I want that Celebrity! (Chapter 1)

2 47
Avatar for leejhen
11 months ago

I'm back with a vengeance lol. And I want to keep the momentum and stay. Hopefully!

As I am a writer/author now haha. I will be sharing some of my free short stories if ever someone would love to read them.

And thank you @jb123 for your warm welcome and to little bot for the welcome upvote. Do you miss me? Joke! But I miss readcash...

Well, enough talking. Let me share with you my Tagalog short story entitled: I WANT THAT CELEBRITY!

Hope you will enjoy reading...

I WANT THAT CELEBRITY!

CHAPTER 1 "LOVE AT FIRST SECOND"

FUENTELUNA MALL

Maingay at puno ng hiyawan ang ground floor ng Fuenteluna Mall. Naiinis na si Aizyll sa tilian ng mga babaeng ewan. Parang bibitayin lang ang mga ito sa lakas ng mga boses!

May jetlagged pa siya dahil kadarating lang niya from Japan kung saan nagbakasyon siya ng isang taon.

Gusto niyang epasara kanina ang mall but her Dad didn't allowed it dahil nga may VIP na bisita daw! Mas importante pa sa kanya!

Shopping is her way of relieving her stress. Pero ngayon na ang ingay kahit ang ear buds niya na ubod ng mahal ay hindi uubra sa tilian ng mga babaeng ewan.

"Hey, Sino ba yang VIP na 'yan? Bakit ang ingay ng buong mall?" Naiinis niyang tanong sa kanyang PA-personal alalay.

"Miss Aizy ang gwapo ng VIP natin ngayon!" Tila maiihi na sagot nito.

Napatayo si Aizyll at nakapamaywang na pinagmasdan mula ulo hanggang paa ang kinikilig niyang PA.

"Don't tell me kinikilig ka? Umayos ka dai kung gusto mong may trabaho ka pa. Ang ayaw ko sa lahat ay 'yong malandi!" Sigaw ni Aizyll. Umiinit ang ulo niya sa mga flirt at malalanding babae.

Malandi din naman siya. Hindi niya lang alam! Tumigil sa pagtawa ang kanyang PA at biglang sumeryoso ang mukha. Syempre kinikilig parin siya but she needs her job more than everything else! Tsaka na yang kilig at crush. Hindi rin naman siya mapapansin ni Daniel.

"Sorry po Miss Aizyll, nadala lang ng ka gwapuhan ni Daniel. Isa po siyang celebrity. Your boy next door singer-actor na magpapakilig sa natutulog mong damdamin." Seryosong sagot ng kanyang PA pero ang utak nito ay sumisigaw na sa sobrang kilig na nadarama.

Gusto niyang makita sa personal si Kei Daniel Obregon! Ang hottest singer-actor ng bansa at ng buong mundo! Sikat si Daniel sa bansa pati na rin abroad. Lahat ng album niya ay laging nauubos the moment na e release ito.

Pantasya siya ng buong kababaihan. Hindi lang gwapo, magaling pa umarte at kumanta. At may talent din sa pag piano, violin, guitar, flute at lahat ng klaseng musical instruments.

Name it and he will play it!

Kei Daniel is a total package. Wala ng hahanapin pa. Siya lang ay sapat na. Mahal na Mahal siya ng kanyang mga fans.

"Tsk! Yon lang? Baka pangit yan at kaya sumikat ay dahil malaki at malawak ang fan-based." Nakairap na sagot ni Aizyll.

May mas sisikat pa ba at mas hihigit sa ka gwapuhan ng paborito niyang Japanese actor na si Haruki Yamada? Kaya nga nagtagal siya ng isang taon doon para kay Haruki pero na bored din siya kaagad at umuwi. Nagsawa siya kay Haruki na puro mukha lang naman. Siya ang klase ng babae na mabilis ma fall at mabilis ma bored!

At itong pantasya daw ng bayan baka pangkape lang ng baranggay! Nakarinig sila ng serbato ng mga Security guards at ang tilian ng mga kababaihan ay mas lalong lumakas.

At mas na bwesit si Aizyll!

Nakasimangot niyang pinagmasdan ang lalaking naka headset at naka simpleng white t-shirt na papunta sa kanila.

