Paano kung nahulog ka sa bitag ng pag ibig? Paano na kung mapatid ka sa pagmamahal na akala mong para sayo na? Paano mo masosolusyunan ang problema ng pag ibig? Trending sa bawat sulok ng Pilipinas ang kahit anong materyal, berbal man o pisikal basta may kinalaman sa pag ibig. Kahit sino naman siguro ay makikipag-kibit balikat sa mga taong may karanasang masaya man o malungkot pagdating sa pag ibig. Dala din ng paglaganap ng "Social Media" ay ang pagbilis ng pagpapasa pasa ng mga istoryang ito. Maliban sa mga status sa facebook o twitter ay ang hindi maikakailang pang araw-araw na sitwasyon ng bawat isa.
Unrequited love
Hindi mo naman siguro maitatanggi na dumaan sa punto ng iyong buhay na masasabi mong "crush" mo ang isang tao. Pero paano kung ang simpleng "crush" ay naging mahal mo na pala sa isang iglap? Paano mo sasabihin sa kanya ang bagay na ito? Siguro nagtapat ka sa kanya sa pag akala ng masusuklian ang mga nararamdaman mo. Pero kabaliktaran ang nangyari dito at naiwan kang umiiyak at nasasaktan. Paano mo nga ba masusulusyunan ang mga ito? Simpleng simply lang: 1) Hayaan mo ng umiyak ang iyong sarili para mawala ang lahat ng sakit. 2) i distansya ang iyong sarili sa taong iyon. 3) Gawin mong inspirasyon ang nangyaring iyon sa iyo upang mas maging matalino sa pag ibig.
Friend zoned na naman
Ang gaan siguro sa pakiramdam na may close ka na kaibigan. Kasama sa bawat sandaling masaya, malungkot at kung ano pa diyang maisip ninyong gawin at maramdaman. Pero sa dami ng inyong pinagdaanan na itanong mo na din ba sa iyong sarili na "pwede bang maging kami?" siguro ang iba sa inyo sasagot ng "oo" at ang iba naman ay "hindi kasi friends nga lang eh". Pero kung ang sagot ninyo ay oo at na "friend zoned" ka nga siguro di naman masamang tanggapin na "hanggang kaibigan na lang talaga." Dapat siguro turuan ang sarili na maging masaya kasama ang ibang tao kahit wala siya. Huwag gawing basehan ang mga nangyari upang mawala ang iyong pagkakaibigan dahil di naman kawalan ang lahat.
In a relationship pero nagloko ang isa
2 years and going strong #TeamForever. Ito pala ang caption ninyo ng kasintahan mo nung last upload mo na ng picture na magkasama kayo bago nangyari ang hindi inaasahang hiwalayan. Nalaman mong meron pala siyang iba at doon nagsimula ang paglabo ng pag-iibigan na noon ay kay tamis. Magpapa-apekto ka ba sa nangyaring ito at magmukmok nalang sa isang tabi? Laging isa-isip na hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Sabihin sa sarili na hindi siya kawalan at laging ngumite. Hindi naman siya siguro babalik kang iiyak ka ng ilang baldeng luha. Ipakita mo sa kanya na kaya mong haharapin ang bawat araw ng masaya kahit wala siya.
"SABI NILA KAPAG MAHAL MO, LAHAT GAGAWIN MO, LAHAT IBIBIGAY MO, PERO PAANO NA KUNG HILINGIN NIYANG PALAYAIN MO NA SIYA? MAIBIBIGAY MO BA KAHIT MAHAL MO PA SYA?"
Mahal ka nya pero may mahal kang iba
Nandito na naman tayo sa pagkakataon na ito na sasabihin natin sa ating sarili na "pwede bang dalawa nalang silang piliin ko?" Pagkatapos ng mga katanungan mong ito sa iyong sarili ay sabay ka naman magpatugtog ng hugot na kanta na "sana dalawa ang puso ko." Maikling panahon lamang ang panahon upang pag isipan mo kung sino nga ba sa kanila. Kay daming tanong ang tumatakbo sa iyong isipan ngunit ikaw lamang ang makakapagbigay liwanag sa lahat ng ito. Isiping mabuti kung sino ang pipiliin at huwag gagawa ng bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli.
Gusto niyong maging kayo pero strict ang parents ni girl
Nagpaplano ba kayong maging more than friends ngunit gustong maging legal sa mga mata ng magulang? Tamang tama ang inyong naisip at magandang ehemplo para sa lahat ng mga couples diyan. Pero kung pinagsabihan kayo na hindi muna pwede, eh di nga naman talaga pwede. Siguro focus na lang muna kayo sa pag-aaral at saka na iyang relationship goals ninyo. Kung mahal nyo ang isat-isa, makakapaghintay kayo sa panahon kung saan okay na ang lahat.
