Destined To You

0 13
Avatar for kellinsinner
3 years ago

You saved me from a lie.

You stayed through my darkest times.

You provide me the love.

And I'm blessed and glad.

Magkasama kami noong bumuo ng mga pangarap. Makatapos, magkatrabaho, magsama at bumuo ng isang masayang pamilya. Hindi naging madali ang lahat dahil tutol ang kanyang mga magulang. Nakatira siya sa boarding house noon habang nag-aaral ng kolehiyo. Habang ako, tila pinagkaitan ng tadhanang makatapos kaya napilitang magtrabaho. Ginawa ko ang lahat bilang parte ko. Tinulungan ko siya sa abot ng makakaya ko. Sa gastos at maging sa pambayad ng kanyang upa hanggang siya ay makatapos. Ilang luha at sakit na ang pinagdaanan namin at siya na ang naging dahilan ng lahat ng ginagawa ko.

Masaya at tila wala nang hadlang sa aming pagsasamahan noon. Siya ang puntahan ko tuwing ako'y magde-day off at maging sahod sa trabaho ko. Planado na ang lahat, hinanda ko na ang sarili ko noon na kaharapin kung anuman ang sasagabal. Basta kasama ko siya, sabay kaming lalaban. Yan ang aking itinanim na noon sa aking isipan.

Hanggang sa isang gabi, ako'y naghahanda na ng aking gagamitin kinabukasan bago tuluyang matulog at magpahinga ay biglang may hindi rehistradong numero ang tumawag sa aking telepono. Sinagot ko ito at mukhang importante dahil pangsampu na ito bago ko pa tuluyang nasagot dahil sa mga ginagawa ko.

Tumawag ka.

"Hello." sambit ko sa telepono, walang kaideideya kung sino ang kausap ko.

"Hello kuya, ah may sasabihin kasi sana ako sayo." walang paligoy ligoy mong sinabi. Habang ako ay napuno ng kyuryosidad sa narinig ko.

"Ah...ako nga pala yung nakatira sa kabilang boarding ng girlfriend mo." dagdag mo habang ako'y patuloy na nakikinig sa sasabihin mo.

"Naaawa kasi ako sayo kuya." sambit mo pa dahilan ng aking labis na pagkalito.

"Ayaw ko sanang pangunahan o anupaman pero maaari ka bang pumunta bukas ng alas siyete ng gabi sa boarding mismo ng gf mo at malalaman mo ang sinasabi ko." pagkasabi mo niyon ay biglang may namuong kaba sa aking dibdib. Tila hindi maipaliwanag ngunit masama ang aking kutob sa iyong sinabi.

Nais ko siyang surpresahin kaya naman binilhan ko muna siya ng hapunan namin bago ako dumiretso sa kanila. At imbis na siya lang ang masurpresa sa aking pagdating ay maging ako ay nasurpresa din pagkatapos kong buksan ang pinto at makarinig ng mga halinghing.

Matagal na niya pala akong niloloko, may namumuo nang luha sa pagkakaalam ko ngunit nagawa ko itong pigilan habang sinasabi sa kanyang kalaguyo ang mga katagang ito.

"Brad! Wala akong oras para makipagaway sa'yo dahil inagaw mo ang mahal ko, ang gusto ko lang ay tuparin mo ang hiling ko," nauutal kong sabi habang siya nama'y nakayuko.

"Ipinapaubaya ko na siya at hindi ko na kayo guguluhin pa, pero huwag mo sana siyang sasaktan at alagaan mo siya sa abot ng iyong makakaya." pagkatapos kong banggitin ang mga katagang iyon ay akma ko nang binuksan ang pintuan nang maramdaman kong humahabol siya sa akin. Hindi ko na hinayaan pang ako'y kanya pang mahawakan at sinabi nalang ang mga huling katagang...

"Maging masaya ka na sana, patawad kung hindi pa rin ako naging sapat." pagkatapos noon ay tuluyan ko nang isinara ang pinto. Pauwi na sana ako nung gabing iyon ngunit nariyan ka, nagaabang sa aking paglabas, sinalubong mo ako ng yakap na higit kong kailangan ngayon.

You saved me from a lie.

You stayed through my darkest times.

You provide me the love.

And I'm blessed and glad.

Pinatuloy mo muna ako sa boarding mo noon at pinagsaluhan natin ang dala ko na alam mo na dapat ay para kanino. Pinakinggan mo ang mga hinaing ko, ikaw ang balikat na nasandalan ko, ikaw ang siyang nagpunas ng mga luha ko at ikaw ang siyang natakbuhan ko noong mga sandaling hindi ko na alam kung saan ako dadalhin pa ng mundo.

Naging magkaibigan tayo, ikaw na ang madalas kausap sa telepono, ikaw na rin ang nagiging dahilan ng pagpunta ko. Sa loob ng dalawang taon simula nung iniligtas mo ako mula sa kasinungalingan ay natutunan kong umibig sa iyo. Walang halong pagmamadali dahil alam mo ang pinagdaanan ko't naging hapdi, tinulungan mo akong hilumin ang pinakamalalim na sugat na aking natamo. Hanggang sa naging tayo, tila yun ang naging daan upang tayo'y magkatagpo.

Alam ng Maykapal na ikaw ang nararapat sa isang katulad ko, ipinakilala mo ako sa mga magulang mo at doon mismo sa kanilang harapan ay aking ipinangakong ikaw lang ang mamahalin ko. Mas lalo pa akong nagsumikap upang mabigyan tayo ng simple at payak na pamumuhay at dahil syempre sa tulong mo.

You saved me from a lie.

You stayed through my darkest times.

You gave me the happiness—

Never did I could imagined.

Now I'll gave my part.

To take care of your heart.

Let this be a brand new start,

Of the love I been searching for a lifetime.

I'll promise you my love until my last breathe.

Love that's overwhelming—

Love that you deserve.

And the love that is destined.

(Based on a true story.)

[DO NOT PLAGIARIZE]

[PHOTO NOT MINE]

1
$ 0.00
Sponsors of kellinsinner
empty
empty
empty
Avatar for kellinsinner
3 years ago

Comments