Tuwing umaga sa pagpasok ko sa ekswela'y nakakasabay ko ang mga taong nagmamadali, nakikipag unahan at siksikan sa mga pampublikong sasakyan. Ang mga lalaki'y naka itim na pantalon, may mga suot na polo at may mahahabang manggas. Ang mga babae naman ay nakapalda, kadalasan ang iba'y naka blazer. Masasabing sila ay papasok sa mga opisina, sa mga call center at iba pa. Hindi lang sa kanila umikot ang mga mata ko, napapansin ko rin ang mga karpintero, mga guro, at ilang mga trabahador ng mga sikat na mall. At sa kanilang pagtatrabaho ay nagmumula ang malaking porsyento ng tinatawag nating buwis.
Ang buwis ay salaping kinakailangang bayaran ng isang tao sa pamahalaan upang matugunan nito ang pangangailangan ng bansa sa pamamagitang ng pagbibigay ng Serbisyong Publiko. Ito ay isang inaambag na paglilingkod/gawain na isinasagawa ng isang pamahalaan o isang institusyom para sa kapakanan ng isang pangkat o madla. Upang mas maintindihan, ang serbisyo ay tumutukoy sa pabibigay o paggawa ng isang bagay o serbisyo sa iba na may partikular na pangangailangan o gusto. At ang serbisyo'y tumutukoy sa grupo o pangkat ng mga indibidwal na tao sa isang kabuuan ng pagpapangkat.
Sa pagtanggap ng buwis ng pamahalaan naisasakatwiran nito ang mga plano para sa mga mamamayan. Isa na rito ang pagbibigay Serbisyong Publiko sa larangan ng Edukasyon. Ang pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan at hindi nadadama na may malalim na pagbabahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Ang paglinang ng kaalaman, responsibilidad, at abilidad ng bata mula sa elementarya, sekondarya, senior high hanggang kolehiyo. May tatlong ahensya ang pamahalaan sa pagkakaroon ng patakadan at sistema, ang Department of Education (DepEd) para sa elementarya hanggang grade 12. Ang Commission on Higher Education (CHED) para sa mga kolehiyo at ang Technical Education And Skill Development Authority (TESDA) para sa pagbibigay ng sapat na kasanayan para sa gawaing bokasyonal.
Sumunod sa pagbibigay Serbisyong Publiko ng pamahalaan ang transportasyon. May dalawang uri nito, primarya at sekondarya. Ang mga halimbawa ng primarya ay ambulansya, fire truck, at mga bus na ginagamit sa pasyente, mga sunog at mga pakikilahok. Ikatlo ang telekomunikasyon, ito ay ekstensiyon o dugtong na pangkomunikasyon sa ibabaw ng malayong distansya. Halimbawa nito ang radyo, telegrapiya, telebisyon at iba pa. Marami pang serbisto ang binibigay ng pamahalaan gaya ng mga Serbisyong Pangkabuhayan, Serbisyong Pabahay, Serbisyong Pangkapayapaan, Serbisyong Pangkalusugan, Serbisyong Imprastraktura. Serbisyong Pang-Agrikultura, Serbisyong Pangkomunidad at Serbisyong Pangkatarungan.
Iba't ibang uri ng serbisyo ang ibinabalik ng pamahalaan mula sa nakolektang mga buwis sa taong bayan, karamihan sa mga ito'y nararanasan at nakikita natin. Subalit sa pagiging matalino ng taong bayan alam nila na sa mga proyektong binibigay ng pamahalaan, nariyan na ang kupit o katiwalian. Gayunpaman, pinipilit maabot ng pamahalaan ang pangangailangan ng pinakamababang uri ng tao sa lipunan upang maibigay ang Serbisyong Kinakailangan.
_____________________________________________
Napakalaki ng naitutulong ng kahit sinong mamamayang nabubuhay dito sa Pilipinas na nakakatulong sa pagbabayad ng buwis. Kahit na tayo ay bata pa, ang mga pagkaing ibinibili natin sa mga tindahan ay may buwis na. Kung sa malakihang pamilihan doon natin makita sa resibo ang salitang VAT o Value Added Tax na idinadagdag sa mga produkto na ating ibinili. Masasabing ito ang ambag natin sa gobyerno dahil kahit na maliit lang ito, kung pagsasama samahin ang mga ganitong halaga ng mga taong namimili sa lahat ng pamilihan sa buong Pilipinas, malaki ang maitutulong nito para maisakatuparan ng pamahalaan ang kanilang mga proyekto para sa mamamayan na kanilang nasasakupan.
Lead image courtesy to change.org // Images displayed above are all credited to the rightful owners.