read.cash Log in
@ladyhanabi edited more from that month

Poetry Feels #2: "I do"

Poetry Feels #2 by @ladyhanabi Ama namiy ating kinanta At paghawak saking mga kamay di inakala Gusto kong lumingon At atensiyon sayo'y ituon Ngunit "mag hunos dili ka iha" sigaw ni konsensiya Tila nanginginig na ang mga daliri kong nakayapos sa palad niya Diyos ko, ito na bang sagot sa mga hiling ko? Siya na ba ang lalaking iyong plinano? Patapos na ang dasal At puso ko'y umaatungal Na sana kamay ko'y wag ng bitawan Ngunit hiling ko'y di pwedeng pagbigyan At baka ako'y mapaghalataan Pagpapalitan ng ngiti Ay ang aming simpleng pagbati Kanyang mga matang kumikinang Na nagdulot sa sistema ko para mawindang Umupo sa parehong upuan Ika'y inabangan na akoy tatabihan At sa pag tunog ng kampana ng simbahan Umaasang ikaw parin ang aking kaawitan Tadhana'y mapaglaro At puso koy muling nabigo Akala koy siya na Yun pala isa nanamang maling akala Lumipas man ang mga taon Ngunit pagkalinga'y di nag laon Salamat Panginoon, Sabina't may plano ka Dahil sa altar pa talaga kami nagkita "**I do, FATHER**" maligayang bati ko sakanya At sa aming muling pagkikita Ako'y labis na natuwa Dahil wala mang naging siya at ako At least alam kong masaya kaming pareho sa tinahak naming buhay at pagkatao. Special thanks to **@Ashma** for motivating me to do more and I'm also glad to join **"Get Sponsored !!"** community https://read.cash/@Ashma https://read.cash/c/get-sponsored-2a0b The idea of this community is to sponsor quality content creators & reward community members for their activities. For more information, refer to this link **https://read.cash/c/get-sponsored-2a0b** Join if you want to **"Get Sponsored !!"** https://read.cash/c/get-sponsored-2a0b To my sponosrs @dexter and @Bestie thank you for the support! Comment to subscribe back!

14 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.