I want that Celebrity (Chapter 7)

0 30
Avatar for leejhen
4 weeks ago

Regrets

Kinagabihan ay nagawa ng panoorin ni Daniel ang video na ipinadala ni Ana. At nasorpresa siya sa kanyang nakita at narinig.

"Taba!" Sambit niya at naikuyom ang kanyang mga kamao.

Ang matagal na niyang childhood sweetheart na si Taba ay si Aizyll pala! Ang kanyang tagapagligtas ay nasa malapit lang! Hindi niya pa nakilala!

Binuksan niya ang kanyang wallet at nandoon pa ang naiwang alaala ni Taba sa kanya. Ang maliit na keychain na may picture nito ng maliit pa.
Ang chubby na mukha nito ay kay sarap pisilin habang siya noon ay kasing payat ng kawayan kaya payatot ang tawag nito sa kanya. Hindi niya nagawang tanungin ang pangalan nito dahil nawalan siya ng malay at pag gising niya ay hindi na niya ito muling nakita pa.

Bakit hindi niya nakilala si Aizyll? At naniwala sa mga kasinungalingan ni Rebecca?!
Dahil ba hindi na mataba si Aizyll at napakaganda na nito?

"Aizyll!" Parang pinipiga ang puso niya habang sinasambit ang pangalan ng dalaga.

Napakalaki ng kasalanan niya dito. Babawi siya at ilalagay sa ayos ang lahat!
He will never forgive Rebecca for making him a fool! Ginawa siyang tanga nito at siya naman na sadyang tanga ay naniwala kaagad sa mga kasinungalingan ni Rebecca. Naging bulag siya sa katotohanan na andiyan lang pala ang kanyang tagapagligtas ay hindi pa niya nakilala!
At ang mas malala ay sinaktan pa niya si Aizyll. Napalalaki ng kasalanan niya dito.
Babawi siya at gagawin ang lahat upang mapatawad lang ni Aizyll!

Kinabukasan ay agad siyang bumisita kay Aizyll sa hospital pero bantay sarado ito ng sangkaterbang bodyguards. Hindi siya makapasok!
Nagtiyaga siyang maghintay na may lumabas sa private room nito.
Wala na siyang pakialam kung makita man siya ng mga fans! Basta gusto niyang makita si Aizyll at mayakap. Gusto niyang humingi ng tawad sa babaeng pinakamamahal niya.

Maya-maya ay lumabas si Ana at agad niya itong nilapitan.

"Ana, Okay lang ba si Aizyll? Pwede ko ba siyang makausap o makita man lang kahit saglit?" pagsusumamo ni Daniel.

Napailing nalang si Ana. Gustuhin man niyang papasukin si Daniel ay hindi pwede. Galit na galit ang Daddy nito sa nangyari at gustong pagbayarin ang lahat ng may kasalanan.

"I'm sorry Daniel. Hindi pa nagkakamalay si Miss Aizyll but don't worry she's okay. Yon nga lang ay hindi ka pwede makipagkita sa kanya. Masyadong protective si Sir Vector sa nag-iisa niyang anak." Paliwanag ni Ana.

"Please, kahit sumilip lang ako sa kanya? Kahit saglit lang?" pilit na pagmamakaawa ni Daniel.

Napabuntunghininga nalang si Ana. Kaawa-awang tingnan si Daniel!

"Okay, pero hindi mo siya pwedeng lapitan. Dito ka lang sa pintuan." sagot ni Ana.

"Salamat Ana." masayang sambit ni Daniel.

Nang buksan na ang pintuan ay parang umurong naman ang mga paa ni Daniel. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan at sa wakas ay nakita na niya si Aizyll. Walang malay at mahimbing na natutulog.
Napakaganda parin nito kahit tulog at gustong haplusin ni Daniel ang kanyang maamong mukha.

"Aizyll..." tanging nasambit niya.

Kasalanan niya kung bakit nagkaganito ang dalaga! Kasalanan niya kung bakit hindi niya ito nakilala at sinaktan niya pa!

"And who told you to see my daughter?" biglang dumating si Vector ang Daddy ni Aizyll na hindi maipinta ang mukha.

"Close the door! Don't let anyone disturb my daughter!" Galit niyang sigaw at agad na isinara ng mga bodyguards ang pintuan.

"Good morning Sir. Dinadalaw ko lang si Aizyll." Magalang na sagot ni Daniel.

Kinakabahan siya sa Daddy ni Aizyll pero mahal niya ang dalaga at handang gawin ang anuman mapatawad lang siya ng pamilya nito.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nagkaganyan ang anak ko. Get out!" Galit na sagot ni Vector.

Sasagot pa sana si Daniel pero hinila na siya ni Ana papalayo.

"Umuwi kana muna Daniel at palamigin ang lahat. Balitaan nalang kita." Sabi ni Ana.

"Please sabihan mo ako kung magkamalay na si Aizyll." Pakiusap niya.

"Oo, huwag kang mag-alala." sagot ni Ana.

