Nakakatawa

0 18
Avatar for ladyhanabi
3 years ago

Para saan pa?

Kung pag bubutihin mo kung nandaraya ang iba

Bakit ka mag aasksaya ng enerhiya?

Kung ang kapaligiran mo'y iba ang sinisinta

Natatakot kang maging katulad nila?

O ayaw mong tanggapin na mas prayoridad lamang ng iba kung ano ang mahalaga

Marami ng nag bago

Hindi na sila tapat at totoo

Ngunit sa kabila ng mga ito

Iisa lang ang sigurado

Yun ay ang kagustuhan ng bawat isa na makatapos

Mahirap tanggapin

Na sa makabagong mundo

Iba na rin ang kahulugan ng esensyal at epektibo

Hindi man napalitan ang halaga ng tama at mali

Ang mundo'y mananatiling makasentro sa epekto at sanhi

Masyado ng magulo

Hindi na tayo sigurado

Mga daang maaring tahakin

Ito nga ba ang tamang direksyon

o ito'y isa lamang sa mga pintong dapat nating katukin

Bawat isa'y may kasamang takot sa lahat ng dimensyon

Hindi ko alam kung hanggang saan

o kung bakit ko ito sinimulan

Nagtataka

Natatawa

Mga problemang hinain ng buhay

Hahayaan nalang bang manatiling problema?

Pagod

Takot

Halo-halong emosyon

Araw araw nating baon

sa ating pag tumba at pag bangon

;

Tama na.

1
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder
Sponsors of ladyhanabi
empty
empty
empty

Comments