Isang Munting Pangarap

3 28
Avatar for khym01
Written by
3 years ago

Sponsors of khym01
empty
empty
empty

Marahil ay marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sariling bahay na matatawag nang Sariling Atin.Narito ang istorya Ng buhay ko noong wala pa akong sariling bahay...

Lets start...

👉Way back 2010 ng nagdesisyon ako na bumalik ng manila kasama ang anak ko para makahanap ng trabaho at dahil wala akong sariling bahay kailangan ko muna iwanan ang anak ko sa ama niya na may sarili naring pamilya noong panahong iyon dahil may bahay ito samantalang ako wala at kailangan kong mamasukan bilang katulong,masakit man sa kalooban na gawin ko yun pero un ang nararapat dahil hindi naman pwede isama ang anak ko doon sa pinapasukan ko,kailangan ko munang magtiis at kakayanin ko yun...

👉Namasukan ako bilang isang katulong,mas practikal yun n trabaho para sa akin dahil malibre nako ng bahay at pagkain may sahod pa ako,Ilang beses din akong ngpalipat lipat ng amo.Sa kabutihang palad ay naging mabait naman nagiging amo ko at tinuring akong isang kasapi ng pamilya nila,Malaki din ang tiwala sakin ng amo ko hanggang sa minsan napapapunta ko n doon ang anak ko para mgbakasyon lalo na pag walang pasok un nga lang limited days lang dahil nga namasukan lang ako at di ko naman sariling bahay yun...

Forward na tayo..

👉Halos tatlong taon din ako doon sa amo ko hanggang sa niyaya ako ng kaibigan ko na mag apply abroad bilang isang DH kaya ngpaalam ako sa amo ko na mg abroad ako para makakuha ako ng kahit na maliit lang na bahay dahil pangarap ko talaga na magkaroon ng sariling bahay na mauuwian at pumayag din naman ang amo ko pero habang inaayos ko ang papeles ko ay namamasukan parin ako sa kanila sobrang bait talaga nila..

👉At nkaalis na ako papuntang abroad,nung umpisa mabait pa amo ko pero katagalan naging madamot na sa pagkain ang amo kong babae,panakaw akong kumukuha s ref nila ng pagkain,minsan din sumasaglit ako sa tindahan para makabili ng pagkain at mabilisang kinakain habang pauwi.Pinag tiyagaan ko sila para makaipon at makakuha ng sariling bahay na siyang pangarap ko talaga...

To make the story short this is it..

👉Mabilis n lumipas ang araw at habang patapos na ang dalawang taong kontrata ko ay matatapos narin ako sa downpayment sa kinuha kong hulugang bahay,Sa wakas mtutupad narin ang pangarap kong sariling bahay at mayron na akong mauuwian pag balik ko ng pinas,Sobrang saya ko talaga noon dahil sa kabila ng mahirap na trabahong DH ay nkayanan ko..Yeheyy may sariling bahay narin ako...Kahit na hulugan atleast sarili ko na at matatawag kong akin db...THE END...

SANA PO AY NAGUSTUHAN NINYO ANG KAUNTING KWENTO NG BUHAY KO...

SALAMAT PO..HANGGANG SA SUSUNOD MULI..

GODBLESS YOU ALL

💚💚khym01💚💚

2
$ 0.01
$ 0.01 from @Jay997
Sponsors of khym01
empty
empty
empty
Avatar for khym01
Written by
3 years ago

Comments

Ang galing naman sis kaya mobyan eh push mo lng walang imposible basta ginusto mo at sinamahan ng gawa saan ka na bansa ngayon?

$ 0.00
3 years ago

Salamat sis,oo sis tama ka nakakayanan lahat para sa minimithing pangarap

$ 0.00
3 years ago

Qatar ako dati sis pero ngaun dito nko sa pinas,4 yrs din ako doon ngtiis,sa awa ng diyos nakayanan ko

$ 0.00
3 years ago