Fate And Promises [Part I]

0 20
Avatar for kellinsinner
3 years ago

A Story by kellinsinner

"Oh Hanna, akala ko hindi ka na makakarating sa reunion natin e," bati ni Sapphire sa paalapit na dalaga.

"Buti at pinayagan ako mag-leave ng boss ko. Alam mo naman diba? Busy na sa work," tugon naman ni Hanna at nagbeso ang dalawa.

"O, tara na! Sino pa bang hinihintay?" tanong ni Earl na siyang pinakaunang dumating sa pinagkasunduan nilang tagpuan.

"Wait, may isa pa. Chat ko lang kung nasaan na," sagot naman ni Levi.

"Sino?" sabay-sabay na tanong nilang lima.

"Kumpleto naman na tayo, diba?" tanong muli ni Earl.

"Chill, malapit na siya, wait ka lang." sagot ni Levi at nginitian ang binata.

"O, tara na. Ayun na pala siya o!" nagsilingunan naman ang lahat at inaaninag ang paparating na isang dalaga.

"C-celestine?" gulat na gulat na tanong nila Anthony at Jane. Habang si Earl naman ay nanatiling tikom ang bibig at tila isang rebultong napako ang tingin kay Celestine.

"Hi guys!" sabik na bati nito. Napansin naman ni Hanna si Earl na panay pa rin ang titig sa dalaga.

"Uy, matunaw!" sambit nito kay Earl at inalog ng bahagya ang balikat nito. Dahilan kung bakit nabaling ang tingin ng lahat sa binata.

"Hi Earl, it's been a while." bati ni Celestine sa binata sabay inabot ang kamay nito. Hindi naman ito binigo ang binata at inabot ang kamay nito sa dalaga.

"Y-yeah." utal na tugon nito. At ilang segundo pang nanatili ang katahimikan sa pagitan nila habang hindi pa rin bumibitaw si Earl sa pagkakahawak sa kamay ng dalaga. Nang putulin ni Levi ang katahimikan.

"O, ano na guys? Magtatanghali na, let's go!" anyaya ni Levi at sabay-sabay silang nag-abang ng masasakyan. Nasa kalagitanaan na ng biyahe ang magkakaibigan at sila'y nagkukwentuhan at kamustahan nang mapansin ni Jane si Earl na tahimik lang na nakadungaw sa labas ng Jeep. Nilapitan niya ito at tinanong.

"You can't still get over your ex?" tanong ng dalaga dahilan ng pagbaling ng tingin ng binata sa kanya. Isa lang naman kasi siya sa mga saksi ng naging relasyon ni Celestine at ng binata. Kaya alam niya kung bakit nagkaganoon si Earl kani-kanina lang nang magkita silang muli ni Celestine.

"It's not that I'm still into her but..." hindi natapos ang sasabihin nito ng biglang nagsalita si Sapphire.

"Manong, para po. D'yan nalang po sa tabi," huminto naman ang sasakyan at agad na bumaba si Earl na halatang may iniiwasan.

"Hay, sayang." tanging sambit nalang ni Jane sa sarili at bumuntong hininga bago tuluyang bumaba.

Habang nasa mall sila ay napagpasiyahan muna nilang maghiwahiwalay para bumili ng gamit at kumain na rin.

"Guys, dito nalang ulit tayo magkita-kita mamaya,"sambit ni Anthony na pinag-sangayunan naman nila.

"Jane, arat sa Watsons," anyaya ni Celestine na kasama si Sapphire at Hanna.

"Sige, una na kayo," sagot naman nito at tinignan si Earl.

"Uy Earl tara, may bagong labas ang Tribal, baka meron na silang stock dito," anyaya naman ni Anthony sa binata na kasama si Levi.

"Sunod na ko 'tol," sagot naman ni Earl kaya naman ay umakyat na ang dalawa sa 2nd floor ng gusali.

"Sige, 'pre hintayin ka namin," sambit naman ni Levi bago sumakay ng escalator.

Dalawa na lang silang naiwan at gusto na ring kumain ni Jane. Ayaw naman niyang iwanan si Earl kaya niyaya niya ito.

"Gutom na 'ko. Earl, tara," yaya ni Jane. Iiling pa sana ang binata ngunit nangungusap ang mga mata ng dalaga nang tinignan niya ito.

"Treat ko naman e, sige na." pilit ni Jane at umalwan ang hitsura ng binata ng marinig ito.

"Sige na nga, tara na. Dun tayo!" sabay turo sa Mang Inasal sabay hila sa kamay ng dalaga.

Naghintay pa sila ng ilang minuto bago makaupo dahil punuan ang kainan sa loob. Ilang minuto pa ay tinawag na ang kanilang numero at saka umupo.

"Dyan ka lang a, ako na o-order, anong gusto mong kainin?" wika ni Jane sa binata at bahagyang nag-isip ito.

"PM2 saka Iced Tea na lang sa 'kin." sagot naman nito at pumunta na sa counter ang dalaga.

Habang umoorder ang dalaga ay nagkakalikot naman si Earl ng kanyang phone nang makita niya ang mga lumang litrato nila ni Celestine.

