read.cash Log in

@keyem

Joined 9 September 2022 · 47 posts

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@keyem

Nagulat ako biglang may pumasok na 200 plus sa account ko na galing daw kay tiktok. Nakaraang araw kasi nagwithdraw ako ng commision ko kay tiktok tapos after 2 days nadeclined. Tapos kahapon nagtry ako ulit magwithdraw, ayun pumasok naman kaagad kaya hindi ko inaasahan na may papasok ulit na 200 plus. Hindi ko na kasalanan yun kung nadoble ang sinend sa akin diba? HAHAHA Hindi ko rin naman alam kung paano ibabalik kay tiktok. So imbes na 229 lang ang papasok sa account ko naging 448 lahat. Winiwithdraw ko kasi agad kapag may available balance na ako kay tiktok dahil minsan nawawala nalang daw bigla. Safety first ba πŸ˜‚ ang hirap kaya kumita ng pera, diba? Wala lang gusto ko lang ishare sa inyo.

@keyem

Forda tampo ang baby πŸ˜‚ Pinagalitan kasi ng mama. Paano kasi nag aala spider na naman. Ayaw matulog at full charged pa ata. Ang dami ko pang gagawin pero wala naman mag aalaga at lahat ng tao sa bahay ay busy. Maglalaba sana ako ng kumot at punda kasi ngayon lang gumanda ang panahon. Sobrang hyper mga mare kaya ako nahahype din minsan HAHAHA. Kaway kaway sa mga may anak na sobrang hyper jan. Kamusta naman kayo? Ako heto, nakikipag habulan.

@keyem

ANG REBELASYON popcorn kayo jan! dahil sa kamaritesan ko napadpad ako sa issue ni Wilbert tolentino at Zeinab Harake. Grabe din pala e ano? ang hirap na talagang magtiwala ngayon. Hindi ako makapaniwala sa rebelasyon about kay Zebby. Napanood niyo narin ba? Mahirap talaga kalabanin ang may screen shot. Ang dami tuloy nag unsubscribe kay Zebby. Sa mga hindi pa nakapanood, arat na! HAHAHA Ayaw ko nalang mag talk.

@keyem

Mukhang mabubudol ulit ako for todays video HAHA paano kasi may nakita na naman akong Buy 1 take 1 na electricfan sa shopee. Imbes na ako ang mambudol ako pa ata ang mabubudol. Puro magaganda pamandin ang reviews, yun ngalang may kamahalan. Simula nong mapasali ako sa affiliate marketing madami dami nadin ang nabudol ko online, halos puro gamit sa bahay. Pinapaikot ko lang din mga commision ko, mindset ba mindset haha. Anyways, baka gusto niyo din magpabudol, visit niyo lang fb page ko @random keyem baka may magustuhan kayo, kung wala naman follow niyo nalang πŸ˜‚ sa tiktok naman @geneva349 doon madami akong benta, mga nilalangaw na dahil bihira nalang naorder. Matumal na ang bentahan.

@keyem

Puyat is real! kahit anong pilit kong matulog ayaw pa talaga ng mata ko. Kaya heto nagtitingin nalang sa tiktok ng pwedeng budulin haha. Nagandahan ako dito, mura lang siya at free shipping kaya mukang mapapa check out na naman ako neto. Tiningnan ko ang reviews, maganda daw at hindi masakit sa paa. True to size din daw at maganda pang porma. Ganito lagi ginagawa ko para magka commision,sa tiktok ako bumibili sa mismong shop ko πŸ˜‚ Para paraan lang para makamura at kumita. Oh siya goodnight na sa mga tutulog palang kagaya ko at goodmorning sa mga gising na. GOODMORNIGHT ❀️

@keyem

Facebook Memories 7 years ago na pala 'to, nene days Haha Maumbok umbok pa ang pisngi ko dito. Mga panahong filter is life ang nais, nagmukha naman ako maganda kahit papaano. πŸ˜‚ 19 years old lang ako dito e pero mukha ng trenta, stress sa life at school. Ito ang gusto kong feature ni facebook e binabalikan ang kahapong nagdaan. By the way, kamusta ang maghapon nating lahat? Ako pagod much dahil sobrang dami kong nilabhan akala mo isang barangay ang may ari ng nilabhan ko.

@keyem

BRAND AMBASSADOR Yay! can't wait na mareceive tong ipapadala sa akin para ipromote sa tiktok. Perks of being brand ambassador nagpapadala sila ng product para gawan ng video at ipromote. Lahat nalang pinasok ko no? Involve asia, shopee ambassador, ecomobi, affiliate sa tiktok tapos brand ambassador sa isang company. Hindi naman halatang naghahapit e ano? hahaha 3 months lang nman ang kontrata ko bilang brand ambassador pero happy ako kasi lagi ako napapasali sa papadalhan ng product sample kaya excited akong mareceive. Sana lang makabenta pa ako sa tiktok kasi sobrang tumal na ngayon hindi kagaya dati na umaabot ng libo ang sales sa isang araw. Wala lang, skl. Magandang gabi sa lahat.

@keyem

Sweet morning everyone kasing sweet ng ngiti ng anak ko habang tulog :) pampagana ng aking umaga. Late na siyang nakatulog kagabi kaya tulog parin siya hanggang ngayon. Matagal kasing malobat ang anak ko mas nauuna pang malobat cp ko HAHAHA. Kaway kaway sa mga katulad kong may baby na sobrang hyper, kamusta maghapon niyo? Btw, sana'y maging productive ang araw na 'to sa ating lahat. Stay positive lang. Sa mga binabagyo ang kanilang lugar, stay safe!

