Pamilya Ordinaryo ay isang Pinoy Indie Film na ipinalabas nuong 2016. Nakita ko lang to sa Netflix kagabi.
The story is about teenagers na nagkaanak sa murang edad. At the age of 16 ang mga batang ito ay nanirahan sa kalye at duon na namuhay.
It portrays the lives of street children na walang mga magulang na gumagabay. Nabubuhay sa snatching, pamamalimos sa kalye at paghithit ng rugby.
Masaya sila bilang batang magulang kahit mahirap ang buhay. Simple, masaya, pero nasa maling pamamaraan. Makikita mo dito ang struggle ng bawat batang napabayaan sa kalye. Gagawin ang lahat para mabuhay.
Ang pelikulang ito ang magmumulat sa ating mga mata kung gaano ang ordinaryong tao minsan tinatrato ng mas nakatataas ang estado at mas may alam sa kanila.
Si Jane (bidang babae), isang batang ina. Kahit mahirap makikita mo ang determinasyon niyang arugain ang kanyang anak. Si Aries (bidang lalaki) na gagawin ang lahat para kay Jane at sa anak nila.
May isang baklang nagpakilala kay Jane. Pangalan nito ay Erthaa. Ginamit nito ang kanyang kahinaan - kahirapan. Mahirap sila, walang pera, kaya pilit siya nitong pinapautang. Tinanggihan niya ito ng ilang beses.
Isang araw ay dumating ulit si Ertha at pinilit syang bilhan nila ng mga gatas at diaper ang bata. Dahil hinayaan siyang mamili dahil sya ang mas nakakaalam ng mga kailangan nito, nag volunteer si Ertha na hawakan muna ang bata.
Habang nasa counter ay nagpaalam si Ertha na lumabas at magwiwithdraw lang dahil kulang ang perang pinahawak niya kay Jane.
Umalis ito bitbit ang bata at hindi Na bimalik. Sumunod si Jane para hanapin sila at hindi na niya ito nakita pa.
Nakarating sila kung saan-saan para hanapin ang tumangay sa anak nila. Nagpunta si Jane sa pulis, at dahil snatcher si Aries ay hindi siya nito nasamahan. Mag-isa siyang pumunta sa pulis at doon ay ipinakita kung paano tinatakot ang mga katulad niyang walang alam. Nasa murang edad pa lamang siya at mahina ang loob. Madaling matakot. Lumabas siya ng presinto na luhaan.
Nakarating sila sa mga radio stations at nainterview pa sa TV at dahil sa interview na iyon nawala pa ang pinakaiingatan niyang picture ng anak niyang si baby Arjan. Tinawagan pa sila ng ina ni Ertha pero pinagkaperahan lang din sila. Scammer din ang matanda. Nangsnatch pa silang dalawa para ibigay sa matanda dahil pinangako nitong ipapaalam sa kanila kung nasaan si Ertha at ang bata.
Hanggang sa may nagtext na nasa isang lugar ang bata at duon ibinenta. Pinuntahan nila iyon kahit malayo. Ang hirap ng dinanas ni Aries para makuha ang bata sa isang malaking bahay na iyon. Pero nang ibigay niya ito kay Jane ay hindi ito si baby Arjan. Siyempre bilang isang ina, alam niya kung sino ang anak niya.
Isinoli nila ang bata at tumakas ang dalawa na punung-puno ng kabiguan.
My POV / Reaction/ Opinion
This is a movie that portrays reality sa kalye. Sad but very true. Ganito talaga ang buhay ng mga batang walang guidance ng parents nila.
Mahirap, kaya kailangan dumiskarte kahit pa gumawa na lang ng masama sa kapwa para mabuhay lang. Ang nanay nitong si Jane ay isang sugarol at wala ding pakialam sa sarili niyang anak. Wala itong pag - aalala sa pagkawala ng sariling apo.
So, ganoon na lang talaga. They will take it as patay na ang bata o ibenenta na sa mayaman. So, hayaan na lang dahil mas mabuti pa ang magiging buhay nung bata sa bago nitong magulang.
Pero makikitang kahit sa murang edad ni Jane dahil ina siya kahit saan pa siya mapunta o kahit mangsnatch pa ng ilang beses ay gagawin niya makarating lang kung nasaan ang anak niya.
Sa lahat ng pinagdaanan nila from going to the police, to a radio station at TV, pagkatapos nilang makuha ang interesting story ng buhay mo ay wala ka nang pakinabang sa kanila. Pero wala pa ring nangyari. Walang nagmalasakit na tumulong at sa halip ay pinagsasabihan pa ng masasama. Kasi ang tingin ng mga tao sayo ay masama kang tao dahil sa kalye ka lumaki.
Ganyan kapag ordinaryong tao lang. Kung wala kang pangalan, wala silang pakialam. Masakit panuorin ang movie na 'to dahil ito ang katotohanan. Hindi ako street kid pero ramdam ko ang hirap at pangamba ng isang bata na naiiwan sa kalye. Dahil minsan din naman tayong naging bata. Dapat sa mga yan ay nag-aaral. Iyon nga lang depende rin yon sa mga nagpalaki sayo.
...sorry for the long post.. sana may aral ito sa inyo...
comment down sa may gustong magshare ng opinion nila.. ;)
That hurts... I think theres someone clenched my heart😢 As a mother, i never wanted my children to get hurt. How much more if that only baby you have was taken from you. I would do the same as Jane did. Isang sakit ng lipunan ang pagiging mapangmata sa kapwa at kawalan ng hustisya. Mababang pagtingin sa mga mahihirap at walang malasakit sa kapwa. Lahat ng di maganda sa paningin ay tinuturing na kaagad na masama o walang kabuluhan. Napasakit sa dibdib at pakiramdam ang nangyari kay Jane, di mo lubos maisip kung gaano khirap ang kanyang pinagdaanan para lang mahanap ang nawawalang anak. Pero walang napala sa bandang huli😢🤦♀️😢😢