Maya-maya pa't bumalik na si Jane at naabutan si Earl na nakatitig sa kanyang phone at hindi siya napansin nitong lumapit.

"Reminiscing memories huh," nagulat naman si Earl sa dalaga at agad nitong itinaob ang kaniyang phone sa mesa. Umupo na din ang dalaga sa harap nito.

"Ano nga pala yung sinasabi mo kanina?" ani ni Jane.

"Wala, never mind it," sabay linga nito sa paligid.

"Sabihin mo na, pa-showbiz ka pa e," pilit ni Jane sabay alog sa binata.

"Oo na," pilit na pagpayag naman ng binata at bahagyang napasinghal.

"Remember the promise ring we had?" panimula ni Earl.

"Yeah, tinulungan pa nga kitang pumili nun e. Oh, what about that?" sagot ni Jane at binatuhan din niya ito ng tanong.

"She still has it, she's still wearing it." maikling sagot nito.

"Oh tapos? Ano bang promise yung nakapaloob dun?"

tanong ng dalaga.

"We made a promise to each other na huhubarin lang namin yun kapag wala na kaming nararamdaman para sa isa't-isa." paliwanag nito at biglang napatingin sa order nilang kararating lang.

"Could that mean anything?" pagpapatuloy nito. Napatingin naman ang dalaga sa kamay ni Earl at napansing hindi nito suot ang nasabing singsing.

"Bakit gusto mo pang malaman? E yung sa'yo hindi mo naman na suot." ani nito. Hinubad naman ng binata ang kwintas nagsisilbing pendant ang nasabing singsing. Hindi lang ito nahalata ng dalaga dahil nakapaloob ito sa damit ng binata.

"Oh, I see. If you both lived up to your promises, it just means that you both still love each other," paliwanag nito sa binata.

"Why don't you see it for yourself? Just to be sure, alam mo na. Masakit umasa," hugot nito. Halos kaka-break lang din kasi nito sa kanyang ex-boyfriend.

"Wala pa akong lakas ng loob," sambit naman ng binata.

"E kung hindi ngayon, kailan pa? Kapag naunahan ka na? Saka kung meron mang perpektong oportunidad para gawin mo 'yun. Ngayon yun. Sige ka, kapag hindi mo sinabi, baka ito na yung last time na magkita kayo," paliwanag naman ni Jane.

"Ikaw kasi, tinatakot mo 'ko kanina. Alam mo namang takot na ako masaktan," ani naman nito sa dalaga.

"Kung talagang mahal mo pa si Celestine, take risk. E ano kung masaktan ka, at least nalaman mo kung ano ang status mo sa kanya." paliwanag pa nito af pinagpatuloy ang pagkain. Napahigop naman si Earl sa kanyang Iced tea.

"Sige, sabi mo e, pero kapag nabigo ako, tulungan mo akong mag move-on a," ani naman ng binata at tinawag ang papalapit na waiter upang humingi pa ng kanin.

"Takaw-takaw mo hindi ka nataba," nakangiting sambit ng dalaga nang biglang tumunog ang messenger nito.

"Uy, bilisan mo na d'yan. Tayo nalang pala hinihintay. Bibili pa tayo ng pang shot natin para mamaya," binilisan naman ng binata ang kain at hindi ininda ang mainit na malatang kanin na halos kakalagay lang ng waiter kanina. Sinaid naman ni Jane ang natitira nitong manok.

"Uy, salamat sa libre ah," pasalamat ni Earl.

"Wala yun, ano tara na?" yaya ni Jane.

"Ikaw kaya ang matagal d'yan," biro naman ni Earl at napatingin ang dalaga sa pinggan ng binata.

"Okay, tara." tumayo na silang dalawa at naglakad papunta sa kanilang mga kasama. Habang naglalakad ay nagsimula na si Earl na mag-ipon ng lakas ng loob.

"Inhale...Exhale..." bulong ng binata habang naglalakad at napansin naman ito ni Jane.

"Kaya mo yan," sabay tapik sa balikat nito.

Nang makarating na sila ay napansin ng dalawang wala pa si Celestine.

"Nasaan si Celestine?" tanong ni Jane kila Sapphire at Hanna.

"Umuwi na, hindi ko nga alam kung bakit e, basta biglang nagpaalam na may nakalimutan siyang importante ngayong araw," sagot naman ni Hanna nang biglang makatanggap ng chat si Levi.

*Uy, Levs. Sorry. Alam mo naman kung ano lang pakay ko d'yan. Since alam ko na ang totoo, tatanggapin ko na lang. Akala ko kasi may babalikan pa 'ko since nag-break lang naman kami just to focus on our studies first.*

*Huwag mo na lang sabihin yung real reason kung bakit ako umalis. Sa totoo lang, I really want to hang out more with you guys but hindi ko kaya kapag nakikita ko si Earl. Btw, thank you sa tulong mo. See you soon*

To be continued...

7
$ 0.00
Sponsors of kellinsinner
empty
empty
empty
Avatar for kellinsinner
3 years ago

Comments