Certified Plantita

11 111
Avatar for kat2x
Written by
4 years ago

When you're at home, you'll be eaten by boredom, good thing people are smart. We always find ways to fight boredom. Marami sa atin ang nabagot inside our homes kaya naman, especially Filipinos, maraming naiisip gawin.

Naging innovative talaga ang mga tao kapag wala nang ibang magawa. Iyong iba naman they discover their hidden talents nang dahil kay Covid-19. Suddenly, nagkatalent iyong mga wala masyadong alam gawin.

First thing I noticed sa social media, people are posting food innovations. Tayong mga pinoy, ang dami nating alam. We still manage to smile kahit mahirap ang buhay, we are still able to create "bongga" meals out of our food ayuda from the government. Gaya na lang ng pancit canton carbonara, ngayon lang naman lumabas ang iba't ibang pancit canton recipes dahil galing 'yan sa isang bored netizen. Tapos ngayon nasa commercial na.

Later on I noticed that baking ingredients have become scarce. Walang butter, walang vanilla extract, etc., pano na little cake business ko? Baking has also become a trend kaya I tried to find ways to be able to continue kahit kulang ang mga ingredients na kailangan. So far nakahanap naman ng paraan.

Ito na ang pinakamatinding uso this pandemic. Plants. Napansin ko lang may mga nagpopost on social media ng mga plants in a pot. Ang mamahal ng price nila. Minsan natatawa na lang ako sa sobrang mahal, eh, nakikita ko lang dito sa paligid ang mga klase ng halaman na iyon.

Sa haba ng lockdown, ibinuhos ng mga tao ang atensyon nila sa pagtatanim, which is nakakabuti naman din. Pots and plants are becoming pricey. Kinagat talaga ng madla ang trend ng pagtatanim. People are exchanging different types of plants around the internet. They're calling themselves "plantita" and "plantito".

Ngayon ko lang narinig ang term na iyan. What does it mean?

So I browsed google and found out that "plantita" is a spanish word for small plants. Tugma na man sa terminology dahil small plants naman talaga ang mostly tinatanim sa pots.

And what about plantito? Well, may nakita akong post which is sa tingin ko ay imbento lang din ng mga Pinoy. We Filipinos refer plantita and plantito as a person who grows plants. Plant - tita is a female person who grows plants from the word "tita" which means lady or auntie; Plant-tito is a male person who grows plants from the word "tito" which means man or uncle. Saan ko ba galing ang definition na ito? Well, nakita ko lang din. Haha! 🤣🤣

My mother and even my aunts and cousins were crazy over plants. I don't even know the names of the plants. Mostly, they collect types of caladium and succulents. Now, they're starting to collect different types of medicinal herbs.

One time I saw a post on Facebook, "amorseko" in a pot with a price tag of Php 1,500.oo that's about $30-$35. Amorseko or crabgrass or some call it lovegrass is a type of wild grass that can be annoying when it sticks to your pants. Lol! Damong ligaw lang talaga siya, sabi ni Wikepedia. Haha! 😂 But I think the post is intended for fun lang. It was just a joke, just to exaggerate the addiction of our mothers to plants.

People call themselves Certified Plantitos and Plantitas. How do you know if you are one? You'll know if you have a number of indoor and outdoor plants. When you wake up in the morning and first thing that comes to your mind is caring for your plants. You have different types of small and large potted plants. And most especially when you tend to have fun and that if the plants gives you happiness.

Most of our plantitos and plantitas arrange their plants based on their creative minds. They decorate it all over the house. It's their fun way of beautifying their homes.

We left home two months ago and was not able to return because of the growing number of positive Covid-19 cases. Checkpoints were re-installed so we cannot pass since we have kids. When we got the chance to pass the checkpoint, we didn't hesitate to come home at ito na nakita ko. Our terrace almost covered with plants. Naging forest na. Lol!

Here are some cute flowers from the garden.

Lahat na yata nahilig sa pagtatanim pero wala talaga sa linya ko. Hanggang picture na lang kasi I'm too busy to do these things. Mas gusto kong magcraft ng planters kaysa magcollect ng plants.

