Tunay na Kaibigan

0 51
Avatar for kuyanonoi
3 years ago
Topics: Story

Kuwentong Paalala:

Isang lalake ang naglitson ng isang malusog na baka. At nung puwede na itong ihain ay tinawag niya ang kanyang bunsong kapatid na lalaki at sinabi: "Lumabas ka at puntahan mo ang ating mga kapitbahay at kaibigan, imbitahan para sa ating salo salo."

Lumabas ang kanyang kapatid.. at ito ang kanyang isinigaw...

"Mga kapit bahay, tulungan ninyo kami! Nasusunog ang aming tahanan!"

Dali-daling namang humangos 'yung ibang nakarinig patungo sa bahay nila para tumulong mag-apula sa sunog. Ang iba nama'y parang walang narinig at ang iba naman ay sadyang ayaw talagang tumulong.

Nagtaka naman 'yung mga humangos para tumulong dahil wala namang sunog. Bagkus ay may handaan at may litson baka pa, kaya naman sila ay nagpakabusog! ^_^

Napansin naman ng panganay na kapatid na wala man lang siyang kakilala sa mga naimbitahan kaya't tinanong niya ang kanyang nakababatang kapatid.

"Nasaan na ang mga kapitbahay at mga kaibigan natin?"

At siya ay sumagot na sa kanyang paglabas ay ito ang sinabi niya.

"Sumigaw ako ng tulong dahil nasusunog ang ating tahanan..."

Kuya, sila ang tunay na mga kasama o kaibigan natin, handang tumulong sa oras na tayo ay nangangailangan.

Lesson :

Maraming kaibigan na kilala ka lang sa oras na sila'y nangangailangan,

pero kapag ikaw naman ang nangangailangan ay hindi mo na sila maaasahan.

#TunayNaKaibigan

(C) Sir C. Sanji

1
$ 0.00

Comments