Siya ang lalaking kahit guluhin mo ang buhok at pasuotin ng basahan ay gwapo parin! Mas lalo na kung wala itong saplot...

Kung saan na napunta ang kanyang isipan!

Biglang may tumusok sa dibdib niya at pakiramdam niya ay tumigil ang oras. Tumigil ang buong mundo! Wala siyang ibang nakikita kundi ang lalaking papalapit sa kanya.

In just a second, He captured and own Aizyll's heart!

Na love at first-second siya!

Pwede ba 'yon? Tanong ni Aizyll sa kanyang sarili habang hindi maalis ang pagkakatitig kay Daniel. At muntik na siyang matumba ng mapalingon si Daniel sa kanya at nalunod siya sa mga ngiti nitong kaytamis.

Dahil sa crowded, ay may biglang tumulak sa kanya at muntik na siyang madapa. Buti nalang at nasalo siya ni...

Kei Daniel!

Napatitig si Aizyll sa kulay brown nitong mga mata na tila magnet na humihigop sa buo niyang sistema!

Ano ito? Bakit parang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at nawalan ng lakas ang kanyang mga binti dahil nanginginig sa sobrang kilig! Hindi siya makahinga at tila na frozen ang kanyang katawan sa sobrang lamig!

May kung ano na gumagalaw sa kanyang tiyan na hindi niya maipaliwanag. Ito na ba ang tinatawag nilang butterfly in your stomach?

Pero bakit parang mauutot siya!

Nakakahiya 'yon. Pigilan mo ang sarili Aizyll! Hiyaw niya sa kanyang isipan.

"Are you okay Miss?" Tanong ni Daniel.

Pero nganga si Aizyll. Nakanganga na literal! Ayaw mag function ng utak niya. Natulala sa gwapong nilalang na nasa kanyang harapan!

"Oy, Sino yan? Ang swerte naman at nahawakan niya si Daniel baby!" Sigaw ng isang Marites from the crowd.

"Unfair naman, paisa din kami!" Sinundan ng isa pa.

"Para-paraan si Ate! Mahiya ka naman oy. Dami kaya namin dito na gustong mahawakan si Daniel!" Hirit ng isa pang Marites hanggang magkagulo ang buong crowd.

"Daniel, let her go! Alam mo naman na napaka-selosa ng mga fans mo. Let's go! And you, sino ka ba? Pa simple ka ha para maka tsansing!" Inis na sambit ng isang matabang babae na pumukaw sa kanyang lutang na isipan.

"Don't touch her. Ikaw sino ka ba?" Ang matapang at palaban na tanong ng kanyang PA.

"Aba, mga stalker na gustong makaisa. Hindi kayo uubra sa akin! Ilayo ninyo si Daniel sa mga pangit na ito!" Utos niya sa mga guards at nakalayo na si Daniel sa kanila papunta sa stage kung saan siya ay kakanta.

Uminit bigla ang ulo ni Aizyll sa narinig at tila umuusok ang kanyang teynga.

Ano daw?

"Hoy, tabachoy na pangit! Kung maka pangit ka naman wagas. Manalamin ka kaya at pagmasdan ng mabuti ang kapangitan mo sa salamin!" Malditang sagot ni Aizyll.

"Guards, hulihin niyo nga ang mga stalker na ito!" Inis na sigaw ng matabang babae at agad na nagsilapitan ang mga guards sa kanila.

"Subukan niyo lang, At ng mawalan kayo ng trabaho! Hulihin niyo ang tabachoy na yan. Ban na siya dito sa Fuenteluna Mall!" Inis na sigaw ni Aizyll.

Anong akala ng tabachoy na ito! Walang makakahigit sa ka malditahan niya. Hindi pa pinapanganak ang taong makakatalo sa kanya pagdating sa katarayan!

At ipapahuli pa talaga siya sa sarili nilang mall!

Napakamot sa ulo ang mga guards dahil nalilito sa sinabi ni Aizyll. Agad naman lumapit ang kanyang PA sa mga ito at binulungan sila na si Aizyll ay ang may-ari ng mall.

Biglang naging snappy ang mga security guards at agad na binitbit si Tabachoy! Kailangan nila magpakitang gilas sa may-ari ng mall at sundin ang inuutos nito.

"What the hell! Sabi ko hulihin niyo sila. Bakit ako?" Inis na sigaw ni tabachoy habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng mga guards.

