Naantig ako sa isang tema kanina na nabasa ko. Tungkol ito sa "kabataan".
Minsan talaga mapapaisip ka kung matatawag pa bang pag-asa ng bayan ang mga kabataan ngayon.
Ang laking impluwensya ng makabagong teknolohiya ngayon sa bagong henerasyon. May positibo at negatibong dulot ito sa kanila.
Isa akong magulang. Nakikita ko sa maliliit kong anak kung paano sila nilalamon ng sistema.
Bilang magulang nag-aalala ako sa kanila. May mga ugali silang namumuo na hindi kanais nais nang dahil sa mga nakikita sa Internet. Kaya gumagawa ako ng hakbang nang habang maaga ay maagapan ko ang masamang dulot nito.
Sa mga magulang na nagbabasa nito. Tandaan natin na may Pag-asa pang mabago ang bagong henerasyon.
Magsimula tayo sa ating mga sariling tahanan. Sa atin din talaga magmumula ang mga pangaral na dapat nilang isaisip para nang sa ganon ay lumaki silang matino.
Huwag natin sisihin ang gadgets. Hindi ang Internet. Nasa atin ang control at kaya natin iwasan ito. Tayo ang may hawak sa buhay ng mga anak natin habang maliliit pa sila kaya tayo Rin ang sisisihin kung paano natin sila pinalaki.
Opinyon ko lang naman ito, pero diba may punto naman ako?
ako na una magcocoment maam ha since related naman topic natin hehe,tama ka po nasa magulang talaga ang unang hakbang at kung paano nila palalakihin yung kanilang mga anak,,,yung mga internet gadget andyan lang yan anytime anywhere makikita nila yan pero kaya nating pigilan ang pagiging lulon nila sa mga gadget bibigyan mo lang sila ng limitasyon sa paggamit nito curfew ba hehe....