Tao Lang

0 11
Avatar for kat2x
Written by
3 years ago

Ano ba ang dahilan ng iyong pagkakaganyan?

Ano nga ba ang kailangan patunayan?

Luha ay huwag sayangin

Sa mga maling pagtingin.

Ang isang pagsubok ay di matatakasan

Gamit ang isang maling paraan.

Sino nga ba ang dapat sisihin?

Sa sarili ito ba ay naitanong mo din?

Lahat ng iyong nararanasan

Mula sa pinili mong daan

Kasalanan sa iba ay huwag ipagtulakan

Hindi ka perpekto, alam mo iyan.

Ngunit alam mong sila ay katulad mo rin

Taong mapanghusga at mapagdiin

Problema ay huwag mong iisipin

Sa ilalim ng usok na di kanais-nais sa paningin.

Tanging ikaw lamang ang makakabangon

Sa sarili mong pagkabaon.

Hayaan mong husgahan ka nila

Wala kang dapat ipag-alala

King ika'y nasa tama lamang

At hindi ka rin nagkulang.

Ewan ko kung relate to dito @siopao 👇👇https://read.cash/@siopao/usok-at-problema-00ab73fe

4
$ 0.00
Sponsors of kat2x
empty
empty
empty

Comments