"Walang Himala"
Ang katagang ito ay lagi kong naririnig, ano nga ba talaga ang totoo?
May himala nga ba?
Saan nagmula ang salitang ito?
Sino ang nagsasabing walang himala at sino ang nagsasabing may himala?
Para sa iyo na nagbabasa nito, may himala nga ba o wala??
Kung iisipin nating mabuti, ang himala ay nangyayari!
Bakit?
Hindi lamang natin namamalayan ngunit may mga pangyayaring nagaganap na sa tingin ng bawat isa ay napakaimposibleng mangyari. Iyan ang tinatawag nating HIMALA O MIRACLE!!
Para sa akin may HIMALA, naniniwala ako dito sapagkat ang gumagawa nito ay ang ating PANGINOON!
Sarili kong opinyon na kung saan sa pamamagitan na din nga aking obserbasiyon ay marami ng himalang naganap sa buhay ng bawat tao, himala na maaaring hindi lamang natin namalayan o namamalayan.
Nasabi kong may himala sapagkat may mga pagkakataong napapatunayan ko ito, yaong tipong nawawalan ka na ng pagasang mabuhay ngunit bigla na lang may darating o isang solusiyon sa isang problema na halos hindi mo maisip na may paraan pa pala.
Gumagawa ang ating PANGINOON ng isang himala dahil hindi niya tayo kayang pabayaan.
Ang PANGINOON ang himala, siya ang gumagawa nito, nararanasan natin ito sa araw araw ng hindi natin namamalayan.
Ito ay mula sa sarili kong opinyon at obserbasiyon!!
Para sa iyo may himala nga ba??