Magandang gabi! Nakain na po ako , haysss dadalawa na nga lsng kami ni mother earth dito sa bahay dipa kami nagkasabay kumain busog pa daw sya...parang gusto ko ng mainit na sabaw kaya kahit itlog na ginitla tawag sa amin nagluto ako kesa noodles kainin ko, basta may itlog ligtas ang hapunan... egg, onions,garlic at ginger with salt & pepper gisa lang mga momshie at sabawan may soup kana din wala kasing available na miswa eh. tarang kainan na muna!π
19 comments
Try ko to para di lang itlog my sabaw pa hehe.
oo ayos din naman sis kesa instant noodles lagi , must try kung magugustuhan mo hehehe
Oo nga ndi maganda sa health try ko talaga to hehe
masarap naman yan sis, kami kapag wala kaming maisip na ulam yan din ang aming takbuhan hehe
hehe oh diba apir tayo ligtas ang hapunan tipid pa , gusto ko kasi talaga sa hapon may mainit na sabaw
Katatapos ko lang po kumain ng dinner.
Ako din mas bet ko yan bihira ako kumain ng noodles lalu na ung mami,yung huli ko yatakain nun ay nung nagka lagnat ako haha
oo masarap naman eh saka mas healthy kesa instant noodles
Ginitla mate saang lugar po kayo...sa amin po suam tawag dyan
ah oo ginitla ang tawag ng tatay ko dito kaya bata pa lang ako alam ko na ...Laguna kami
Hahaha magkalapit lang pala tayo QUEZON kami
Di ko pa na try yan sis. π€€
try mo sissy baka magustuhan mo pag nag crave ka ng mainit na sabaw tas madalian kang kesa noodles
Suam tawag dito sia sa ganyang luto
ah suam pala tawag sa inyo sa amin ginitla π sng suam sa amin ung tilapya may sabaw na may sayote at kamatis igigisa din
Ako hilig ako noodles with malunggay dadamihan ko sahog na malunggay
Kami din po, apat lang kami sa bahay, pero hindi magkasabay sa pagkain.hahaha.
Looks delicious
Ako kahit ano nilalantakan