Paglisan
"People come and go" Teka nga, pa'no ba tagalugin to @siopao ? Lahat sa buhay ay dumaraan; Kaibigan man o kasintahan Minsan nawiwili; Kahit sila'y 'di nanantili Masakit man sa damdamin; Kailangan tanggapin May mga bagay na hindi pang habambuhay Tulad ng pangako, na minsan nang napako Huwag pagkatiwalaan mga salitang iyan Bagama't may katotohanan pero di pa rin maiwasan Mga nag-aabang sa kapaligiran Ang tukso ay mapanlinlang Gagawin ang lahat makuha ka lang Ika'y mabubulag at makakalimot Sa isang iglap, iba na ang kayakap. Ika'y tao lamang at nagkakamali Dama ko ay sakit na di maikubli Sa isang sulok ako ay nalugmok Ngunit kailangan ikaw ay pakawalan Ako'y magiging masaya para sa kanya Maaaring may nawala ngunit may darating pa Hindi mawawalan ng Pag-asa Na matagpuan ang sarili kong saya Hindi ikaw ang tamang tao Ika'y isa lamang instrumento Na minsang nagbibigay ng kulay Ngunit sa huli ay leksyon sa buhay. Balang araw, sa takdang panahon; Ako ay muling babangon At haharapin ang bagong hamon Muling makakasalamuha, ang papawi sa aking luha. Hindi ito pacontest pero sana samahan niyo kami... Iniimbita ko kayo @Yen, @Jane, @luffytaro , @Jdine, @esciisc @Jeaneth @Sarahmay .. at kung Sino pa man ang makakabasa nito, na sumali sa batuhan namin ng linya ni @siopao 😂 .. Labas mga makata! 🤣🤣🤣😁😁
22 comments
Hahahaha wow ang lakassss po ng banat. 😆👏🏻👏🏻👏🏻
Sali ka din para masaya.. 😊
I'll try. Hahaha medyo madami pako iniisip hahahahaha. Salamat sa pag anyaya. Susubukan ko. 😇
Nako nako. 😅 Gustohin ko man sumali pero mahina talaga ako sa poetry. Pass muna ako dito po. Hihi
Sa tingin mo OK ba yung idea? Itong si @siopao newbie pero hasang hasa sa pagtula. Lakas bumanat.. Hehehe..
Yes, okay naman. It inspires other users to show their creativity in poetry din. Bisaya kase ako kaya nag ci cringe ako mag tagalog 😆 Poetry isn't my thing din kaya di ako maka relate. Hihi
Aw diay ba? Daghan man diay bisaya pod diria.. Hehe.. Bisaya man pod ko sis. Pero OK lang yan may mga ilang sa tagalog pero mas ma galing mag English. Hehe
Hehe. Diay tuod sis ba. Mao gyud, di ko maayo og tagalog gyud. Aha imong province?
Zamboanga del Norte, ikaw? Hehe.. Naa man ta bisdak community diri wa man kaayo na nagpost didto. Nice pod bya ang feeling ning naa tay makaila diri nga parehas nato bisaya.. Heheheh
Hehe. Bitaw ay. Taga Bukidnon ko. Naa ko nailhan bisaya dri dghan pud. CDO, Davao og Cebu. 😅 lage, mingaw ang bisaya community. Kita kita rman makasabot gud, wala kaayo audience.
Oh em. Aking susubukan gumawa ng isang tula. Ngunit hindi pa sa ngayon kasi akoy abala pa 😅
Hehehe.. Sige alam ko naman hindi ka pa ata tapos sa notifications mo.. 😂
Tapos ko na hahaha
ay wow magkakilala pala kayo ni siopao... teka pagiisipan ko to. hahaha
Nakita ko sya sa post mo.. Binasa ko mga post niya so yun na trigger yung poetic side ko. Hahaha! 😂
hahaha baka meant to be ahaha charrrr
Panu tong batuhan ng linya? Haha.. but I'm not a makata.. haha . Mas nosebleed ako sa tagalog ata kesa englisss... 😂
parang fliptop lang..hahah! pero may mga lines na pwedeng sang ayon sa tula or pwede rin kabaliktaran sa sinasabi ng tula niya..heheh
Wala ata akong time magcompose ng tula.. hndi ako mgaling sa tula.haha . Basa2 nlng ako ng batuhan nyo ng linya. pro ayos to ah.
Haha! OK lang.. Sana maenjoy kayo.. Heheh
Oo naman..daming makata dto...haha
haha ang galing! Pero pasensya na, di kasi ako kasing galing ninyo pagdating sa pagsulat ng tula.