"Meron bang Tayo?"

0 12
Avatar for kuyanonoi
3 years ago
Topics: Poem

Nawalan na ako ng interes sa tula.

Wala na rin akong maihambing na kanta.

Gusto ko naman yung tayo.

Paano nagsimula ngunit walang wakas?

Gusto ko yung tula na walang tugma.

Gusto ko ikaw ang laman at paksa.

Gusto ko lahat ng salita patungkol sa ating dalawa.

Hindi natatapos at walang tuldok sa dulo.

Gusto ko ng kanta yung hindi malungkot o masaya

Gusto ko makinig ng kanta yung tungkol sa ating dalawa.

Yung walang paalam sa dulo

Kay ganda siguro ng tula at mga kanta.

Kung lahat ay patungkol sa tayo.

Walang tuldok at paalam

Gusto ko sa simula at wakas ay mayroong tayo.

(C)Isinulat ni Cattlea Ricofuerto

0
$ 0.00

Comments