@keyem

SHOPEE AMBASSADOR Finally! after ilang days na pag aantay approved na ako bilang isa sa mga shopee ambassadors. Lahat nalang inapplyan ko haha wala e, magpapasko na kasi, kailangan ng extra income. Last week sa Involve asia naman ako nag apply pero hindi ko keri mejo nalilito ako kaya nagtry ako kay mareng shopee baka sakaling maiapply ko ang pagiging addict ko sa online shoping. Makakatulong din kasi yun kung sakaling gagawan ko ng videos ang mga ibinibili ko online para mas lalong mahikayat bumili ang mga makakakita ng video ko. Sa ngayon puro clicks palang ako, wala pang umorder sa mga pinopost kong products. Pero laban lang, malay natin bukas o sa susunod na araw maka 5 digits din ako HAHAHA. Sa mga gustong magtry magbenta ng walang puhunan, apply na kayo. Sabay sabay tayong kikita.☺️

@keyem

ECOMOBI After 1 month on ecomobi may 7 orders palang ako, not bad kasi hindi naman ako active dito. Dalawang beses lang ata ako nagpost sa reels pero may umoder din pala. Gusto kong ipush ang pagiging affiliate ko kaso kulang na ako sa time hehe busy busyhan lang ang peg. Nakaka inspired din kasi yung iba na umaabot ng millions ang kita pero siyempre may konting puhunan din silang inilabas para sa ads sa fb. Meron din namang own content ang ginawa tapos nagviral kaya umabot din ng 5 digits ang kita after 4 days. Sipag, tiyaga at diskarte lang talaga ang kailangan para kumita. Soon, aangat din sales ko. Tiwala lang! hehe skl.

@keyem

Another sahod from sound.me, legit parin talaga siya. Mas madami na sana ako napayout kung nagawa ko yung ibang campaign, tig 1$ pamandin yun. Sayang! Hindi ko kasi magamit yung ibang sounds na ibigay kasi naka business account ako sa tiktok, yun ang sabi sa akin ng pinagtanungan ko, ewan ko lang hihi. Pero blessed parin ako kasi bukod dito, may income din ako sa iba kahit maliit lang. share ko lang. hehe. btw, kamusta na ang lahat dito? long time no post dahil sobrang busy ang lola niyo.

@keyem

So ayun na nga, gumawa na ako ng facebook para may sarili akong property char! haha Nag-apply kasi ako sa Involve Asia as affiliate for extra income, sana mapush ko na 'to πŸ˜‚ Dito ako nagpopost ng mga products na prinopromote ko kaso konti palang sa ngayon. Kailangan kasi ng extra income kaya push na ng push. Sa awa ng diyos may orders naman kaso bibihira lang talaga sa sobrang dami nadin ng seller. Buti pa sa tiktok at araw araw may naliligaw sa shop ko. Oh diba? daming raket HAHAHA skl. Kapag may time bisita kayo sa tiktok ko @geneva349 at sa fb page ko @random keyem bka may magustuhan kayo. Salamat. _ Good morning guys!

@keyem

After how many days na walang paramdam dito dahil nabusy sa tiktok, welcome back self!! hehe Kamusta na kayong lahat? Namiss ko dito. Story time πŸ˜‚ So ayun nga, isa na akong affiliate sa tiktok kaya nabusy ako masiyado sa kaka promote ng paninda ko. Nakaka enjoy naman siya kahit na minsan maghapong walang benta, puro na kasi seller wala ng buyer. As of now naman meron na akong commission pero hindi ganon kalaki gaya ng iba na umaabot pa sa 6 digits. Kapag may time kayo visit kayo sa tiktok @geneva349 baka may magustuhan kayong paninda ko. HAHAHA. Yunlang muna guys, goodnight

@keyem

Any suggestions kung anong magandang products ang mabenta sa ngayon? Pang 3 days ko na kasi simula nong nagsimula akong mag affiliate sa tiktok pero iisa pa lang ang benta ko huhu. Ang hirap kapag hindi ka sikat wala naorder sayo kahit na mura lang ang mga binebenta mo, kahit free shipping pa HAHAHA. Mga sikat lang ang kumikita e. Suggest naman kayo kung ano magandang product na iaadd ko na products sa tiktok ko. Comment down below. ❀️

@keyem

Yaay!! Happy na naman ang heart ko today dahil may 5 active videos na ako sa sound.me kahit na hindi talaga ako expert sa paggawa ng videos sa tiktok HAHAHA. Sana lang paying parin siya hanggang maabot ko ang minimum withdrawal na $5 makatikim manlang ng payout. _ By the way, happy wednesday sa lahat.

@keyem

Nabalitaan kong pwede na pala magbigay ng tip dito, gara naman! So ayun, last na silip ko dito 6 lang ang aking friends ko dito ngayon nasa 16 na, hindi man gaano kadami gaya ng iba at least nadagdagan. Hehe _ Kamusta ang lahat dito?

@keyem

Finally, I'm here. Actually kahapon pa pero ngayon lang nakapag post. Yaay, kaexcited naman! Kumusta naman ang lahat dito?