I want that Celebrity (Chapter 5)

0 23
Avatar for leejhen
1 month ago
Topics: Blog, Writing, Story, Love, Novel, ...

LOVE HURTS

TAGAYTAY

Sumama parin si Aizyll sa trip to Tagaytay. Curios siya kung ano ang mukha ng babaeng pinakamamahal ni Daniel at kung bakit nagustuhan niya ito?

At dumating na nga ang babaeng pinakahihintay nila.

Late na ito at parang balewala lang sa kanya na may mga naghihintay.

Hindi man lang humingi ng paumanhin dahil may pinaghintay siyang tao. Feeling VIP pa kung makaasta!

"Mahal!" masayang bati nito kay Daniel at agad na yumakap.

Buti nalang at madaling araw pa at walang mga tao sa paligid.

Hindi muna nila pinaalam sa mga fans para may privacy si Daniel.

Mag post nalang ng mga surprise pictures si Aizyll sa kanilang page later.

"You're late!" nakangiting sagot ni Daniel at piningot nito ang ilong ni Rebecca.

Biglang may naalala si Aizyll sa gesture na 'yan.

Si payatot!

Nasaan na kaya siya? Sana okay lang ang buhay niya.

Bulong ni Aizyll sa kanyang sarili.

Ayaw man niyang tingnan ang babaeng kaagaw niya pero hindi siya nakaligtas sa mga mata nito.

"Oh, Mahal. Kasama pala pati mga fans mo?" nakangiting tanong nito.

Biglang uminit ang pisngi ni Aizyll sa narinig.

She can sense na isang devil ang babaeng ito na naka disguise as angel sa harapan ni Daniel!

But wait-

Familiar sa kanya ang babae!

If she is not mistaken, she is Rebecca Bentulan.

Her former classmate in Elementary!

She remember her.

Doon siya nag-aral ng Elementary sa Tagaytay with her Lola.

"Rebecca?" tanong ni Aizyll.

"Wow, Do you know me? Naku Daniel, our relationship is secret. Sinabi mo ba sa mga fans mo?" shock na tanong niya.

May pagka-OA ang babaeng ito! Bulong ng kanyang PA sa kanyang sarili.

Kahit OA ang kanyang amo na si Aizyll pero mas lumagpas itong si Rebecca!

Nakatikom lang naman ang bibig niya at nagmamasid sa paligid. Pero ayaw niya si Rebecca para sa idol niyang si Daniel.

"Rebecca Bentulan right? Ang dali mo naman akong nakalimutan!" nakangiting sambit ni Aizyll.

Napatingin si Rebecca sa kanya from head to foot at parang nakakita ito ng multo!

Nanlaki ang mga mata nito na tila hindi makapaniwala!

"I-I'm sorry miss, But I don't know you. Let's go Mahal." At nauna na itong pumasok ng van.

Napakunot-noo naman si Aizyll.

It's impossible na hindi siya killala nito?

Pero bahala siya! Takot lang siguro agawin ang boyfriend niya!

Napailing si Aizyll sa naiisip.

Pero Mahal niya si Daniel at bahala na kung ano ang kahihinatnan nito. Basta ang alam niya ay mahal niya si Daniel.

Pumasok na rin sila ng van at hanggang tanaw lang siya kay Daniel sa likuran habang nilalamutak ito ng halik ni Rebecca.

Nag ear buds nalang siya at nagpatugtog ng malakas para hindi marinig ang nakaka bwesit nilang halikan.

Hindi niya lubos akalain na showy pala si Daniel? PDA to the max! Hindi naman siya na turn off pero ang hiling niya na sana ay siya ang kahalikan nito.

Masakit pero Laban parin si Aizyll! Hindi siya susuko. Girlfriend lang 'yan. Ang bulong niya sa kanyang sarili.

Agad na nag pictorial si Daniel ng makarating sila sa venue. Nasa Amazing Lake sila for mountain climbing theme pictorial.

