Para sa mga Magulang

0 5

Naantig ako sa isang tema kanina na nabasa ko. Tungkol ito sa "kabataan".

Minsan talaga mapapaisip ka kung matatawag pa bang pag-asa ng bayan ang mga kabataan ngayon.

Ang laking impluwensya ng makabagong teknolohiya ngayon sa bagong henerasyon. May positibo at negatibong dulot ito sa kanila.

Isa akong magulang. Nakikita ko sa maliliit kong anak kung paano sila nilalamon ng sistema.

Bilang magulang nag-aalala ako sa kanila. May mga ugali silang namumuo na hindi kanais nais nang dahil sa mga nakikita sa Internet. Kaya gumagawa ako ng hakbang nang habang maaga ay maagapan ko ang masamang dulot nito.

Sa mga magulang na nagbabasa nito. Tandaan natin na may Pag-asa pang mabago ang bagong henerasyon.

Magsimula tayo sa ating mga sariling tahanan. Sa atin din talaga magmumula ang mga pangaral na dapat nilang isaisip para nang sa ganon ay lumaki silang matino.

Huwag natin sisihin ang gadgets. Hindi ang Internet. Nasa atin ang control at kaya natin iwasan ito. Tayo ang may hawak sa buhay ng mga anak natin habang maliliit pa sila kaya tayo Rin ang sisisihin kung paano natin sila pinalaki.

Opinyon ko lang naman ito, pero diba may punto naman ako?

1
$ 0.00
Sponsors of kat2x
empty
empty
empty

Comments

ako na una magcocoment maam ha since related naman topic natin hehe,tama ka po nasa magulang talaga ang unang hakbang at kung paano nila palalakihin yung kanilang mga anak,,,yung mga internet gadget andyan lang yan anytime anywhere makikita nila yan pero kaya nating pigilan ang pagiging lulon nila sa mga gadget bibigyan mo lang sila ng limitasyon sa paggamit nito curfew ba hehe....

$ 0.00
4 years ago

Galing talaga sa post mo yung idea.. Hehe.. Nakarelate.. Pero tama naman diba? Nasa klase ng pagpapalaki din ng magulang yan kasi

$ 0.00
4 years ago

opo una po talaga sa magulang,diko lang po lubos maisip kung bakit pinapayagang ng iba especially sa mga university yung mga anak nila na sumali sa mga activities gaya ng rally na kung saan pwede mapahamak yung mga anak nila.... at yung school naman himbes na turuan ng maayos ay hinihikayat pa sila na magrebelde,,,tama ba yun,?

$ 0.00
4 years ago

Ewan ko nga ba.. Masyadong matatalino mga batang yan halos Di Na ma kapag isip ng maayos.. Siguro sa school may nakukuha sila sa mga pinaglalaban ng mga batang yan.. Sila siguro ang may gusto gnagamit ang kabataan kasi mas active at may mga guts..

$ 0.00
4 years ago

world of hope... Hope is the one thing can keep one pushing or holding on to something, believing that things would get better someday or somehow

$ 0.00
4 years ago

We just keep on believing.. We should never give up on our children. I hope you understood my point about parents raising their children.

$ 0.00
4 years ago

I would have loved to comment all that I want to, but sadly your article is not written in English. Please try and translate for all.

$ 0.00
4 years ago

This article is about parenting. We tag our new generation as our hope. Children are hopes of the future. This generation seems to be different. Children are addicted to gadgets and they don't even respect their parents anymore. It is a big impact of advanced technologies to most of our children today. They develop negative attitudes, bad mouthed their parents at early age. This shall have to stop. It will start with the parents.. That's why we as parents should be responsible enough to control our children in a good way. Parents should teach their children and limit the use of gadgets and Internet.

$ 0.00
4 years ago

Dapat nating mahalin at alagaan natin sila at syempre kailangan natin na paligayin at bigyan ng mgandang buhay..

$ 0.00
4 years ago

your article is so good. it's a unique story. thanks for everything

$ 0.00
4 years ago

tama ,ganyan din mga anak q ,napupuyat cLa kakafacebook o tiktok.. sumasali sa mga group kaya lagi dahilan sakin admin kc aq sa group nmin ,kelangan q tutok, . natututo na sila sumagot,at mgdahilan..yung isa nman nabababad sa mobile legend kaya napupuyat wla ng tayuan sa higaan eh basta mkapg umpisa mglaro, hndi mo na cla mautusan gumawa ng sari sarili nilang gawain sa bahay, nagiging tamad na 😥 napakahirap sawayin ,hndi nman kc aq namamalo ng anak , kaya ang ginagawa q pg nagigisingan q sa gabi at gcng pa cla kinukumpiska q mga cellphone.. ayan nagiging paraan q para mkaiwas cla mgpuyat

$ 0.00
4 years ago

Mabuti yan bigyan mo ng limitasyon at paluin mo Rin minsan kapag sumasagot sagot. . Disiplina naman yan eh. At may mga body points na pwede mo sila paluin like sa pwet o sa braso.. Wag lang sa may dibdib, mukha, likod at ulo.. Wag din padadala sa emosyon at baka mapuruhan..hehe.. Ako minsan lang din mamalo kapag napuno na sobrang galit ko na non. Tas maya maya ako din ang maiiyak sa ginawa ko pero Di ko pinapakita sa kanila.

$ 0.00
4 years ago