As usual magisa na naman akong kumain ng lunch , umalis si nanay pero pinagluto muna ako ng ulam inaasikaso nya ung atm nya kasi bakit ilan mos. na walang dumadating dun sa pension ni father sa kanya na kasi un ililipat eh sabi ok na pero ilang mos. wala pa rin mag christmas na hindi pa na aayos ng SSS ?! 😔Tara higop sabaw tayo with sawsawan sili ...
Haysss bigla akong napatigil lalo sa aking gawain , nagulat na naman kami may another angel na naman nawala 😢 nakakalungkot naman pero syempre may reason si Lord kung bakit kaya lang nakakagulat pareho pang officemate ko ang nawalan ng mahal sa buhay , ramdam ko ung sakit na un mahirap talagang tanggapin. Sana palakasin ni Lord ang pagiisip at katawan nila masakit mawalan ng anak at mahal sa buhay.
Kaloka hindi iisang beses nangyari sa akin eto kahit dun sa NC ganun ako , may ipopost pa ako kagabi para mag goodnight pagtingin ko ngayon sa cp ko hindi pa pala na click to post , btw good morning sa ating lahat ,at good muna sa mga ka noise na nasa malayo pahinga muna kayo at kami muna uli ang magtatrabaho today...Mukang tahimik na ang ulan pero not sure hahaha, medyo maaga akong gumising para ung unread ko mabawasan naman madaan ko ung post nyo at mabasa.
Ung anak ko kinamusta ko ,galing daw syang practice kanina ,tuloy na tuloy ang battle of the bands sa friday kaya sana nga wag ng uulan dahil sa oval ng school un venue.Aba at magpapa make up daw sya gusto nya green un eye shadow 😂 dahil ung dept.nila green team! ayan oh pinakita ano daw maganda , may kausap na atang make up artist un mag make up sa pageant sabi ko aba baka dun ka makasali?; hahaha, ewan ko ba dun sa batang un kung prank or sadyang gusto nya ibs ung datingan nya , sya kasi ung vocalist para daw catchy sa audience at judges!
Thank you Lord ,tumigil naman ang ulan na ...good evening sa lahat medyo nainis lanv ako at naiwan ko isang cp sa office un pa naman ang gamit ko sa pag noise , sign of aging na talaga excited kasing umuwi akala ko pa naman nalagay ko sa bag ko.Hays bakit parang dami kong natanggap na bad news nakakabigla naman un kapitbahay namin dito inatake daw...ayun hindi na naka survive.Hindi mo talaga masasabi ang buhay ng tao.😌
Mukang hindi agad makakapag dinner nito , busog na naman ang anak ni Inay ,,, sabi ko budget meal lang abay nakapag 711 pa mga officemate ko at may pa hot choco di bale daw at may sahod na ng friday!
Sayang hindi naka parade ang pamangkin ko UN nila sa school excited pa naman sunday pa lang nagsukat na sya ng costume KOREA ung country nya. Sa school na lang sila rarampa , wrong timing ang panahon sobrang ulan dito. For the effort pa naman ang sissy ko pag prepare sa mga junakis nya😂 bilis ng panahon dati ako lang ang ganito ngarag sa pag reready ng isusuot ni unica .
Good morning pa din kahit maulan!!!🌨
Parang nakikisabay talaga ang mood ko sa panahon lazinesss lubayan mo ako please! , naku po ayan na nga uli ang malakas na ulan ... grabe gusto ko na lang maghilata pag ganito at kumain ng friedrice w/egg sabay higop ng kape. wrong timing naman ang panahon kung kelan may ganap sa school ang mga bata ung pamangkin ko may parade ata at UN nila then anak ko UWEEK nila this week sobrang ulan, sana sa friday at sat.ok na , lalaban sya sa battle of the bands😌
good night na mga masisipag na noisers! tulog na ba kayo?! ako ay hindi pa dalawin ng antok at ka chat ko anak ko , kinakamusta ko at 2 weeks na kaming hindi nagkikita .Ulan pa rin tyak himbing na mga tulog nyo ... salamat sa lahat ng naka chika at napadaan sa wall ko kanina bukas uli ❤️ sarap ng tunog ng ulan nakaka relax napaka peaceful ng gabi. God bless us more🙏
Maulang gabi sa inyo guys ! anlamiiiggg , buti lapit lang ng bahay ko sa office nakauwi ng mas maaga at di problema ang mag commute for sure traffic sa ibang lugar at maulan ingat sa mga na byahe po. Share ko lang etong pa ayuda sa school ng kapatid ko ,galing naman ng mga sponsors sa maynila namimigay uli ng milk sa mga kids.Sana dito sa province at ung malalayong lugar sa public school na bibiyayaan rin
Anlamig dito sa loob ng office dama ngayon lalo ang AC!!! Kaya tara tayo po ay magkape naman coffee break muna tayo mga besh , umuulan pa rin dito antok na antok na ako... ang tumal walang gaanong tao , walang inquiries.Buhay empleyado.
