I want that Celebrity! (Chapter 3)

0 36
Avatar for leejhen
9 months ago

Chapter 3 "Magical Date"

Nilipad lang ni Aizyll ng 10 minutes ang pag dra-drive kung nasaan si Daniel. Nanginginig pa ang kanyang alalay sa bilis niyang magpatakbo ng sasakyan. Kanina pa siya nasusuka pero pinigilan niya. Good mood ng kanyang amo ngayon at ayaw niya sirain ang araw nito.

Gulat ang feslak ng dalawa na si tabachoy at payatot ng makita si Aizyll pero wala siyang pakialam sa mga ito. Ang gusto lang niyang makasama ay si Daniel.
Nag flying kiss pa siya sa dalawa bago sila tuluyang umalis.
Hindi makapaniwala si Maura at Agnes na mayaman si Aizyll at hindi ito stalker.

"Wear this." Binigyan ni Aizyll si Daniel ng mask at bunny na hairband.

"Why?" Nagtatakang tanong ni Daniel.

"Ano'ng why? Ang dami mo kayang fans! Baka kalbuhin ako kapag makita tayong magka date hehe. But don't 'ya worry. Pina-book ko ang buong Magical World for us! Just in case lang na may makakita sayo. Ako okay lang, gusto ko yon. Pero syempre need mo ang privacy right?" Mahabang litanya ni Aizyll na walang naintindihan si Daniel kundi right lang!

Tumango nalang siya at nang matahimik na ito.

"Okay." Maikli niyang sagot.

"Then fasten your seatbelt muby ko. We are going to Magical World!" Masayang sigaw ni Aizyll.

At kumunot naman ang kilay ni Daniel sa call sign na ibinigay sa kanya ni Aizyll.
Si Ana na nasa likuran lang nakaupo ay maiihi na naman sa sobrang kilig. Okay na siya sa ganito na laging nakikita ang kanyang idolo at ang gwapo!
Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa. Baka magalit ang amo niya. Napakasaya pa naman nito.
Ang gwapo ni Daniel!!! Sa isipan niya lang pwede siyang tumili at sumigaw.

First time ni Daniel pumunta sa magical world. It's been years na hindi sila nakapasyal ni Rebecca dahil sa busy schedule niya na laging fully book. Sinadya rin niya ang lahat ng iyon para makapag ipon.
This magical world is newly built and it's indeed magical! Medyo na relax si Daniel from showbiz stress.

Ang hyper at ingay ni Aizyll. Parang bata ito na pinuntahan ang lahat ng rides. Ang kanyang PA na si Ana ay surrender na dahil nahilo at tahimik nalang sa isang sulok na nakatingin sa kanila.

"Muby ko, ice cream for you." Masayang sambit ni Aizyll at ibinigay ang mango flavor ice cream kay Daniel.

Ayan na naman ito sa Muby ko! Hinayaan nalang ni Daniel. Basta masaya na si Maura at hindi siya matutulog sa kulungan ngayon.

"Thanks." Maikling sagot ni Daniel.

"Oops, natutunaw na!" Sigaw ni Aizyll at nag dive sa ice cream ni Daniel.

Dinilaan niya ito until mawala ang natutunaw na part.
Hindi naman alam ni Daniel ang gagawin dahil bigla nalang siya nanlamig at hindi maintindihan ang nararamdaman!
Bakit ganito? Ang tanong niya sa kanyang sarili.

"Ayan okay na. Ang bagal mo kasi kumain. Let's go at the ferris wheel!" At hinila na siya ni Aizyll.

Maganda ang view sa taas at mahangin pa. Nag enjoy talaga si Aizyll sa date na ito. Pero si Daniel ay tahimik lang.

"Muby ko, alam mo ba ang legend about riding ferris wheel?" Medyo nahihiyang tanong ni Aizyll.

"Hindi, Pati ferris wheel ay may legend na pala ngayon?" Natatawang tanong ni Daniel.

"Yes, sabi sa legend. If you kiss your boyfriend/girlfriend while riding the ferris wheel ay magkakatuluyan daw kayo forever!" Kinikilig na sagot ni Aizyll.

"Tsk! Maniwala ka diyan. Promotion lang nila yan para maraming sumakay sa ferris wheel." Ang nakatawang sambit ni Daniel.

Nakasimangot si Aizyll habang pinagmamasdan siyang tumatawa. Panira ng moment si Daniel. Pero para sa kanya it's still magical na maka date ito. And it's her chance na patunayan kung totoo ba ang legend o hindi.

"Kahit na, why don't we try it?" Tanong ni Aizyll at agad na hinila ang mukha ni Daniel papalapit sa kanya.

Naglapat ang kanilang mga labi at sandaling natangay si Daniel ng tukso at gumanti ng halik kay Aizyll.

But that just only for a minute nang biglang lumitaw ang nakangiting mukha ni Rebecca sa kanyang isipan.
Hindi niya magagawang saktan si Rebecca! He will never cheat!
Agad niyang itinulak si Aizyll na disappointed ang mukha dahil nabitin ito.

"I'm sorry but we cannot continue this. I have a secret girlfriend." Ang seryosong sabi ni Daniel.

Parang may tumusok na karayom sa puso ni Aizyll nang marinig niya ito.
But she is Aizyll Mary Fuenteluna. At ipaglalaban niya ang taong gusto niya!
She will surely get what she wants!

"So what! remember, we had a deal. Wala pa nga one month ay aatras kana! I don't care with your secret girlfriend. All I want is you." Ang malditang sagot ni Aizyll.

"Are you insane?" Ang di makapaniwalang tanong ni Daniel.

"I'm not insane, our date will continue because that's the deal." Ang sagot ni Aizyll.

"I don't know what to call you. Over confident and full of guts." Ang naiiling na sambit ni Daniel.

Really! Ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng ganito. Spoiled rich heiress na walang magawa sa buhay kundi ang maglaro.

Ang hindi alam ni Daniel na hindi naglalaro si Aizyll. She really loves him. At hindi rin niya alam kung bakit nagkakaganyan siya. There's so many fishes and boys in the ocean pero kay Daniel pa siya na fall na may secret girlfriend na pala!

leejhen 🤍

If you like to read the full story. It's available to my following accounts.

Wattpad: leejhenx

TikTok: leejhen ravishing stories

FB: Jenniffer Jumao-as JJerusalem

YouTube: leejhen ravishing stories

3
$ 0.14
$ 0.14 from @TheRandomRewarder
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
9 months ago

Comments