Pero mahigpit ang hawak ng mga ito at sapilitan siyang binitbit papalabas ng mall.

"Buti nga sa iyo. Enjoy ka lang sa kulungan tabachoy hahaha." Ang nakatawang sigaw ni Ana na PA ni Aizyll habang kumakaway pa.

"What the f*ck! May trabaho pa ako. Daniel!" Sigaw nito.

Pero hindi siya naririnig ni Daniel dahil abala na ito sa pagpili ng piyesa na kanyang kakantahin.

Natahimik ang lahat ng magsimulang tumugtog si Daniel ng piano. Malamyos na musika na kaysarap matulog habang pinapakinggan.

Napapikit si Aizyll. Daniel is playing the tune of "All of me". Masarap sa teynga at mas lalong naging maganda pakinggan ng magsimula na itong kumanta. Nakaka engganyo ang boses at tila ba parang idinuduyan ka sa ulap.

Parang anghel ang boses nito. Gwapo na at may talent pa!

"Daniel! Grabe ang boses mo!" Sigaw ni Ana at napadilat si Aizyll ng kanyang mga mata.

"Shut up! E, kalma mo nga yang monay mo." Inis na saway ni Aizyll.

Kumalma naman ang kanyang PA na si Ana pero gusto parin niyang sumigaw at dahil once in a lifetime lang niya makita ang idol na si Daniel.

Bigla itong tumakbo papunta sa crowd at nakisigaw sa mga ito. It's her only chance kaya bahala na kung magalit ang kanyang amo.

Napailing nalang si Aizyll. Kita naman si Daniel sa kinaroroonan niya. Nakangiti ito habang kumakanta. Damang-dama ang bawat lyrics.

Biglang napaisip si Aizyll dahil kinain niya lang ang lahat ng sinabi niya sa kanyang PA kanina!

Bakit parang Mahal na niya ito?

Never pa siyang nagmahal, kaya hindi siya sigurado kung pag-ibig na ba ito o paghanga lamang tulad ng kay Haruki?

Pero kakaiba ang kanyang nadarama! Hindi maalis sa kanyang isipan ang mga ngiti nito.

For the first time in her life na nagkagusto siya sa isang lalaki in just one second!

Parang joke lang ang lahat pero seryoso siya!

She like Kei Daniel Obregon. No, She loves him!

And she will do everything to have him!

Every boys will always fall for her charm and beauty. And Daniel is not an exception. She will make him love and fall for her!

Tumayo si Daniel pagkatapos kumanta at kumaway sa kanyang mga fans.

"Daniel baby, I love you!" Sigawan ng mga ito.

Nakangiti parin si Daniel sa kanyang mga fans habang si Aizyll ay papalapit sa kinaroroonan ng kanyang PA na walang ginawa kundi ang sumigaw. Namaos na ata ang boses ng lahat ng fans kaka-tili dahil kay Daniel.

Bukas ay wala ng boses ang mga ito.

"I told you to calm your monay! Tili ka parin ng tili dito." Nakangiting sambit ni Aizyll.

"Ay, sorry po Miss Aizy pero minsan lang kasi ito eh." Paliwanag ni Ana na sumisigaw parin habang kumakaway kay Daniel.

"Hindi na 'yan minsan. Palagi na 'yan!" Ang mahiwagang sagot ni Aizyll.

"Hindi ko kayo maintindihan Miss Aizyll!" Ang nagtatakang sagot ni Ana.

"I want that Celebrity! And I will make him mine. Kaya always mo na siyang makikita Ana. But I will remind you that he is only mine!" Ang nakangiting sagot ni Aizyll habang nakatitig sa kumakaway na si Daniel.

"What?!" Ang gulat na tanong ni Ana.

Itutuloy...

If you like to read the full story. It's available to my following accounts.

Wattpad: leejhenx

TikTok: leejhen ravishing stories

FB: Jenniffer Jumao-as JJerusalem

YouTube: leejhen ravishing stories

3
$ 0.10
$ 0.10 from @TheRandomRewarder
Sponsors of leejhen
empty
empty
Avatar for leejhen
11 months ago

Comments

Of course we missed you. 😁😁 Welcome back.

$ 0.01
11 months ago

Hahaha

$ 0.00
11 months ago