Nag chat ako sa anak ko hanap ko sya sabi ko kung nasa school ngayon ? sabi ko mag send naman ng pic kinamusta ko kung anong lunch at eto free lunch daw ung mga student council, buti na lang nakain sya ng gulay😊 ligtas ang isang busog. Tara iidlip muna nakaka antok ang tanghaling eto aba!
Lakas ng trip ng officemate ko at dito talaga kumain sa lata ng sopas...hahaha mas ok daw para hindi halata tapos mainit nga naman. Salamat sa nagluto at nabusog talaga ako mukang late lunch na eto...ano ready na ba mga ulam natin dyan.Grabe napaka moody ng panahon today, ano na Pinas climate change na talaga.,, natatamad na tuloy akong umuwi at busog na ako.Kaya lang tyak na nakapagluto na ng ulam si mother earth.
sarap na naman ng meryenda dito sa office sundo sa foodtrip konting umulan sopas hahaha! si manager ang cook basta aambag na lang ... kain po kayo mga besh. Mukang lunch ko na to ahhh.
Grabe lakas ng ulan 8:07 am na ako nakapag in... sarap ng sopas or mami pag ganito ang panahon. Ayan kumpleto na naman mga tao dine sa office for sure tambay at chikahan na lang uli maghapon eto at mag iisip ng kakainin. Sarap matulog hahaha, kahit hassle ang pagpasok at maulan eto talaga ang favorite kong weather na rerelax kasi ako😊
Eto na uli tayo gumising para maghanap buhay, good morning!!! Sarap pa sanang matulog at malamig simoy pasko na talaga..Di bale maya maya or bukas makalawa sasabihin ko yes restday na uli😊oh ready na ba ang kape natin dyan? baka wala pang mainit na tubig hahaha danas ko yarn ung kapeng kape ka pagbuhat mo ng termos walang laman.🤣sige kain muna tayo ng almusal at ingat sa paglabas ng bahay ha... enjoy your day guys
Magandang gabi!
Nakain na po ako , haysss dadalawa na nga lsng kami ni mother earth dito sa bahay dipa kami nagkasabay kumain busog pa daw sya...parang gusto ko ng mainit na sabaw kaya kahit itlog na ginitla tawag sa amin nagluto ako kesa noodles kainin ko, basta may itlog ligtas ang hapunan...
egg, onions,garlic at ginger with salt & pepper gisa lang mga momshie at sabawan may soup kana din wala kasing available na miswa eh. tarang kainan na muna!😉
Very good naman ang anak ko parang ang bait dito eh hahaha✌️ lagot ako pag nalaman pinost ko eto shhhhh quiet lang po tayo mga besh gusto ko lang syang iflex hahaha , choir yan sa school nila oh diba naka sutana pang suot kanina at kumanta sa mass , teka ano nga bang tawag dito?
May dumaan na kinabog pampawala ng gutom hahaha uwian na uli mga besh 1 hour to gooo... sarap ng kinabog mainit pa, sa inyo ba anong tawag sa ganito?Kasi bawat lugar iba iba minsan ang tawag pero mais din naman eto 😊 meryenda na din ba kayo??? ulam na naman later iisipin.
Ganda pala ng shrine sa loob ng campus ng anak ko , University week nila starting today , at kanina may mass sumali kasi sya sa choir at eto sya ang napiling mag SALMO , natutuwa lang ako kasi eto talaga ung mga gusto nyang gawin buti may f2f na nakikita kong na eenjoy na nya sa school unlike nun nasa bahay at online class lang... parang boring na boring sya lagi. Our Lady of Perpetual Help bless us🙏
Thank you nanay sa masarap na gulay😊 eto tamang ka partner ng shanghai nakabili ako... busog na naman , happy lunch sa inyo... hindi talaga maganda ang panahon sabi na nga ba eh uulan after lunch.
