Kids... ang saya lang tingnan ng mga batang naglalaro. Walang problema, walang ibang nasa isip kundi laro at kasiyahan kasama ng mga kalaro nila.
Ang sarap balikan ng nakaraan. Yung panahon na kakain at manonood ka lang ng favorite anime. Yung binibigyan ka ng pambili ng isang pirasong tinapay at ice candy na pwedeng pagkasyahin sa dalawampiso lang. 😁
Ang sarap maging bata ulit. Yung ipapasyal kayo kasama mga kapatid mo sa magaganda at maiilaw na pasyalan. Ang paligid na pinagsasawaan ng maamong mukha at ng napakainosente mong mga mata. Ang takbuhan at habulan sa matao ngunit mapayapang lugar. Kung saan kampanteng nanood sa inyong kasiyahan ang mga magulang sa di kalayuan.
Napakasarap tingnan ang mga ngiti. Ang kasiyahang tunay na mababakas mula sa puso ng mga inosenteng paslit.
Mga bata nuon pagkain at laruan lang ang nasa isip. Pasyal at laro sa labas ng bahay. Walang takot at walang sawa hanggang sa maligo ng pawis. Ang saya maging bata ulit.
Naisip ko lang talaga to noong namamasyal kami. Ang saya ng mga anak ko. Hindi sila nakalabas mula ning maglockdown. Pero naisip ko nga, kailangan pa rin maging maingat. Di gaya ng dati di mo aalalahanin kung sino ang masasagi mo. Ngayon sa panahon ng pandemic, hindi mo alam kung sino ang may dalang virus sa paligid mo. Kaya't limited lang din ang kilos at area na pwedeng paglaruan ng mga bata.
Sa panahon ngayon kailangan ng dobleng pag iingat. May virus, may masasamang loob. Halos wala nang safe na lugar sa paligid. Buti pa noon kahit ilang metro pa aabutin ng mga bata sa kalalaro, mapapanatag ka dahil hindi naman ganoon ka crowded.
Sana naman mawala na din ang pandemic na 'to para maibalik na din sa dating normal ang buhay nating lahat. Lalo na ang mga batang kailangan din ng tamang gabay sa pag-aaral. ..
Kmusta? How are you? Still anxious? 🥺