Inabot na kami ng ulan sa sementeryo kanina , ang daming tao naglilinis at nagpipintura back to normal na talaga , sana nga tuloy tuloy na mukang dadami na uli ang tao sa nov.1 ngayon pa lang kanya kanyang ayos na hindi na masukal ung pathway na dinadaanan namin...may mga nakikita ako nagpapa ayos parang bahay na talaga may 2nd floor hindi biro ang mag pagawa mahal materyales...matutuwa ang mga mahal natin sa buhay dahil mapupuntahan na sila uli sa nov.1 ,missyou Tay😌
18 comments
Lapit na talaga undas ang bilis ng panahon. Buti kayo maaga nakapag linis.
oo nga sis bilis ng araw nov.na matatapos na ang buwan uli
Beshie akoy siguro ai sa nov 1 na makakapunta sa sementeryo..
kami ay madalas pumunta at malalit lang naman saka maalwan ang pagpunta basa may kasama kami ni mother
Hays nalungkot tuloy ako bigla last n dalaw ko sa papa ko 2016 p .. Nasa probinsya kase puntod niya matagal tagal n din akong di nakakauwi dun
kami ung lolo at lola sa side ni nanay ko tagal ko ng di nadadalaw layo kasi
Kaya nga. Ang hirap pag nasa malayo ano
Nakapaglinis na kami nung nakaraang araw. Buti maaraw noon.
pabago bago nga panahon ngayon nainit na uli, dami na ngang mga nakapaglinis
Ang init dito sis sobra
hehe eto sis mukang iinit na uli tas maya maya biglang buhos
Lakas nga mang asar ng panahon hehe
Good thing nga na medyo back to normal na. Kami naman sa 29 pa siguro maglilinis since may mga pasok pa.
akoy baka sa nov na makapunta ipapaubaya ko na sa kapatid ko ang pagllinis hehe
Lagi nalang umuulan sis.
Luhhh malapit na pala undas. Bilis ng araw sis nho. Ganyan din dito sa Amin parang Bahay na tlga at may kusina pa.
Buti nakapaglinis na mayo
Bact to normal na sa Pinas pero dito samin Hindi pa