Batang Pinoy

6 30
Avatar for ladyhanabi
3 years ago

Pilipino ako

Namulat sa pag respeto
Mapa po at opo
Ho at oho
Sagot ko lagi'y may puso

Inay, itay
Ate at kuya
Pamilya
Yun ang mahalaga
Basta kasama ko sila
Ako na'y masaya
 
Pagkagising sa umaga
maririnig ang sigaw ni Mang Rapha
"Taho" "taho"
Sunod ako'y tatakbo kay ina
Magpapabili ng taho na aking bitamina tuwing umaga

Maya maya'y may darating na bisita
Mano po sabi kay lola
Ang aking pagbati ay masiglang pagkamusta

Maghahanda ng meryenda
Kape at tinapay ay sapat na
Pagsasalusaluhan habang nagpapalitan ng masasayang kwentuhan
Kay sarap pagmasdan
Pamilyang kaligayan ay matatamis na asaran

Isang larawan
Na hindi matutumbasan
Ng ano pa mang ginintuang kayamanan
Dahil ang pamilyang hawak kamay
Na nagdarasal
At labis kung magmahal ay higit pa sa kahit anong kayaman na ating maaring makamtan.

Ako'y nagagalak na pumasok sa eskwela,
Kubg saa'y aawitin ang himig ng lupang hinirang na aking sinisinta 
Sabay ng panunumpa sa katapan
Sa aking lupang sinilangan..

Puno ng galak,
Na tila nalalasing sa alak
Ang aking pagsaludo
Sa mga bayaning nagbuwis ng buhay at dugo

Para ako,
Para tayo
Ay manatiling puro
At likas na mga pilipino

Pinaglaban
Hanggang kamatayan
PILIPINO AKO!

Sponsors of ladyhanabi
empty
empty
empty

Special thanks to @Ashma for motivating me to do more and I'm also glad to join "Get Sponsored !!" community

The idea of this community is to sponsor quality content creators & reward community members for their activities. For more information, refer to this link https://read.cash/c/get-sponsored-2a0b

Join if you want to "Get Sponsored !!"

7
$ 0.22
$ 0.22 from @TheRandomRewarder
Sponsors of ladyhanabi
empty
empty
empty
Avatar for ladyhanabi
3 years ago

Comments

Good job! Ang ganda naman boss ng tula. Sana all magaling

$ 0.00
3 years ago

Di man. Sakto lang. Project ata yan dati ng kapatid ko kaya ko nagawa.

$ 0.00
3 years ago

I see

$ 0.00
3 years ago

Sorry to say, but I don't understand the language dear. Though I don't know what is the article about. But I am sure that it will be a very nice article indeed. Will you tell me dear what is the article about? I am so curious to know about it.

$ 0.00
3 years ago

I don't understand the language.😒😒

$ 0.00
3 years ago

Pagkagising sa umaga maririnig ang sigaw ni Mang Rapha "Taho" "taho" Sunod ako'y tatakbo kay ina Magpapabili ng taho na aking bitamina tuwing umaga >

naalala ko tuloy yung tumakbo ako sa labas ng walang saplot para lang tawagin si manong magtataho HAHAHA

$ 0.00
3 years ago