Lumang plaka ni lolo

0 12
Avatar for krystan05
3 years ago

By:Vasquez,Mark Gerald

Kaskas ng gitara sa nakakabinging katahimikan

Paghigop ng kape sabay tingin sa kalawakan

Nakita ko sa aparador na napaglumaan

Mga ala-alang sa musika ay naiilarawan

Mga tugtuging hindi na bago

Mga ala-alang bumabalik sa tugtuging di na uso

Yung puso sa bawat lyrika

Ramdam ang damdamin sa bawat salita

Mga lumang plaka ni lolo

Mga damdaming puro

Habang umiikot ang plakang ito

Naalala ko ang mga ngiti mo

Dahan dahang tumutugtog lumang musika

Maari ka bang maisayaw sa ilalim ng mga tala

Maari ka bang makasamang pakinggan ang tugtuging luma

Habang nakaupo at pinagmamasdan buwan na kay ganda

Mga lumang plaka ni lolo

Pusong sinagip mo na dating sumasaklolo

Kalmado na ang isip wala ng gulo

Iniisip na sana ay kasama ka habang pinapatugtog ang lumang plaka ni lolo

2
$ 0.00

Comments