Ginisang Bunga ng Malunggay

3 119
Avatar for kat2x
Written by
4 years ago

Ito ay isang kakaibang pagkain na bihira lamang nakikita sa ating hapagkainan. Ang tatay ko ay isang ilocano at marahil ay ito ang mandalas nilang kinakain doon sa kanilang probinsya sa Nueva Ecija.

Maraming malunggay kahit saan kaya madali mo lang mahahanap itong pangunahing sangkap na gagamitin natin sa pagluluto.

Simulan na natin.

Mga sangkap:

500 grams karne ng baka (pwedeng kahit anong klaseng karne) hiwain ng manipis

10-15 piraso bunga ng malunggay (balatan at hiwain ng 2.5 inches)

1 piraso sibuyas (chopped)

5 cloves bawang (chopped)

2 kutsara toyo

1 piraso kamatis

1/2 kutsaritang durog na paminta

500 Ml tubig

  • Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.

  • Ilagay ang karne ng baka.

  • Maglagay ng toyo at kaunting paminta. Maaaring maglagay ng kaunting asin pandagdag lasa.

  • Ilagay ang bunga ng malunggay at halu-haloin ng ilang minuto.

  • Ibuhos ang tubig at takpan.

  • Hayang kumulo ang sabaw hang gang maluto ang bunga ng malunggay.

Ganoon lang kadali ang pagluluto. Subukan at tikman ang kakaibang panlasang pinoy na ito ng mga ilocano.

4
$ 0.00
Sponsors of kat2x
empty
empty
empty
Avatar for kat2x
Written by
4 years ago

Comments

Wow,.. naku ang sarap nyan..at masustansya pa, gustong gusto din yan ng mga anak ko,. Sayang lang at bihira nalang ang ganyan, sobrang miss ko na kumain nyan..

$ 0.00
4 years ago

Mabuti pa mga anak mo kumakain ng mga ganito..hehe. Marami dito sa amin kasi nagtatanim ng malalaking puno ng malunggay papa ko

$ 0.00
4 years ago

Ou.. nag aagawan pa sila pag ganyan niluto ko.. dto kase madalang na mga tanim na malunggay.. kung meron man wala naman bunga..

$ 0.00
4 years ago