Permiso upang malayang makagpahayag ng damdamin:
I can argue with objectivity and use the academic and legal terminologies that I understand, pero napakalungkot ko sa pagkawala sa ere ng ABS-CBN. Bakit? Isa kasi iyon sa mga link ko sa mga pinakamasayang alaala ng buhay ko, lalo na from childhood. Channel 2 na talaga kami ang pinapanood namin since nagkaisip ako. Bago pumasok sa school, nakakapanood ka ng Sineskwela, Mathinik, Epol Apol, etc. Pati mga pambatang cartoon. Laging kinakanta ni Mama sa amin yung kanta ni Remi. Tapos andyan yung Julio't Julia, Daddy Long Legs, Cedie, Heidi, Sarah etc. Pag hapon-pagabi Naruto o kaya Yu Gi Oh o kaya Digimon.
Hindi ko makakalimutan na lahat ng tao sa compound namin tatakbo na sa mga bahay-bahay kapag Esperanza na. Ganun din sila nung Meteor Garden na ang sikat. Di ko makakalimutan ang tawa ni Princess Punzalan nung sumabog yung bus na sinasakyan ni Claudine. Di rin mawala sa isip ko ang isang Sabado ng hapon na umuulan tapos nasa TV Tabing Ilog. Saktong-sakto yung music. Siyempre masaya kapag Linggo na kasi may Wansapanataym tapos malungkot ka pag tapos dahil may pasok na bukas. Siyempre yung sitcoms din. Home Along Da Riles. Bida Si Mister Bida Si Misis. Okidokidok. Aribariba. Horrors din. Okatokat. Nginig. I remember one episode takot na takot lahat ng nanunood sa bahay then ako tumatawa lang.
I fell in love with the news sa coverage ng ABS sa 2004 presidential elections. I was 10 years old. Back track a little bit dun ko rin napanood yung 9/11 bombing nung 2001 then I remember watching a hostage drama sa mall na may napatay na bata. I've always been interested with the news and current events since then. I especially loved when the anchors asked the field reporters questions tapos sasagot sila. Dun ko nga yata natutunan yung art of questioning. Alam ko rin na minsan di sure ang reporters sa isasagot pero inaabangan ko kung paano nila ilulusot ang sagot nila.
Noontime shows. Although we loved Eat Bulaga (nag-channel 2 din sila), laking MTB ako. Then naging Wowowee. Tapos 1 year after the stampede, the show was back. Sobrang saya ng mga tao sa amin. Ang dami-dami kong memories--good and bad, sad and happy--na associated sa shows ng ABS na hindi ko na matatype ngayon, pero iba ang Channel 2. Hindi lang sila palabas. Nagiging parte sila ng buhay mo. Walang nakakatalo sa kanila dun.
Ngayon di na ko masyadong nanonood ng TV. 100 Days to Heaven na nga lang pinapanood ko e. Konting Showtime. Konting TV Patrol. Pero kahit ganun, as long as naririnig ko ang boses ni Peter Musngi (boses ng Channel 2), I know I'm home.
Tapos noong May 5, may apat o limang taong hindi naman binoto na may pinrint at pinirmahang ilang pirasong papel. Parang ninakaw sa akin lahat ng masayang alaala na iyon. Parang may kapamilya akong kinidnap o biglang nawala.
I'm sure milyung-milyong tagasubaybay ng Channel 2 ang ganun din ang naramdaman. Probably even worse. Kasi sa ibang dako ng bansa na antenna lang ang gamit ng mga tao, sila lang naman talaga ang sagap.
Nakakalungkot na dahil sa makasariling hangarin ng iilang taong masyado nang kumportable ang pamumuhay at wala namang tunay na simpatya sa madla, itong kaunting saya at serbisyo na naidudulot ng ABS-CBN sa mga tao ay ipagkakait pa.
Nakalulungkot dahil marami tayong kababayan ang bulag na sumusunod sa mga pangalang kasalukuyan na silang ibinebenta sa Tsina. Mas nakakalungkot na nagagawa nilang ipagdiwang at gawing katatawanan ang pagbagsak ng mga kapwa nila Pilipino.
Ang lungkot. Ang lungkut-lungkot.
Alam kong magbabalik ang ABS-CBN. One way or another, they will return to the airwaves and into our homes to continue to be in the service of the Filipino.
I will not forget May 5, 2020. One blatant day of thievery. On the good side, it has awakened the Filipino in me. In a democracy, power resides by the people. And we practice it by election or protest. And I sure will use that power more discerningly this time.
A politician said that there will be a day of reckoning.
I agree.
Isang araw, mananagot ang lahat.