Pinagbuklod ang dalawang tao dahil sa kanilang pagmamahal. Nag - ibigan at nangako na magmamahalan habang buhay. Dumating ang pagkakataon na sila ay humarap na sa dambana at nagsumpaan na magmamahalaan, at magtutulungan habamg sila ay nabubuhay. Makalipas ang ilang taon na masaya, ay para ba gang bigla na lang nagbago ang lahat.
Parehas may trabaho ang mag asawa. Pagdating sa bahay maglilinis, maglalaba at magluluto ang asawang babae, pagkatapos nito ay aasikasuhin pa ang kanyang anak. Ngunit anung ginagawa ng asawang lalaki hihingi ng kape sa asawa at manunuod o maglalaro na nang cellphone. Tapos sa gabi gagambalain pa ni mister. .haist. .napagod na ng sobra si misis..
Kaya nagiging bungangera ang asawang babae dahil akala nia ay utusan na lang siya sa bahay. Hindi nia nararamdaman ang pagbibigay sa kanya ng kanyang asawa. Pero wala siya magawa sapagkat mahal niya ang kanyang pamilya. Patuloy pa din niyang pinagsisilbihan at inaalagaan. May kasabihan nga "ang isang sakripisyo ay palatandaan ng pagmamahal".
Tandaan natin mga mister at mga misis kailangan natin magtulungan kahit saang aspeto sa buhay.. hindi nakasalalay ang paggawa sa bahay kung ikaw ay babae o lalaki, hindi din sa natapos na edukasyon at lalaong hindi din sa taas ng sahod. Nagsama kayu kasi nangako kayung magtutulungan sa hirap at ginhawa.😊😊
Bte can you be my 1st subscriber dear?