I want that Celebrity! (Chapter 2)

0 38
Avatar for leejhen
9 months ago

Chapter 2 "It's a deal"

Bumaba na ng stage si Daniel at agad na sinundan ito ni Aizyll. She's determine to pursue her love at first-second.

Kahit ano ay gagawin niya. Just to have him!

"Miss Aizy, Saan kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ng kanyang PA.

"I told you, na lagi muna makikita si Daniel. Everyday pa 'yan girl!" Kinikilig na sagot ni Aizyll.

Napakamot nalang sa ulo ang kanyang PA na si Ana.

Ano'ng nangyari? Ang tanong sa kanyang isipan.

Kanina lang ay ayaw kay Daniel ngayon ay patay na patay naman?

Napailing ulit si Ana.

Pero syempre gusto niya rin makita ang idol na si Daniel.

Talagang nanibago lang siya sa maldita niyang amo!

Biglang bumait at umamo na parang joke lang ang lahat.

Mga mayayaman nga naman! Bulong ni Ana sa kanyang sarili.

Naabutan nila si Daniel sa backdoor.

"Hello, Mr. Obregon. Care to have a coffee." Nakangiting tawag ni Aizyll.

Napatigil si Daniel sa pagpasok sa van at napalingon sa kanya.

"You're the girl earlier?" Nakakunot noo nitong tanong.

Kinilig naman si Aizyll dahil naalala pa talaga siya ni Daniel!

Kilig yarn girl pero ang PA niya ay nakasimangot.

Aagawan pa siya ng boss niya kay Daniel!

Pero alam naman niya na maraming may gusto dito. Ilang milyon kaya ang fans nito kaya carry nalang ang kabaliwan ng kanyang amo!

"Yes, Can I invite you for a coffee?" Kinikilig na tanong ni Aizyll.

At lalabas ang isang payat ba babae.

"Let's go Daniel. Tumawag si Maura. Nasa kulungan daw siya. At sino ka ba? Tapos na ang fan meeting. Next time ka na humingi ng autograph!" Inis na sigaw nito kay Aizyll.

At umusok ang ilong ni Aizyll dahil sa galit.

"Bakit ang daming epal sa paligid mo Daniel! At ang sama pa ng mga ugali. Ikaw sino ka ba? Payatot ka!"Inis na ganti ni Aizyll.

Tiningnan siya ng babae mula ulo hanggang paa.

"Maganda ka at pwede maging artista. Pero hindi ka papasa sa ugali dai!" Nakatawang sagot nito.

"Bakit ikaw? Pangit na masama pa ang ugali. Double kill! Kahit extra sa pelikula ay walang tatanggap sa'yo. And I'm talking to Daniel ikaw ang atribida!" Nakataas kilay na sambit ni Aizyll.

Kanina pa siya na bwesit sa sama ng mga ugali na nakapalibot kay Daniel. Paano niya natatagalan ang ganitong klase na mga tao? Iritang tanong ni Aizyll sa kanyang isipan.

"Aba't bastos kang babae ka!" Sigaw nito at sasampalin na sana niya si Aizyll pero napigilan ito ni Daniel.

"Agnes, mind your manners. I'm sorry miss but we have an emergency and we need to go." Malumanay na sagot ni Daniel.

Ang ganda ng boses at ang bait! Sigaw ni Aizyll sa kanyang isipan.

"Okay, we will meet again soon..." Makahulugan na sagot ni Aizyll.

Ang ngiti sa kanyang labi ay hindi mawala.

Hindi na sumagot si Daniel at tumango na lamang ito bago pumasok ng van. Pero humirit pa ang alalay na payatot!

"In your dreams, ambisyosa!" Nakairap na sigaw nito bago pabagsak na isinara ang van.

Nag "f*ck you" sign nalang si Aizyll sa galit niya.

"Luhhh, Bakit ang sama ng mga alipores ni Daniel? Hindi naman sila ganyan kung may camera na nakatutok sa kanila! Pakitang tao lang pala ang mga ferson, tsk!" Umiiling na sambit ni Ana habang nakatanaw sa papalayo na van.

"Don't worry Ana, that's why I'm here to teach them a lesson." Nakangiting sagot ni Aizyll.

Umasim nalang ang mukha ni Ana dahil wala siyang maintindihan sa mga pinagsasabi ng kanyang amo.

**********************************

AT THE PRISON

Samantala, sila Daniel ay pumunta sa kulungan kung saan nakakulong sa kasalukayan ang manager niyang si Maura.

Naabutan pa nila ito na umiiyak.

"Daniel, paano na 'yan baka malaman ng mga fans mo. Agnes bakit mo dinala si Daniel dito?" Naiinis na tanong ni Maura.

