Ano nga ba ang matatamasa kapag nanirahan sa probinsya? Ano ang magiging pakitungo mo sa mga taong di mo nakakasama? Bakit maraming tao ang pinipili na mamuhay sa probinsya?
Hayaan niyong ibahagi ko ang aking karanasan sa paninirahan sa aming probinsya. Alam natin kung gaano kaginhawa / kasarap manirahan sa probinsya. Kung ako mas papipiliin mas nanaisin ko doon, dahil di alintana ang kagandahan na pinapakita ng kalikasan sa twing titilaok ang mga manok, gigising sayo ang sinag ng araw at pagmulat ng iyong mga mata tatawagin ka ng iyong lola at lolo at sasambitin na "iha, halika na dito mag almusal kana".
Pusod ng buhok, ayos ng higaan. Tatayo at sa labas ng inyong bakuran. Makikita ang usok na nanggagaling sa maliit na tasa, (kape) at tinapay na ang palaman ay peanut butter na mabibili rin lamang sa panaderya. Mga tiyahin at tiyohin mo na abala sa pagsisibak ng kahoy, pagbibilad ng isda, pagwawalis, pagpapakain ng mga baboy at paghalo ng malagkit na gagawin sa suman.
Pagsapit ng alas nuebe ng umaga, mag aaya na aking magulang na pumunta sa tabing dagat at manghuhuli ng sariwang isda. Kitang kita mo ang paghampas ng alon papuntang pampang.
Oh ako'y maswerte at narasanan ko ang manirahan sa probinsya.
Ikaw? Naranasan mo na din ba ang kaginhawaan na manirahan sa probinsya? Ikwento mo na rin yan. ❤
Wow nice article! Good job!