Maikling Kwento: Pangarap

5 243
Avatar for jshidg
Written by
4 years ago

SHORT STORY: Dream

Note: This is not translated in English.

Photo courtesy: Brainly.Ph

"PANGARAP"

Ni: Roselle P. Dela Peña

Kahirapan ang nagbibigay pasakit kay Jovel na dati-rati ay wala silang inaalalang suliranin. Maayos sana ang buhay nila noon, nakahit anong hilingin niya ay agad-agad masusunod. Subalit dumating ang hindi inaasahang pangyayari nagkaroon ng isang trahedya at ang kanyang ama ay pumanaw. Bitbit na sana niya ang kanyang diplomang inaasam ngunit tumigil na lang muna siya sa kanyang pag aaral upang tumulong nalang muna sa kanyang ina sa paghahanapbuhay upang makapag aral ng tuloy-tuloy ang kanyang mga kapatid. Panganay siya sa apat na magkakapatid kaya simula noong pagkawala ng kanilang ama ay siya na muna ang katuwang ng kanyang ina sa paghahanap buhay at pag aalaga ng kanyang mga nakababatang kapatid. 

"Inay makakapagtapos pa kaya ako?" Tanong niya sa kanyang nanay. "Anak hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito tayo, may awa rin ang Diyos basta't maniwala lang tayo sa kanya, Dahil ang bawat pagsubok ay may kaakibat na kaginhawaan kung ito ay iyong malalagpasan," tugon ng kanyang inay sa kanya. "Ano na lang kaya kung mamasukan ako ng trabaho sa maynila? Upang sa ganon makakatulong ako sa pag aaral ng mga kapatid ko sa pang araw-araw nilang gastusin sa eskwelahan doon kasi mas malaki yung kikitain kesa dito." "Salamat anak! Pero bata kapa para magbanat ng buto at makapagsapalaran doon sa manila. Alam mo naman kung ano ang magiging sitwasyon mo kapag nadodoon ka sa isang malayong lugar wala kang malalapitan at makakapitan kundi ang sarili mo lang paano nalang kung magkaroon ka ng karamdaman doon sino nalang ang mag aalaga sayo, hayaan mo nalang muna akong magpuno ng pangangailangan natin."

Isang araw, nakita niyang malungkot at nag iisa ang kanilang bunsong kapatid. "Bunso anong ginagawa mo riyan bakit ka nag iisa at ang lungkot lungkot pa mo pa, may problema ka ba ?" Tanong niya sa kanyang bunsong kapatid. "Wala po kuya may iniisip lang po ako." Tugon ng kanyang bunsong kapatid. "Ano naman yang iniisip mo?". Tanong niya ulit sa kanyang bunsong kapatid. "Iniisip ko lang kuya kung sakaling hindi agad nawala ng maaga sa atin si papa siguro hindi tayo naghihirap ng ganito sana nakapagpatuloy ka ng iyong pag aaral sana naabot mo na yung mga pangarap mo sa buhay". Tugon ng kanyang bunsong kapatid. "Ano ka ba bunso wag mo ng isipin yun, ako nga hindi ko iniisip ang mga bagay na yan dahil umaasa ako sa kasabihang "habang may buhay may pag asa" basta ang mahalaga ay nakakapag aral ka. Kaya ayusin mo yang pag aaral mo dahil kung hindi ko man siguradong maaabot pa ang mga pangarap ko gusto ko maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay."

Ang pagkakataong makapag-aral ay minsan na rin sumagi sa kanyang isipan ngunit wala talagang sapat na pera upang makapag aral siya ulit. Kaya napagdesisyunan niya nalang talaga na pumunta ng maynila upang doon magtrabaho kahit labag ito sa kalooban ng kanyang ina.

Nagtrabaho siya sa manila para sa kanyang pamilya at para na din sa pangarap ng kanyang mga kapatid na makapagtapos ng pag aaral. Nakakatatak na kasi sa kanyang isipan kung gaano kahirap at nakakapang hinayang ang isang bagay na iyong pinapangarap ngunit hindi ito matutupad. Ayaw niyang maranasan ito ng kanyang mga kapatid kaya hinayaan niya na lamang na ang mga kapatid niya ang tumupad ng kanyang mga pinapangarap.

_________________________________________________

REPLEKSYON: ni JSHIDG

“PANGARAP”

Ni: Roselle P. Dela Peña

Ang ganitong kwento ay normal na sa tunay na nangyayari sa ating lipunan, ang isakripisyo ng isang kapatid lalo na ng mga panganay ang kanilang pag-aaral upang ang mga nakababatang kapatid ang makapag patuloy nito. Naghahanap sila ng mga trabaho upang makatulong sa pangtutustos sa pamilya sa mga pangangailangan partikular sa mga gastusin sa pagkain, kuryente at sa pag-aaral. Masakit man para sa mga ganitong mga nakararanas ng sitwasyon na tanggapin ang nangyayari sa kanila, kailangan nilang kumayod upang labanan ang bagsik ng kahirapan. May mga pagkakataon na hindi na nila naitutuloy ang pag-aaral dahil na rin sa paglipas ng panahon may iba naman na pinipilit itong maabot gayunpaman hindi ko maiaalis ang pagsaludo sa kanilang katapangan, katatagan at pagmamahal sa pamilya.

_________________________________________________

I remember this is only one to many stories with our own reflection I submitted for the final project in the Filipino subject.

I still remember writing the reflection during school party hahaha. Yes I did enjoy the night but I need to work it so still there's a progress even I still many days for the submission.

_________________________________________________

THANK YOU FOR READING :---------)))

2
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder
Sponsors of jshidg
empty
empty
empty
Avatar for jshidg
Written by
4 years ago

Comments

We are still lucky na nakakapag-aral tayo. Kaya, wag natin sasayangin yung chance na meron tayo. Let's all claim it! We will be professionals someday.!

$ 0.00
4 years ago

we'll gonna make it, maaabot din natin yung mga pangarap natin

$ 0.00
4 years ago

Yes naman. In Jesus Name

$ 0.00
4 years ago

Amen. Atin na yun syempre nakuha na natin through prayers!! In Jesus' Name!

$ 0.00
4 years ago

yes naman!!!

$ 0.00
4 years ago