How I started as a Call center agent in the Philippines?

0 22
Avatar for kristineannxx
3 years ago
Topics: Motivation

Hey guys! This is going to be my very first article and i want it to be about my job. Probably because a lot of people really find it hard to look for a job, especially now.

This post is going to be in a mix of tagalog and english as this is mostly for my fellow pinoy's who wants to enter the bpo world.

I'll get started!!

Hi! I'm Kristine and I'm 22 years old. I've been in the BPO insdustry for almost 3 years now.

Now, i know a lot will say that it's not that long yet but i believe that it's long enoigh for me to share my journey.

I started working in aug 2018, my first bpo company. Dito sa first company ko, masasabi kong swertihan na nakapasok ako. College undergrad ako with 0 bpo experience kaya hindi naman talaga ako umaasa na makakapasok ako pero dahil "ramping" yung account, natanggap ako.

Ngayon, ano ba ibig sabihin ng ramping? Ramping ang tawag ng mga bpo agents sa season kung saan hiring ang isang account at talagang naghahabol sila ng tao. Most of the time, eto at pagkatapos ng 13th month pay (june or january). Kapag ramping, dun mas madaling makapasok sa call center dahil naghahire sila ng newbie or without bpo exprience. Ngayon, iexpect mo nalang din agad, lalo na kapag sa malaking company ka nag apply, telco account ang mahahandle mo, like me.

Telco account -

Ano nga ba ang telco at bakit ito sinusumpa? Charot lang. Telco accounts are accounts that handles telecommunication services (like globe, smart, etc.). Madaming branches ang gantong account, from billing, tech, sales, outbound sales, prepaid, postpaid, etc..

Mahirap ang telco account dahil sa karamihan talaga ng calls dito ay puro complain, but it's a great training grounds for newbies kasi sabi nga nila, kapag nakapag telco ka na, kaya mo na lahat ng account!!

Okay, so balik tayo on how i started.

So as you may know, telco ang naging unang account ko. Naghahandle kami ng tech, billing at sales. Mga gantong account, it's best na magtagal ka ng atleast 2 years sa company kasi malaking factor na maalam ka sa billing at sales, karamihan sa company o account na maganda ang offer ay yan ang skills na hinahanap.

2 years akong nagstay sa company for 2 reasons:

  1. Nabuntis ako nung 2019 and hindi ako pwedeng lumipat ng company para walang magiging problema sa sss maternity reimbursement ko (will post a separate article about this next time)

  2. Need ko yung experience para makalipat sa mas magandang offer

Hindi kagandahan yung sahod sa una, lalo na pag newbie ka. I would say na enough lang sya sa single na walang responsibilidad hahaha ganon sya kababa pero sa una lang naman yon, at syempre, depende parin yon sa company o account na mapapasukan mo, may iba naman kasing mataas talaga ang offer kahit newbie ka.

So eto na nga, matapang ako eh, august 2020, nagdecide akong lumipat ng company dahil pandemic at may baby na ako, need ko ng magandang sahod at wfh set up

Dito na nagsimula yung struggle ko.

Sabi ko nga, swerte yung pag pasok ko sa unang company ko kasi 1st try lang nakapasok ako agad, pero after ko mag resign, dun ko narealize na sobrang hirap maghanap ng trabaho.

Oo, madaming call center dito sa pilipinas pero sobrang taas nadin ng mga qualifications nila, madalas ay hindi na kayang abutin ng mga taong nagbabakasakaling magkatrabaho.

Pero ang ginawa ko kahit nahirapan ako maghanap ng malilipatan, nagpasa lang ako ng nagpasa ng resume sa lahat ng hiring na makita ko online.

Sa facebook, sa instagram, sa twitter, ang daming hiring na call center at walang masama kung magpapasa kayo sa lahat ng yon ng resume.

Pag tinawagan kayo, o pinasagot ng assesment sagutan nyo lahat, gawin nyo lahat, kahit ilang company pa yan.

Wag kayong magpapakampante kapag may kumontact na sainyo na isang company, mas maganda lagi yung may back up ka, kaya hangga't maaari, lahat ng pwedeng applyan applyan mo na.

Lahat ng bagay matututunan. Sa umpisa nakaka culture shock talaga ang bpo pero masasanay di kayo.

May training naman sila laging pinoprovide para mapag aralan nyo yung task sa account n mapapasukan nyo.

Wag kayong susuko kapag hindi kayo nakapasok agad, madami pang iba jan, apply lang ng apply.

3 months akong naghanap ng trabaho non, ilang interview, assesment, tawag ang sinagot ko, at may napasukan na din ako ngayon.

Maganda yung sahod, naka work from home na set up, masaya na work environment.

Dadating din yung tamang opportunity pra sainyo, try lang ng try.

So ayun lang! Maraming salamat sa pagbabasa! Kung may gusto kayong itanong or may iba pa kayong gustong malaman, i'll be more than happy to help.

1
$ 0.00
Avatar for kristineannxx
3 years ago
Topics: Motivation

Comments