Pati memes kinain na din ng sistema. Haha! Here are some memes na nakita ko sa Facebook.

... kapag naubusan daw ng kanin o ulam, ito na lang daw plants ni mama... 😂😂

screenshot taken from Facebook
taken from Facebook

... kung plantito c boyfie wag na wag kang maghahamon dahil mas mahal niya ang plants niya 🤣😜...

7
$ 3.86
$ 3.81 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @esciisc
Sponsors of kat2x
empty
empty
empty
Avatar for kat2x
Written by
4 years ago

Comments

Nakakatawa talaga oo... Ako maliit lang space namin sa terrace tsaka walang gate kaya di ko madispleyan ng succs kahit gusto ko kasi sisirain lang ng aso at manok ng kapitbahay.. 😅 Sa likod bahay na lang para munting gulayan.

$ 0.00
4 years ago

Hahaha my mom also certified plantita even in our kitchen she has a plants.. But all we have to do was to support her because shes kind of sensitive, sometimes when stopping her to buy again another plants.

$ 0.00
4 years ago

The last photos you showed were so hilarious. Haha 😆 sabay sa uso ang iba, bili ng bili pero namamatay naman ang halaman. Sayang ang pera and kawawa ang halaman. Si papa, may green thumb din. Ang kanyang tinatanim naman ay mga prutas. Mangosteen, Lansones, Rambutan. 😍

$ 0.00
4 years ago

Wow, andame nga,hahahah. I'm also certified plantita. Kahit sang bahay ako magpunta, panigurado na pag uwe ko may bitbit akong halaman, hahahaha.

Did you know that you can talk to your plants? Ako kasi kinakausap ko lalo na yun mga flowering plants, sinasabihan ko na dapat mamulaklak na sya para pretty na, and effective.

You should also try magdilig with vetsin. 1pc of vetsin, yun tig 3 pesos, halo mo sa isang maaking balde, yun pandilig mo lalo na sa flowering plants, 3x a week, super effective.

$ 0.00
4 years ago

Ano mangyayari pag ganon? Ang daming tricks ni papa sa pagtatanim ako hanggang dilig lang..pero ganon din ako pag nagdidilig kinakausap ko iyong halaman.. Hehe..

$ 0.00
4 years ago

Tataba yun mga halaman saka di mawawalan ng bulaklak yun mga flowering plants, pampabulaklak yun vetsin..

$ 0.00
4 years ago

Ganyan din si mama hahaha. Nung bumagyo nga at bumaha, yung mga tanim niya unang pinalinis at transfer sa amin after mawala yung baha. Pinagtatawanan ko nga at sabi ko buti na lang nakaligtas yung mga gabi niya, which is yung caladium yata yun at pag wala na kaming maiulam yung na lang lutuing gulay hahahahha inis na inis si mama 😂

$ 0.00
4 years ago

Hahaha! 🤣 Oo caladium tawag sa mga iyon.. Ako nga dati sinubukan ko itanim ying seeds ng dragon fruit ginaya ko lang sa youtube. Tumubo talaga sya ang dami, ang saya ko. Pero biglang bumaha at wala kami non walang naisalba sila papa nawala yung mga dragon fruit ko.. Pot na lang ang natira.. Hehehe 😁

$ 0.00
4 years ago

Sa bahay si papa ang plantito..my green thumb yun. Lahat ng tinatanim tumutubo.. Labas ng bahay nmin puro halaman .sa farm dn namin sya lng nagtanim dun mga prutas at gulay

$ 0.00
4 years ago

Papa ko din mahilig mag garden. In fact mga gulay na kinakain namin sa bahay freshly picked from the garden. Kaya gustong gusto ko sa bukid kasi sariwa na ang hangin fresh din ang mga gulay at fruits.. Hehe.. Lahat tanim ng parents at grandparents ko.. Hehehe

$ 0.00
4 years ago

Ganun dn samin. Minsan gulay galing sa farm..dati nga sa likod ng bahay nmin my malalaking upo at patola..kaso wala na ngayon nirenovate bahay nmin sa farm nlng.. Malaking tulong narn kc bawas gastusin sa pamamalengke

$ 0.00
4 years ago