Mabilis na nakalapit si Aizyll ng matapos ang photoshoot at papahiran na sana niya ng pawis ang noo ni Daniel pero nagkasabay pa sila ni Rebecca!

She give way and let her wipe Daniel's sweat.

Hindi naman siya ang girlfriend at may respeto parin siya kahit papaano.

"Ang loyal mo namang fan. Pero sana huwag mong kalimutan na may limitations din ang pagiging fans!" nakairap na sambit nito.

Papatalo ba siya?

Syempre hindi! Kung maldita si Rebecca ay mas lalo na siya!

"Tama ka Rebecca, in fact sa pagka loyal fan ko ay naging presidente pa ako ng fans club ni Daniel! And speaking of that, huwag kang masyadong dumikit sa bf mo. Selosa ang mga fans niya. Remember, secret gf ka lang at hindi pa pinapakilala in public. Know your limitations hehe." nakangising sagot ni Aizyll.

Pero hindi natuwa si Daniel sa kanyang narinig at ipinagtanggol ang nobya.

"Stop it Aizyll. She's my girlfriend and will always be my first priority. Pwedeng-pwede ko siyang ipakilala sa buong mundo!" galit na sagot ni Daniel.

"Then, do it!" sagot naman ni Aizyll at iniwanan na sila.

Bad trip si Aizyll pero ayaw niyang sumuko ng ganu'n nalang! Galit siya pero bakit mahal parin niya? Nakaka bad trip naman pala ang mag mahal! Sigaw ni Aizyll sa kanyang sarili. Dapat ay umalis na siya at huwag hayaan ang sarili na masaktan pero ayaw naman humakbang ng mga paa niya!

Mahal niya si Daniel at kaya pa niyang magtiis.

"Miss, bumitaw ka na!" mahinang sambit ni Ana na nasa kanyang likuran lang pala.

Hindi na siya masaya sa pinag-gagawa ng kanyang amo. Nagmumukha na itong tanga! Mayaman at napaka- ganda nito. Madami ang mga manliligaw pero nahumaling sa isang lalaki na pag-aari na ng iba.

Bulag nga talaga ang pag-ibig. Ang napapailing na bulong ni Ana.

"What? I will never let go!" naiinis na lumingon si Aizyll sa pakialamera niyang PA.

"Okay, pero ako ang nasasaktan Miss Aizyll. Idol ko si Daniel but you are my boss, nasaiyo ang loyalty ko at sinasabi ko na bumitaw kana. Maawa ka sa sarili mo!" naiiyak na sagot ni Ana.

"Hahaha, patawa ka Ana. Don't worry about me. I can handle myself. Masyado ka atang nadala sa kakapanood ng mga drama ni Daniel." Napailing si Aizyll.

Kahit nakatawa siya ay kita parin ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi nalang kumibo si Ana. Dama parin niya ang sakit at lungkot na nararamdaman ng kanyang amo. Pero matigas ito at gustong masaktan ng paulit-ulit. Wala siya sa tamang lugar para pakialaman ang buhay nito. Sana nga lang talaga mauntog na ito at magising sa kahibangan kay Daniel.

"Miss Aizyll! Bakit hindi ka pa nakabihis?" nagtatakang tanong ni Maura.

Bigla itong sumulpot at natigil ang kanilang pag-uusap.

"Bakit, Ano'ng meron?" tanong ni Aizyll.

"Tapos na ang shooting! It's time to explore the beauty of nature. Mag mountain climbing daw tayo!" masayang sagot ni Maura.

"Okay, pakihintay sandali ah,mag change outfit muna ako." At agad na siyang kumaripas ng takbo.

Habang nakasunod ang PA na si Ana.

leejhen 🤍

It's also available to my following accounts.

Wattpad: leejhenx

TikTok: leejhen ravishing stories

FB: Jenniffer Jumao-as JJerusalem

YouTube: leejhen ravishing stories

1
$ 0.09
$ 0.09 from @TheRandomRewarder
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
1 month ago
Topics: Blog, Writing, Story, Love, Novel, ...

Comments