang tanong ni Daniel.

Napatigil ang lahat sa pag-uusap at naghihintay ng isasagot ni Aizyll.

"Ikaw ang mundo ko, Baby. Muby ko..." Ang nakangiting sagot ni Aizyll.

Cheesy at corny man pakinggan pero para kay Aizyll ay musika sa kanyang pandinig ang tawagin na Muby ko si Daniel.
Hindi niya lang alam kung nagustuhan ba ito ni Daniel.

Napangiti si Daniel sa narinig at hinawakan ang kamay ni Aizyll.

"You're my world, my universe and my everything. I love you." Nakarami na ng I love you si Daniel at hindi siya magsasawang mag I love you kada araw at oras sa babaeng pinakamamahal niya.

Napaiyak na ng tuluyan si Aizyll. Para sa kanya ay parang panaginip lang ang lahat but it's for real! At wala na siyang mahihiling pa.

Kinabukasan ay front page sa lahat ng newspaper at tabloids ang balitang...

Rich Heiress and The Famous Celebrity confirmed. In a relationship!

Dumaan ang mga araw at naging makulay parin ang kanilang pag-iibigan hanggang nauwi sa kasalan.
Tumigil sa pag-aartista si Daniel at ito na ang namahala sa mga negosyo ng Fuenteluna.
Si Aizyll ay abala sa pagbabantay ng kanilang tatlong anak.
Triplets ang naging anak nila. Isang babae at dalawang lalaki.
Si Ana ay napagdesisyunan na maging matandang dalaga at mag serbisyo parin kay Aizyll hangga't siya ay mag retire.

Pinatawad ni Aizyll si Rebecca at pinalaya ito sa pagkakakulong.
Pero sabi nga nila na ang masama ay mananatiling masama.
Pinakidnap nito ang triplets ni Aizyll at Daniel!

"May tumawag na ba na kidnapper?" Ang nag-aalalang tanong ni Aizyll.

Napailing si Daniel.

"Wala pa pero huwag kang mag-alala Muby. Mga experto ang kinuha ni Daddy na maghanap sa triplets natin. We will find them in time." sagot ni Daniel at niyakap ang asawa.

Nakita sa CCTV na si Rebecca ang kumidnap sa triplets.
Hindi ito mapapatawad ni Aizyll.
Binigyan niya na ito ng pagkakataon pero sinayang lang ni Rebecca.

"This time she will surely rot in hell!" galit na sigaw ni Aizyll.

Biglang tumunog ang cellphone ni Daniel at ang Daddy ni Aizyll ang tumatawag.

Sinagot ni Daniel at ibinalita nito na ligtas na ang triplets.
This time ay nabulok na si Rebecca sa kulungan.

Although wala namang happily ever after.
Daniel and Aizyll are still trying their best to build a better home for their triplets.
May pagsubok man ay kanilang nalalampasan basta't magkasama lang silang dalawa.

At dito nagtatapos ang kwentong nagsimula sa love at first second.
At nagtapos sa walang hanggan na pagmamahalan...

-End-

leejhen 🤍

It's also available to my following accounts.

Wattpad: leejhenx

TikTok: leejhen ravishing stories

FB: Jenniffer Jumao-as JJerusalem

YouTube: leejhen ravishing stories

3
$ 0.14
$ 0.14 from @TheRandomRewarder
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
3 weeks ago

Comments