Salamat sa Bagong Umaga

2 114
Avatar for kat2x
Written by
3 years ago

Kakabirthday ko lang noong Sabado. Masaya naman dahil kumpleto kami ng pamilya ko. Walang handaan at nagluto lang ako ng kaunti para may konting pagsaluhan.

Natapos ang araw na iyon na sobrang sakit ng katawan ko. Siguro dahil sa pagod sa dami ng mga nagawa ko sa isang buong araw.

Matagal akong nakatulog sa gabi kahit sobrang antok ko na. Nakakapagod din pala mag birthday kahit walang handa. Haha!

Kinabukasan, nagdasal ako ng taimtim. Isang malaki at walang hanggang pasasalamat sa Diyos sa tinatawag nating Gift of Life. Isang bagong taon para sa akin.

Salamat sa bagong umaga binigay ni Lord sa akin. Ang mabuhay ng mapayapa at malusog sa kabila ng mga pangyayari sa labas ay nanatili ako at ang pamilya ko na ligtas sa sakit.

Nagpapasalamat ako at binigyan Niya ako ng panibagong umaga para harapin ang hamon ng buhay.

Ngayon masasabi kong isa na akong ganap na adult. Hehe. Mature enough kumbaga para harapin ang mas matinding hamon ng buhay. Kaya walang hanggang pasasalamat sa panibagong paksa ang aking bagong umaga.

Magandang araw!

8
$ 0.00
Sponsors of kat2x
empty
empty
empty

Comments

wow belated happy birthday and more birthday to come...

$ 0.00
3 years ago

Salamat.. Hehe.

$ 0.00
3 years ago