Our Dream House

0 28
Avatar for kellinsinner
3 years ago

"Love," sambit nito sabay yakap sa akin mula sa likod.

"Hmm, yes love?" sagot ko naman at nilingon siya habang sinisiklop ang aking palad sa kaniyang kaliwang kamay.

"Malapit ka nang maging engineer, matutupad na yung pangarap mo," pagkasabi naman nito'y hinarap ko siya at tinitigan ang singkit niyang mga mata ngunit hindi maikakaila ang ningning nito tuwing aking nakikita.

"Pangarap natin, dalawang taon nalang Ara, dalawang taon nalang," sagot ko at hinalikan siya sa noo.

"Gusto ko ako ang magdidisenyo ng bahay natin balang araw tapos lalawakan ko yung garden para malawak yung paglalaruan ng mga anak natin," dagdag ko naman na siyang nagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi.

"Mag-iingat ka sa Maynila ah," nag-aalalang sabi nito at hinaplos ko naman ang kaniyang pisngi upang mapawi ang namumuong lungkot sa kanyang mata. Dalawang taon din kaming hindi magkikita.

"Halika na, tulog na tayo," anyaya ko rito at agad naman itong sumunod.

Mula noon ay hanggang chat at tawag nalang ang naging komunikasyon namin.

2 years later...

Sa wakas, makakauwi na din ako. Hindi na ako tumawag sa kanya na pauwi ako upang surpresahin siya sa aking pagbalik. Nakarating na ako sa tapat ng kanilang bahay pagkatapos ng halos dose oras na biyahe.

"Love!" tawag ko at kinatok ang pinto ngunit walang sumasagot. Sinubukan kong pihitin ang door knob at hindi naman ito naka-lock kaya mapagdesisyunan ko nang pumasok. Dumietso ako sa sala at nagtataka sa aking nakita. May sapatos ng lalaki at isang checkered polo na nakabalandra nang bigla akong makarinig ng mahinang ingay mula sa taas, nilapag ko muna ang aking mga bitbit at dahan-dahang umakyat.

Nanggagaling ang tunog sa unang kwarto, lumapit pa ako ng bahagya sa pintuan at rinig na rinig ko ang mga halinghing na nanggagaling sa loob. Hindi ko na namalayang tumutulo na ang aking mga luha ng marinig ko ang mga halinghing at singhap ni Ara mula sa loob. Kahit na nahihirapan ay naglakas loob akong buksan ang pinto ng bahagya, sakto lamang upang masilip ang nangyayari sa loob.

At tama nga ang aking kutob, may ibang kasiping si Ara. Ngunit kailan pa? Kailan niya pa ako niloloko? Pinilit kong pigilin ang patuloy na pagtulo ng aking luha at dahan-dahang isinara ang pinto ngunit naglikha ito ng tunog upang mapatigil ang dalawa. Kahit na nanghihina ang aking katawan dahil sa aking nasaksihan ay pinilit kong magmadaling bumaba at umalis ng bahay na iyon. Sapat na ang aking nakita at ayaw ko nang makarinig pa ng kahit ano mula sa kanya.

Nagpalipas lang ako ng isang linggo sa aking mga tiyuhin ay agad na akong bumalik ng Maynila at doon ko ipinagpatuloy ang aking pangarap ng wala siya. Makalipas pa ang ilang taon ay naging matagumpay ang aking career bilang inhinyero.

"Sir, your client is calling," sambit ng assistant ko at inabot sa 'kin ang telepono.

"Hello,"

"Sir, yes Sir. Where will we meet?"

"Okay Sir, see you there at 3pm for the contract agreement. Thank you sir!" pagkatapos noon ay ibinaba ko na ang tawag.

2:45pm

Tanaw ko na ang aking kliyente mula sa aming pinag-usapang lugar.

I showed him the blueprint of the design and I'm glad that he's impressed.

In a few weeks, he wants to start the construction.

A few weeks later, nagsimula nang gawin yung bahay na pinapagawa ng kliyente ko and I l've decided to visit the site.

"Sir! How is it going?" I asked my client.

"Great! Uhm, by the way, this is my wife, Ara," sambit nito habang nakita kong papalapit ang isang babae mula sa kanyang likuran.

I was shocked in silence.

"Nice to meet you Ma'am," inilahad ko ang aking kamay at agad naman niya itong inabot.

"Uh! Excuse me, maiwan ko muna kayo saglit, I need to answer this call," tumango naman ako at naglakad na ito papalayo, pagkakataon upang makapag-usap kami ni Ara.

Kalahating minutong nagibabaw ang katahimikan sa aming dalawa nang putulin niya ito at nagsalita.

"K-kiel, K-kumusta ka na? Ilang taon n-na na din" nauutal nitong sambit at hindi makadiretso ng tingin sa akin.

"I'm perfectly fine. Nagbunga din lahat ng struggles ko sa Maynila," sambit ko habang naglalaro ang tingin sa paligid.

"And I-I'm pretty fulfilled now, na kahit hindi tayo yung nagkatuluyan, at least, I still managed to keep my promise na ako yung magdidisenyo ng bahay mo at magiging anak mo," biglang bumigat ang aking mata at nagsimulang tumulo ang luha mula rito. Agad ko naman itong pinunasan habang nakatingin sa kalangitan at nagpakawala ng isang mapait na ngiti.

"I-I'm sorry to keep you waiting, kaya nagawa mong maghanap ng iba," dagdag ko pa rito nang bigla itong yumuko at nagsimulang umiyak.

"N-No! It's not your fault, I-I'm s-sorry because I've cheated on you when all you did was to fulfill your dreams for us and our future, b-b-but I've failed you," pagkatapos niyang sabihin iyon ay humagulhol na siya ng iyak at napaluhod. Ramdam ko sa kanya na pinagsisihan na niya ang lahat ngunit matagal ko na siyang napatawad mula noong araw na pinili ko siyang palayain kung saan siya masaya. Kung saan sa tingin ko siya masaya.

"Ssh, tumahan ka na. Baka kapag nakita tayong ganito ng asawa mo, baka sabihin pinaiyak kita," tumayo naman ito pagkatapos kong sabihin iyon.

"Even though we didn't end up with each other. Here's one thing I'd like you to know. I'm so proud of you, Engr. Kiel Lopez and thank you for keeping your promise," she smiled while still wiping her tears.

"So, Mrs. Montereal, I'm going now. Thank you! Nice meeting you, again." I ended up our conversation and leave the place, relieved.

END.

4
$ 0.13
$ 0.13 from @carisdaneym2
Sponsors of kellinsinner
empty
empty
empty
Avatar for kellinsinner
3 years ago

Comments