Hindi umuwi si Daniel at dumiretso siya sa kulungan at dinalaw si Rebecca.

"Mahal, salamat naman at nandito kana. Makakalabas na ba ako dito? Ayoko na dito Daniel." Umiiyak niyang pakiusap.

Pero hindi na niya maloloko pa si Daniel sa kanyang pagiging best actress.

"Stop your acting Rebecca. It's all over between us the moment I discovered na isa kang impostora. Gusto ko lang siguraduhin at tingnan na magdurusa ka talaga dito sa bilangguan!" Galit na sagot ni Daniel at agad na tumayo papaalis.

"Mahal, don't do this to me! Please, Mahal na Mahal kita Daniel." Umiiyak na sigaw ni Rebecca.

"Huh! I don't love you Rebecca. I hate you to the bone!" mariing sambit ni Daniel bago lumabas ng pintuan.

Isang malaking pagkakamali ang makipag relasyon sa babaeng sumira ng lahat! Sumira ng buhay niya!
Pero ganu'n paman. Gagawin niya ang lahat mapatawad lang siya ni Aizyll.
Sana nga mapatawad siya ng dalaga sa lahat ng ginawa niya.
Labis niya itong nasaktan!

Lumipas ang araw at isang linggo pero walang Ana na nag text o nag email kay Daniel! Hindi na siya mapakali kung ano na ang nangyari kay Aizyll.

Nang bumalik siya ng hospital ay wala na si Aizyll doon. Inilipat ng kanyang Daddy! At hindi niya mahanap ito.

Hindi siya makapag concentrate sa kanyang mga gig at concert dahil si Aizyll lang ang laging laman ng kanyang puso at isipan.
Mababaliw na siya kakaisip sa dalaga kung ano na ang nangyari dito! At kung nasaan na ito!

"Daniel, what is happening to you? Ang pangit ng performance mo ngayon. Pati pagkanta mo ay pumiyok pa sa dulo!" naiinis na reklamo ni Maura.

Mawawalan sila ng trabaho kapag nagpatuloy ang kawalang gana ni Daniel!

"I'm sorry Maura. But I can't concentrate hangga't hindi ko nalalaman kung ano na ang nangyari kay Aizyll." Malungkot na sagot ni Daniel.

"Mawawalan tayo ng trabaho Daniel kapag nagpatuloy ito!" Desperadang sagot ni Maura.

"Please help me Maura. Baka may paraan ka kung paano ma kontak si Ana o kahit na anong paraan para malaman lang kung okay na ba si Aizyll? Help me Maura!" nababaliw na pakiusap ni Daniel.

Bawat pagdaan ng mga araw at oras ay nababaliw siya kakaisip kung okay na ba si Aizyll! Ang malaman na ligtas ang dalaga ay mapapanatag na ang kanyang puso at kalooban.

Napailing si Maura. Malala na ang kanyang alaga! Sino nga naman ang mag-aakala na biglang magkaganito ang takbo ng buhay ni Daniel?
Ang masaya niyang buhay ay naging bangungot dahil lamang sa isang kasinungalingan!
At ang dahilan ay ang kanya pang pamangkin na si Rebecca.
Gustuhin man niyang tulungan ito ay wala rin siyang magagawa. Mayaman ang binangga ng pamangkin niya. Kailangan niya rin pagdusahan ang kasalanan na ginawa niya.

"Okay, gagawin ko ang lahat malaman lang kung nasaan si Aizyll but please, focus on your performance ha." sagot ni Maura.

Kailangan niyang tulungan ang alaga para mapanatag na ang kalooban nito. At hindi sila mawalan ng trabaho! Sayang ang career ni Daniel kung masisira lamang ito.

"Thanks Maura! Don't worry, gagalingan ko ang aking next performance." Pangako ni Daniel at masaya na itong umakyat ng stage.

Inutusan ni Maura si Agnes na tawagin lahat ng mga Marites nilang kontak at alamin kung nasaan na si Aizyll.
Tinupad naman ni Daniel ang kanyang pangako na pagbutihin ang performance niya.

Masaya itong bumaba ng stage at sabik na lumapit kay Maura.

"Ano na Maura. Nalaman mo na ba kung okay na si Aizyll?" Excited na tanong ni Daniel.

Hindi alam ni Maura kung sasabihin ba ito kay Daniel pero kapag hindi niya sinabi ay baka tumigil si Daniel sa pag aartista sa sobrang depression.

"She's okay and currently leaving papuntang Europe ngayon. She's in the airport right now." sagot ni Maura at napa ingles pa ng wala sa oras.

"What?!" gulat na tanong ni Daniel at agad na kumaripas ng takbo.

It's also available to my following accounts.

Wattpad: leejhenx

TikTok: leejhen ravishing stories

FB: Jenniffer Jumao-as JJerusalem

YouTube: leejhen ravishing stories

2
$ 0.04
$ 0.04 from @TheRandomRewarder
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
4 weeks ago

Comments