I want that Celebrity (Chapter 6)

0 20
Avatar for leejhen
1 month ago

TRUTH REVEALED

Grabeng hingal ni Aizyll dahil first time niya makapag mountain climbing. Hindi siya mahilig sa sports kahit anong pilit ng Daddy niya.

Ngayon ay nahihirpan tuloy siya.

Bakit hindi pa kasi siya sumama sa mga sports activity noon!

Nadulas pa siya at tinamaan ang pwet.

Nakakahiya! Sigaw niya sa kanyang isipan. Ngayon pa talaga siya nadulas sa harapan ni Daniel at ng karibal niya.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Daniel at agad siyang inalalayan sa pagtayo.

Biglang nag-init ang kanyang pakiramdam nang maglapat ang kanilang katawan!

Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng ganito.

Iwinaksi niya sa isipan ang kakaibang nararamdaman. It's not a time of flirting. Magiging masama siyang babae sa paningin ng iba.

Umayos ka Aizyll! Saway niya sa kanyang sarili.

"Thank you." Nahihiya niyang sagot.

"Ouch! Mahal natapilok ako ang sakit ng paa ko, huhu." Umiiyak na sigaw ni Rebecca.

Halata namang umaarte lang ito at ayaw malamangan.

Maamo ang mukha isang bruha pala! Kawawa si Daniel sa kanya.

Isang mapagpanggap at tusong nobya ang mayroon siya.

But she's there to rescue him. Kung makikita lang ni Daniel kung gaano niya ito ka mahal.!

"Saan ba masakit Mahal?" Ang tanong ni Daniel ng makalapit ito kay Rebecca.

"Ang OA naman ng babaeng 'yan! Ewan ko lang kung hindi yan makalbo ng mga fans ni Daniel. Buti naman at itinago niya ang babaeng OA. Kung ako lang gusto ko ng kalbuhin eh!" Ang naiinis na bulong ni Ana.

Pero narinig parin siya ni Aizyll!

Gusto niyang matawa pero masakit pa ang kanyang balakang at pwet.

"Dito na muna tayo Ana. Hindi ko ata kakayanin ang kumilos pa." Sambit niya.

"Okay Miss Aizyll. Here, inom ka muna ng water." Inabot ni Aizyll ang tubig at inubos agad.

For the first time in her life ay ngayon lang siya nauhaw ng ganito. Nakakapagod at hindi sanay ang kanyang katawan. Pero keri parin para sa pinakamamahal niya.

Nagpaalam na sila Daniel at Maura na magpapatuloy sa pag-akyat at nagpaiwan sina Aizyll at Ana.

Maya-maya pa ay bumalik si Rebecca!

"Hoy, Ano ba name mo?" Turo niya kay Ana.

At hindi ito nagustuhan ni Aizyll.

"Ana ang pangalan niya!" Maldita niyang sagot.

"Ana, pinapatawag ka nila Daniel at Maura. May iuutos ata sayo." Walang gana nitong sagot.

"Excuse me, may PA si Daniel. Ana is my Personal Assistant!" Naiinis na singit ni Aizyll.

"Okay lang Miss Aizyll. Baka importante."At umalis na ito paakyat.

Nagtaka si Aizyll kung bakit nagpaiwan ang bruha!

"What are you doing in here?" Inis niyang tanong.

"To kill you!" Ang walang kurap na sagot ni Rebecca.

Nakatingin ito sa kanya na parang sinapian ng demonyo.

Hindi naman natatakot si Aizyll pero alam niya na mahihirapan siya dahil hindi siya masyadong makalakad.

Masakit pa ang kanyang balakang pero pinilit niyang tumayo.

"You're funny Rebecca, As if I'am afraid." Walang emosyon na sagot ni Aizyll.

"Be very afraid because I will not let you ruin my relationship with Daniel!" Galit na sigaw nito.

Kumunot ang noo ni Aizyll. Hindi pa naman niya inaagaw si Daniel ng totohanan at loyal ito kay Rebecca pero bakit galit na galit ang bruha?

"You're insane. Hindi ko pa inaagaw si Daniel. Panic attack ka kaagad!" Ang nakatawang sagot ni Aizyll.

Pero si Rebecca ay seryoso parin ang mukha.

"I will never let him know na ikaw ang nagligtas sa kanya noon at hindi ako! Asungot ka sa relasyon namin. Nagpakita kapa talaga ulit para sirain ang maganda naming samahan!" Nanlilisik ang mga matang sigaw nito.

