Welcome to the world ..
Isang munting anghel ang dumating sa buhay naming mag-asawa, Masayang masaya ako nung nakita ko yung anak ko sa unang pagkakataon, halos di nga ako maka-paniwala na tatay na ako, kay saya tignan dahil yung dating baby na sumisipa sa tyan ng asawa ko ay nasa harap ko na.
Nagpapa-salamat rin ako sa Panginoon na hindi nya pinabayaan yung mag-ina ko, halos isang araw ang labor, nakaka-tuwa magkaroon ng anak pero sobrang kabado ko nung nag-labor na yung asawa ko yun yung araw na halos wala talagang tulog na maayos dahil maya't maya ang pag-sakit, ma-swerte nalang ako sa asawa ko at hindi ako nabugbog habang nag lalabor HAHAHA.
Ngayong tatay nako mas lalo pa akong nag-sisikap hindi lang para sa sarili ko kundi para sa pamilya sa na binuo ko at syempre patunayan sa mga magulang ko na may pangarap din ako.
Ito yung unang karga ko hindi ko pa alam kung paano sya bubuhatin natatakot ako na baka mapilayan ko, kaya ang ginagawa ko kapag umiiyak gigisingin ko mama nya para lang buhatin at ipasa sakin para lang makarga ko at syempre kunting sayaw sayaw para maka-tulog.
Ito pa yung unang sinok akala ko nung una joke joke lang yung pag lalagay ng puting papel o sinulid sa noo ng sanggol para lang mawala yung sinok nung nkita ko yon sa tropa ko natatawa pa ako pero nung nangyari sakin dun ko lang nasabi na effective din pala HAHAHA.
Ngayon 1 month & 8 days kana ang bilis ng pag-babago mo paunti-unti kanang nag papa-cute at nagiging pasaway haha hayaan mo naka-ready na yung mga laro mo sa computer, syempre may kalaro narin ako sa mga online games pero bago yon aral muna okay lang kahit hindi mataas yung grades ang mahalaga ma-enjoy mo ang buhay mo hindi kita i-prepressure sa pag-aaral basta gawin mo lang best mo.
At saking asawa MAHAL NA MAHAL KITA kung nawawalan man ako ng oras para sa inyong dalawa ng anak natin tandaan mo hindi sa babae nauubos oras ko, kundi sa pag-aaral ng trading at extra income thru internet dahil hindi sapat ang yung pagiging empleyado lang para lang mapunan ko yung mga pangangailangan nyo.
Hayaan mo kunting tyaga lang makaka-ahon tayo ..
Makakapag-patayo tayo ng sariling nating bahay
Makaka-bili tayo ng motor
Makakapag-bayad din tayo ng utang
Makaka-bawi din tayo sa magulang natin
Basta lahat ng pangarap at plano natin matutupad yan ng mag-kasama tayo nagiging mahirap man ang daan pero pangako hindi ko kayo papabayaan dahil pamilya ko kayo at Mahal na mahal ko kayo ni Baste.