Tamang pag-ibig sa maling oras
Karaniwang nangyayari lang ito sa mga pelikulang pinagbibidahan ng "KathNiel","LizQuen" o "JaDine" pero hindi parin maitatanggi na nangyayari ito sa buhay ng ordinaryong tao. Kung pinagdadaanan o napagdaanan mo na ito, mainam siguro na huminahon ka at tingnan ang lahat ng iyong pwedeng pagpilian. Mabuti din na pag-usapan ninyong dalawa upang mas maging makabuluhan ang iyong mabubuong desisyon. Maling mangyari pero dapat na tanggapin.
Gusto mo sya gusto ka niya pero nahihiya ang sabihin sa isa't isa
Akala ninyo siguro na unrequited love at umiiyak ka na. Hangga't hindi mo pa nalalaman ang kanyang sagot ay hindi ka dapat tumalon sa kahit anong espekulasyon. "Formally open up your feelings", para di naman awkward ang sitwasyon para sa inyo. Ipunin ang lahat ng inyong damdamin at gawin itong basehan upang iudyok ang inyong mga sarili na magtapat ng tunay na nararamdaman. Kung hindi mo ito gagawin eh baka hindi ka makatulog sa kakaisip kung ano nga ba ang sagot niya. In worst case scenario, baka magsisi ka at makita mo siya na masaya na sa piling ng iba.
Di kontento sa isang babae lamang
Tol! Nambababae ka ba dahil sa tingin mo astig ito at ginagawa din ito ng buong barkada? Ipinagmamalaki mo ba ito sa napakaraming tao at ipinagmamayabang na marami ka ng nakolekta? Astig man ito sa inyong paningin ngunit naisip mo din ba ang side ng babaeng nadadamay sa pinag gagawa mo? Bigyan sila ng konsiderasyon dahil sa una pa lang wala silang kinalaman. Kung meron ka ding kapatid na babae at ginagawa mo ito, isipin mo din kung gawin din ito ng ibang lalaki sa kapatid mo. Matutuwa ka ba at hahayaan mong maging "koleksyon" na lamang siya? Isipin lagi ang mga bunga ng lahat ng bagay na iyong ginagawa dahil may malaking epekto ito sa taong ginagambala mo.
Gusto ng jowa pero looks ang hanap
Normal lang naman siguro na maghanap tayo ng kasintahan maganda oh gwapo pero abnormal ka na kung ito lang ang basehan mo. "Beautiful inside and out". Ito naman talaga ang mainam na hanapin kasi anong gagawin mo sa panlabas na anyo kung umasta siya parang halimaw naman. Picture yourself 10 years from now kasama ang magandang mong asawa. Kung hindi naman siya mabait, paano mapipilit na pakisamahan siya sa kabila ng kanyang ugali. Sa bandang huli dapat kumpleto sa rekado ang taong bubuo ng inyong araw.
LDR ano ka na nga ba?
Karaniwang ganito ang kinahaharap ng mga taong nasa relasyon. Milya-milya ang layo ninyo sa isa't-isa at minsan nakakapagtanto ka na hindi na tama ang lawak na namamagitan. Para labanan ang mga side effects ng LDR, 1) panatilihin ang komunikasyon sa pagitan inyong dalawa upang mabawasan ang pangungulila sa isa't isa 2) magtiwala lang kayo na malalampasan ninyo ang lahat at huwag magpadala sa bugso ng damdamin at 3) isipin na nasa tabi nyo ang isa't isa. Sa mga simpleng paraan na ito, tumpak na matatalo niyo ang maraming pagsubok na ibibigay sa inyo.
~~~
Sa kabila ng lahat ng pait na maaari mong maramdaman kapag nagmahal ka ay hindi mo pa rin maitatanggi na ang pag-ibig ang pinakamasayang damdamin sa lahat. Kung sa tingin mo na puro sakit lang ang maidudulot sa iyo kapag nagmahal ka, diyan ka nagkakamali. Buksan mo ang iyong puso at isipan at huwag hayaang maging dahilan ang iyong madilim na nakaraan upang ipagdamot sa iyong sarili ang tamis ng bagong bukas - "To not love is more painful than not having love." Ingatan ang puso ngunit panatilihin itong puno, puno ng iyong pagmamahal.
Like, share and subscribe!
Na experience ko na yang nag cheat ang partner ko.