Hello guys every morning pang break the fast namin ni hubby itlog at coffee agad yan. Kanina 9 na ako kumain nakuha ko yong goal kong 18 hours fasting. Bale kahapon ang hapunan ko mga 3pm. Tapos luto itlog. Ako ang type ko sa itlog yong malasado or soft siya talaga kaya 7 minutes pakulo, kay hubby naman gusto hard boiled talaga kaya 9 minutes pakulo, inu orasan ko talaga yan tapos coffee di gaanong black sa akin kay hubby as in matapang talaga as in mag kaiba kami ng gusto. Ahahaha pero heto magkasama pa din for 48 yrs. Kayo mga Ka noise.app mates ano gusto ninyo sa itlog ninyo?
7 comments
Ganyan din gusto ko sis malasado kaso lagi mo naluluto yung yellow pag nilalaga ko hihi
Orasan mo Sis 7 minutes perfect siya
Kaso yung balat po nadikit ayaw ko po ng ganun hihi
Gusto ko din malasado. Magkaiba din kami ng gusto ng partner ko pero magkasama pa din haha.
Kaya eh no, kahit aso at pusa nandito pa din ang relation
Mas gusto ko rin malasado lang pagkaluto sis mas masarap siya.
Oo nga eh for me sarap talaga malasado