Bread pan sapat na sa morning hehehe😊 bet na bet ko din talaga lasa niyo , mahilig kasi ako sa garlic bread kaya pag nakain ako sa greenwich or sa fastfood ma nauuna ko talaga syang kainin kesa sa pasta , ano ng balita?! feeling ko pag open ko ng unread umaapaw na uli sya , hindi pa ako maka tambay gaano busy si inday joice ng konti hahaha afterlunch na lang tatambay
So this is my Monday duty update update , daily reports muna tayo mga besh...mga record books, spread sheet pero kahit daming gawain sige silip pa rin sa noise.app ,, nakaka excite kasi kada tingin ko sa wallet may ayuda😊❤️ shout out sa mga friends ko sa kabila andito rin po ako , hindi ako maka comment sa iba mga mars pwede va tayong maging frendzz pa din dito😊
✅noise.app/joicebueno17
Mukang makakabili uli ako nito online maganda pala at tipid un vigil candle kahit tunaw na sya magagamit mo uli tapos scented pa...dapat talaga may mga takip un dadalhin sa sementeryo dahil laging naulan at mahangin open space pa naman ung pwesto ni tatay doon.
Bawal ma late kasi monday hahaha! i'll tey my best ☺️ good mornung my dear noisers...start na naman ng week natin ,ayan pasikat na ang araw pero munsan talaga nililinlangbna tayo ng panahon kahit aning ganda at the end uulan pa din sya pag gusto nya, so tayo na talaga nag a-adjust sa kanya,hindu tuloy ako nawawalan ng payong sa bag , so ano simula na uli ng grind diro ?! medyo busy this morning at daming inpriority gawain sa office later.ingat po tayong lahat.❤️❤️❤️
Our dinner...actually natira lang yan nilagay ko sa ref.eh na alala ko meron pa nga pala ininit ko ngayon sayang kasi ok pa naman pati ang lasa. Palibasa hapon na ako nagising , now lang ako nag dinner at meryenda lang kinain ko kanina pag gising . Hays monday again , after this plantsa na uli ng uniform...grabe walang sawa ung nakanta sa videoke maghapunan lagi eh ang titibay aabutin ng 12 midnight to for sure
The best sunday tulog ,ang gaan ng feeling ko haba ng naitulog ko ngayon minsan kasi may time na kahit gusto kong maidlip ayaw talaga tas masakit ung ulo mo kahit nakatulog ka...ayan dilim na pala ,kumusta mga kaingay?! ano hapit ba ang maghapon natin inabot na ako ng dilim sa higaan nagising lang ako at ayun na naman ung alingawngaw ng videoke meron may birthdayan as usual until midnight uli malamang eto.
Inabot na kami ng ulan sa sementeryo kanina , ang daming tao naglilinis at nagpipintura back to normal na talaga , sana nga tuloy tuloy na mukang dadami na uli ang tao sa nov.1 ngayon pa lang kanya kanyang ayos na hindi na masukal ung pathway na dinadaanan namin...may mga nakikita ako nagpapa ayos parang bahay na talaga may 2nd floor hindi biro ang mag pagawa mahal materyales...matutuwa ang mga mahal natin sa buhay dahil mapupuntahan na sila uli sa nov.1 ,missyou Tay😌
hello noisers!!! good morning mukang makulimlim at paulan na ,pero maya maya gagayak na rin uli kami para dalawin si tatay every other week na lang kami nakaka visit dahil umuwi naman kapatid ko may makakasama kami ni nanay doon.Restday kay sarap mong namnamin sa araw na eto...hehehe wala si unica ko hindi umuwi dahil next week 1 week syang walang pasok.
Saturday ngayon why i'm sooo busy hahaha hindi ako maka focus nagawa ako ng mga check payment baka magmali ako pag tumambay ako silip silip lang mga besh ...kumusta naman ang unread ko from zero this morning ngayong road to 200 na uli , napaka powerful talaga ng mga noisers sa Pinas❤️❤️❤️ maya ko po kayo tatambayan uli ha ,sumilip lang ako ng konti at di ko matiis 😂