"Ah, eh may makulit kasi na mga fans na nakabuntot kay Daniel. Baka maulit na naman 'yong nangyari sa stalker niya noon." Paliwanag ni Agnes na kinakabahan.

Kaya nga todo protekta si Maura sa alaga niya dahil sa dami ng stalker nito. Pero hindi niya akalain na makukulong siya!

Pagkakaalam niya ay mayaman ang babaeng 'yon.

Kanina pa niya tinatawagan para makiusap pero ayaw sumagot nito.

Mabubulok na siya sa kulungan!

"It's okay. The problem is, kung paano ako makakalabas dito. Ayaw makipag ayos nang babaeng 'yon!" Naiinis na sagot ni Maura.

"What do you mean?" Naguguguluhan na tanong ni Daniel.

Hindi sumagot si Maura at umiyak lang ito ulit.

"Akin na ang number at ako ang tatawag." Determinadong sambit ni Agnes.

Walang ganang ibinigay ni Maura ang kanyang cellphone.

At himala na may sumagot!

Pero si Daniel ang hinahanap.

"Gusto ka daw makausap Daniel." Nagugulahan na ibinigay ni Agnes ang cellphone.

"Hello." Maikling sambit ni Daniel.

"We meet again, but on the phone hahaha." Nakatawa pa ang nasa kabilamg linya.

"Who are you? Do I know you?" Ang nagtatakang tanong ni Daniel.

"Wow, you forget me already but it's okay. I want to make a deal."Mahiwagang turan ng nasa kabilang linya.

"What kind of deal? Kung kailangan ka namin bayaran, kahit magkano ay ibibigay ko for my manager's freedom." Pakiusap ni Daniel.

Natawa ang nasa kabilang linya na walang iba kundi si Aizyll!

"Ikaw, pwede ba kitang bayaran? Di'ba hindi. I don't need your money. I need you! Date with me." Ang seryosong utos ni Aizyll.

"Then, you are insane!" Ang mahinang sigaw ni Daniel pero hindi nakaligtas sa pandinig nila Agnes at Maura.

"Ano'ng sabi Daniel? Palalayain niya ba ako?" Kinakabahan na tanong ni Maura.

Hindi nakasagot si Daniel ng magsalita ang nasa kabilang linya.

"Say yes or say no at mabubulok sa bilangguan si tabachoy." Ang sambit ni Aizyll.

"Who are you? I'm not a toy! Kung bored ka, then humanap ka ng ibang paglalaruan!" Naiinis na sagot ni Daniel.

Bakit palagi siyang minamalas sa dami ng stalker. He planned to quit at the entertainment industry at mamuhay ng tahimik kasama ang babaeng mahal niya. Pero hindi pa sapat ang kanyang ipon at dahil diyan kailangan niyang itago ang kanyang girlfriend sa lahat!

"I'm not insane. I want to date you. Know you and be with you. It's just so simple Daniel. Kung ayaw mo naman sa akin ay hindi kita pipilitin. Just Date me para malaman ko rin kung bored lang ba talaga ako, o may gusto na ako sa iyo. Ano, deal na?" Masayang tanong ni Aizyll.

Napailing nalang si Daniel. Ano'ng klaseng babae itong kausap niya?

"Ano Daniel, okay na ba? Makakalaya na ba ako?" Nananabik na tanong ni Maura.

Napubuntunghininga nalang si Daniel. Kita niya ang pag-asa sa mga mata ni Maura. Kung hindi siya papayag ay tiyak na malulungkot ito! At hindi niya pwede pabayaan ang Auntie ng gf niya. Malulungkot ang kanyang girlfriend dahil malapit ito kay Maura.

"Fine, it's a deal." Maikling sagot ni Daniel.

Habang si Aizyll ay napatalon sa sobrang tuwa. At last Makaka date na niya si Kei Daniel Obregon!

"Wait for me at susunduin kita diyan." Excited na sagot ni Aizyll.

"What? Pupunta ka dito?" Di-makapaniwalang tanong ni Daniel.

"Of course. Let's start our date now na! At syempre, gusto mo makalaya si Maura right?" Nakangiting tanong ni Aizyll.

Hindi na mawala ang ngiti sa kanyang mga mata at labi. Excited na siya! Hindi niya mapigilan ang excitement at tuwang nadarama.

In love n talaga siya! Ang masayang sigaw ni Aizyll sa kanyang isipan.

"Okay, fine." Maikling sagot ni Daniel.

If you like to read the full story. It's available to my following accounts.

Wattpad: leejhenx

TikTok: leejhen ravishing stories

FB: Jenniffer Jumao-as JJerusalem

YouTube: leejhen ravishing stories

5
$ 0.20
$ 0.20 from @TheRandomRewarder
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
9 months ago

Comments