Hey, wassup. Di na siguro ako mag-eenglish kasi gusto ko na ring maipublish 'to agad. Dapat talaga inaasikaso ko yung part 5 ng 'A Letter from a stranger' pero after watching Christine Dacera's case sa KMJS, naisipan kong i-share muna yung perspective ko regarding sa issue.
So, naging trending yung case ni Christine Dacera. Isa syang flight attendant sa Philippine Airlines na natagpuang patay sa bath tub ng isang hotel room. Naglabas agad ng statement ang Philippine National Police na may foul play na involve sa pagkamatay ng biktima at sinabing isa itong rape slay/pangagahasa at pagpatay. Agad ding pinag-suspetyahan ng mga pulis ang 11 na na lalaking kasama ni Dacera. Pagkatapos kumalat ng balita, agad na bumaha ng simpatya at galit sa social media tungkol sa pagkamatay ng biktima.
Nung mga oras na 'to, habang nag-iiscroll sa social media, bumabagabag sa akin yung galit na binabato ng mga netizen sa mga possible'suspects' kahit di pa naman talaga napapatunayang guilty sila sa krimen. Nandyan yung iba na kinakalat yung pangalan, litrato, social media accounts, private informations, etc. ng mga sangkot which is sobrang mali.
Isa sa mga natutunan ko ay laging pairalin ang utak bago ang emosyon. Kasi, to be honest, isa ako sa mga taong laging kinakain ng emosyon at sa tuwing nangyayari yon, hindi na ako makapag-isip ng tama o mali. Basta mailabas ko lang kung ano yung nararamdaman ko. Sa nangyari kay Christine Dacera, marami ang hindi gumamit ng utak, at dahil doon, nagkaroon ng trial by publicity. Hinatulan, hinusgahan, at pinahiya agad ng publiko ang mga sangkot kahit walang sapat na ebidensyang nagpapatunay na may rape na naganap. Naging enabler ang publiko sa bulok at maling justice system sa Pilipinas na kung saan nagkakaroon ng kasalanan ang inosente at nagiging inosente ang may kasalanan.
Mga ilang araw ang lumipas, lumabas ang unang resulta ng autopsy na nagsasabing ruptured aortic aneurism o pagputok ng ugat sa puso ang sanhi ng pagkamatay ni Dacera at walang semilya ng lalaki ang nakita sa ari nito. Sa madaling salita, walang nangyaring foul play/rape, sa bagkus, sa natural na paraan namatay ang biktima. Isa ito sa patunay na mali ang husga ng publiko, at hindi na maibabalik ang pinsala na nagawa nito sa pangalan/reputasyon ng mga nahusgahan. Kung titingnan natin, isa na rin sila sa biktima.
Ang gusto ko lang i-point out dito ay maging kritikal tayo sa mga gantong issue. Hindi lahat madadaan sa galit. Okay lang na makielam at i-voice out yung mga gusto nating sabihin sa socmed pero hindi natin kailangang maging instrumento para mapahamak ang mga taong wala naman talagang kasalanan. Okay na yung maging vigilant tayo sa imbestigasyon at hintayin yung resulta bago tayo mag-condemn ng iba.
Di ko rin papalagpasin yung ginawa ng PNP dito. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sila naglabas ng statement na rape daw yon kahit walang sapat na ebidensya. Tapos mga ilang araw after nila sabihin yon, case solved na daw? Ha?
PS: Nagsagawa ulit ng bagong autopsy ang NBI upang malaman talaga kung anong kinamatay ng biktima. Naniniwala pa rin ang nanay ni Christine na may rape na naganap at hindi titigil hangga't walang hustiya nakakamtan. Samantala, pinakalawan ang tatlong nadetained dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Nagulantang nga rin ako ta aneurism pala. Kaloka ang pnp sila pa tagapagpalaganap ng peyknews.