For those international readers who were continuously supporting my works (if ever), this blog was written in Filipino and I will translate it into our universal language which is English if I got spare amount of time so please be patient. This blog is for academic purposes only and for those Filipino pro writers out there, can you please critique my work? Thank you in advance.
Isa ka ba sa mga bagot na bagot na simula nung umiral ang mas nakakatakot pa sa mga gh-in-ost mo ngayong panahon ng quarantine? 'Yung tipong, palagi kang puyat sa kakapanood mo ng sinusubaybayan mong K-DRAMA o kaya ipa-level up 'yung rank mo sa Mobile Legends buong maghapon with matching high volume earphones kaya't 'yung mama mo, kanina pa tawag nang tawag sa'yo, hindi ka pa rin nakakarinig?
Isa rin ako doon at sa totoo lang, hindi na bago sa ating pandinig na palaging sinasabi ng mala-stepmother na linya ng mga magulang natin na anak mayaman raw tayo sapagkat late na tayo nagigising pero pake mo ba, biro lang.
Wala na ngang pasok pero late ka pa ring bumabangon kasi kakasubaybay mo sa alitan ng bida saka ng kontrabida sa pinapanood nilang series sa mga pirated sites o kaya kaka-rank mo sa Mobile Legends madaling araw na tapos i-po-post mo sa Messenger Stories mo na victory kayo ng ka-duo mo. Sana all may ka-duo.
Nung dumaan naman na ang mga pesteng modules (sorry mga ma'am at sir), doon na tayo nagsimulang maghabol sa mga taong hindi naman tayo gusto o kaya't last two minutes natin na gawain na dinaig pa si The Flash kasi kung kailang deadline, doon pa lang tayo gagawa. Ang saklap ng buhay natin di'ba? Hindi natin ma-improve improve.
Bumalik tayo sa reyalidad ng paksa, ano nga ba ang natutunan ko nung nagkaroon ng pandemiya maliban sa puro kakanood o kakalaro? Meron nga ba maliban sa pag-ce-cellphone?
Unang una kong natutunan nung sumulpot ang nakakahawang virus ay ang paghasa ng angkin kong galing sa larangan ng pagsusulat.
Sa totoo lang, nagsimula akong magsulat ng sarili kong akda noong nahilig akong magbasa ng mga series sa Wattpad. Ganunpaman, hindi ito sadyang naging matagumpay sa kadahilanang wala akong genuine na mambabasa kaya medyo na-disappoint ako sa part na 'yon pero wala na akong magagawa kung hindi ang ngumanga at mapaasa sa wala.
Bagamat hindi naging matagumpay ang aking mga hangarin, may mas magandang opportunity naman ang sumalubong sa akin upang mabayaran lahat ang mga nasayang kong mga oras sa pagsusulat at ito ay ang read.cash.
Dito ko na nga ipinagpatuloy ang naudlot kong career sa field ng pagsusulat pero hindi na stories ang isinasapubliko ko kung hindi articles na o hindi kaya ang mga blogs.
Kumikita na ako ng mga ilang dolyar na katumbas ng BCH kada araw at kuntento na ako sa mga nakukuha ko sapagkat libre ko lang 'tong nakamit at bukal rin 'yon sa loob ko. Bagamat maliit para sa iilan, iyon naman ang ikakasaya ng puso ko kaya pinagtiyagaan ko na.
Ang pangalawa ko namang natutunan sa panahon ng pandemiya ay maghabol sa mga deadlines na dapat last week ko pa ginawa.
Sa totoo lang, simula ng dumadagdag nang dumagdag ang nakatambak na napakaraming schoolworks ay unti-unti akong nanghina at naging isa na akong dakilang tamad.
Kayo ba, tinatamad rin ba kayo kapag nakita niyo na napakaraming gawain pero mas pinili niyong mag-cellphone ng mag-cellphone imbes na mag-modules? Kung oo, hindi kayo nag-iisa. Isa sa ako sa mga fandom niyo.
Pero buti na lang sa katamaran kong 'to with honors pa rin ako HAHAHHAHAH.
Ang pangatlo naman sa natutunan ko at patuloy kong iingatan ay ang pagkakaroon ng sapat na oras para sa pamilya.
Noong panahon nang pansamantalang nawalan ng trabaho ang aking itay ay mas naipapaalala ng quarantine ang kahalagahan ng family bonding kahit nasa bahay lang kami at kahit hindi ko gusto ang ambiance ng tatay ko sa aming tahanan ay napapanatili ko pa rin ang mabuting trato sa kaniya kahit na palagi siyang galit na wala naman dapat ikagalit.
Ang isa sa pinakaimportanteng mensahe na natutunan ko sa lahat ng araw na lumipas ay hindi laging sang-ayon ang mundo sa mga bagay na mga ninanais mo.
Isa sa pinakamagandang halimbawa sa paliwanag kong ito ay 'yung recognition at graduation na dapat magaganap noong nakaraang Marso o kaya ang magkakasama kayong salubungin ng kayong magkakapamilya sa side ng mga magulang mo.
Alam kong nakakalungkot isipin na lahat ng plano natin na labag sa health protocols, hindi natin matutupad pero may ibang way pa naman kaso medyo mababawasan 'yung saya kaysa sa tradisyonal nating ginagawa. Pero ito na nga ang mundo natin ngayon, wala na tayong magagawa kung hindi manitili sa bahay at maghintay nang makakain lalo na sa aking palamunin sa bahay at paghuhugas lang laging ginagawa sa bahay.
KONKLUSYON
Bilang konklusyon, nais ko lamang sabihin na ang mundo ay magulo at ang panlabas na anyo ay parang nakatira ka age-restricted na komunidad. Maari rin nating ihalintulad ang mundo sa isang cellphone kung saan ikaw ang app at ang may-ari ng device na 'yon ay isang mataas na sangay gobyerno.
Para hindi ka mahawa o mabiktima ng virus o kung ano pa 'mang masamang gawain ay kailangan nila na malagyan ka ng security o kung anumang proteksyon para hindi tayo mahawa at ito ang isa sa mga tungkulin nila, ang gabayan tayo.
Limitado ang bawat nating paggalaw at kailangan nating palaging mag-ingat. Isipin na lang natin na parang ang mundo natin na parang zombie apocalypse pero ang kinaibahan, hindi natin nakikita ang kalaban.
Ang pinakanatutunan ko talaga sa lahat ng pagsubok ko kasama ng krisis na 'to ay ang mahiwagang salitang magtulungan. Ewan ko ba pero mas napapanatili nating Pilipino ang pagkakaisa sa pamamagitan lang ng pag-stay sa bahay.
Ramdam niyo ba ako? By the way, salamat sa pagbabasa.