Ito ay isang kakaibang pagkain na bihira lamang nakikita sa ating hapagkainan. Ang tatay ko ay isang ilocano at marahil ay ito ang mandalas nilang kinakain doon sa kanilang probinsya sa Nueva Ecija.
Maraming malunggay kahit saan kaya madali mo lang mahahanap itong pangunahing sangkap na gagamitin natin sa pagluluto.
Simulan na natin.
Mga sangkap:
500 grams karne ng baka (pwedeng kahit anong klaseng karne) hiwain ng manipis
10-15 piraso bunga ng malunggay (balatan at hiwain ng 2.5 inches)
1 piraso sibuyas (chopped)
5 cloves bawang (chopped)
2 kutsara toyo
1 piraso kamatis
1/2 kutsaritang durog na paminta
500 Ml tubig
Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
Ilagay ang karne ng baka.
Maglagay ng toyo at kaunting paminta. Maaaring maglagay ng kaunting asin pandagdag lasa.
Ilagay ang bunga ng malunggay at halu-haloin ng ilang minuto.
Ibuhos ang tubig at takpan.
Hayang kumulo ang sabaw hang gang maluto ang bunga ng malunggay.
Ganoon lang kadali ang pagluluto. Subukan at tikman ang kakaibang panlasang pinoy na ito ng mga ilocano.
Wow,.. naku ang sarap nyan..at masustansya pa, gustong gusto din yan ng mga anak ko,. Sayang lang at bihira nalang ang ganyan, sobrang miss ko na kumain nyan..