Nawala ang ngiti sa labi ni Aizyll.

"What do you mean?" Ang nagtataka niyang tanong.

"You need to die!" At bigla niyang itinulak si Aizyll at dumeretso ito sa

baba!

Isang malakas na sigaw ang namutawi sa bibig ni Aizyll bago ito mawalan ng malay.

Si Ana na bumalik at walang balak na sundin ang utos ni Rebecca ay nakatuwaan na videohan ang pag-aaway ng dalawa pero hindi niya lubos maisip na itutulak ni Rebecca si Aizyll!

Agad siyang napatakbo at sinambunutan ang buhok ni Rebecca.

"Miss Aizyll! Walanghiya ka, Bakit mo siya itinulak?" Ang galit na tanong ni Ana habang hawak ang buhok nito.

"Let me go! Ano ba ang pinagsasabi mo." Ang sagot ni Rebecca na ayaw umamin pero sekretong nakangiti.

"What happened in here?" Ang tanong ni Daniel.

Agad silang bumaba nang marinig ang sigaw ni Aizyll baka napaano ito at may nangyari nga.

"Daniel, tulungan mo si Aizyll!" Umiiyak na sagot ni Ana at binitiwan ang buhok ni Rebecca.

Itinuro niya kung nasaan si Aizyll. At nasindak si Daniel sa kanyang nakita.

"Aizyll!" Sigaw niya at agad na bumaba sa paanan ng bundok para iligtas ang babae.

Walang malay si Aizyll nang buhatin ni Daniel.

Kahit anong pilit niya na gisingin ito pero ayaw magising.

Hindi niya alam kung bakit ganu'n nalang ang kaba niya at pagkabahala sa dalaga.

Malungkot ang kanyang puso!

Bigla sila nakarinig ng tunog ng ambulansiya at sirena ng mga pulis!

Agad na binuhat si Aizyll ng mga nurse at isinakay sa ambulansiya. At pinosasan naman si Rebecca ng mga pulis.

"What are you doing? Let me go! Daniel! Help me mahal." Natatakot na sigaw ni Rebecca.

Nakalimutan niya na mayaman at maimpluwensiya ang pamilya ni Aizyll. Nagpadala siya sa bugso ng damdamin. At ngayon ay makukulong siya!

"Excuse me Sir, Baka may misunderstanding dito?" Tanong ni Daniel.

"Diba siya si Rebecca Bentulan? She's under arrest for attempted murder." Estriktong sagot ng pulis at ibinigay kay Daniel ang warrant.

"No, mahal! Help me. Wala akong kasalanan!" Umiiyak na sigaw ni Rebecca.

Kailangan niyang galingan ang pag-arte. Si Daniel nalang ang makakatulong sa kanya at wala ng iba.

"Ano'ng wala! Kuhang-kuha sa video ko ang ginawa mong pagtulak kay Miss Aizyll. Mabubulok ka sa bilangguan! Mali ka ng binagga impostora, pamilya pa talaga ni Aizyll!" Galit na sigaw ni Ana.

Buti nalang talaga at na videohan niya ang lahat! At mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang amo.

Agad niyang tinawagan ang Daddy ni Aizyll at sinabi ang lahat ng nangyari. Ngayon ay galit na galit ito! Mananagot ang lahat ng may kasalanan. Aizyll is the only child and Heiress.

Mahal na Mahal ito ng Daddy niya!

"I don't know what you're saying! Tulungan mo ako Mahal!" At todo deny parin si Rebecca.

Pero hindi siya makakalusot sa Daddy ni Aizyll at sa batas. Mapaparusahan siya! Ipinagdarasal ni Ana na okay lang ang kanyang amo. Makakaganti naman ito at mabubulok sa kulungan si Rebecca!

"Tsk, Ano pa ang hinihintay ninyo. Ikulong na ang babaeng iyan. At Daniel, may video ako na ipinadala sa email mo. Buksan mo at baka sakaling magising ang natutulog mong diwa." Sambit ni Ana at nilisan na ang lugar.

Walang nagawa si Daniel ng tuluyang dalh

in ng mga pulis si Rebecca. Sumunod nalang siya sa presinto but sad to say no bail for Rebecca's case. Mabubulok siya sa bilangguan!

It's also available to my following accounts.

Wattpad: leejhenx

TikTok: leejhen ravishing stories

FB: Jenniffer Jumao-as JJerusalem

YouTube: leejhen ravishing stories

1
$ 0.03
$ 0.03 from @TheRandomRewarder
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
1 month ago

Comments