https://youtube.com/@beattv6
Guys magandang hapon po. Hihingi po sana ako ng favor paki subscribe naman po ang youtube channel ng anak ko para ma-hit na nya ang 1k subs requirement ni youtube. Paki comment na lang po dito ang screenshot and watch any video po ng anak ko kahit 1 minute lang and comment done. I will send $0.03 po sa comment nyo. Salamat po...☺️
Good morning po kaingays. Lord thank you po ulit for giving us this brand new day and I'm praying that this 2023 will bring us good luck and positivity. Amen.
Guys naisip ko lang...kung ayaw ni cashrain na i-approve ang ginawa kong communty, dito ko na lang kaya i-promote ang yt channel ng anak ko. Kasi sa kabila halos wala pa piso yung natatanggap natin. $0.0 pa nga kapag naka dollar rate. Kung dito kaya ako mamigay ng $0.03 sa magsusubscribe sa channel ng anak ko may papatol kaya ahaha. Kasi sa kabila dami pinapagawa. May like, retweet, follow discord, twitch, yt pero wala naman tayo napapala maliban kung mananalo. Comment down below kung itutuloy ko ahaha. Magandang umaga po sa lahat. Ingat. God bless us all.
Matagal na naman bago kami magkita ng anak ko. Sabi ko pa kanina bago sya bumiyahe...kelan uli kami magkikita sa sunod na pasko at bagong taon? Ahaha. Sabi naman nya gusto sana nya weekly umuwi dito kaya lang yung motor nya baka di kayanin. Medyo may diprensya na din kasi. Pag naibenta na daw nya yung motor at makapagpalit ng bago baka madalas na daw sya uuwi. Ginabi na din sya ngayon kasi hinayaan ko makabawi muna ng tulog para di antukin sa pagmamaneho. Magandang po sa lahat. Ingat.
Magandang hapon kaingays. Happy new year po sa lahat. Kakauwi ko lang po galing sa galaan. Sobrang busog din kasi puro kainan yung pinuntahan ko. May pabigas pa at mga pasharon pa. Parang di na yata ako magdidinner sa busog ahaha. Puro pagkain pala napicturan ko nakalimutan ko makipagselfie sa nag invite ahahaha.
Bye-bye 2022🤗
Welcome 2023💥
Happy New Year po sa lahat. God bless us all.❤️❤️❤️❤️❤️❤️
Habang nagpiprito ako ng bangus kanina may tinatahulan ang aso ng kapatid ko sa bukid namin...kaya pinatay ko muna ang apoy sa kalan para di masunog ang niluluto ko sabay takbo sa bukid. Wala naman ako nadatnan na tao sa bukid pero may nakita ako laglag na suha(pomelo) pero pabulok na. Kaya napatingala tuloy ako sa puno ang dami palang bunga na masisira na. Ayun hanap ng mahabang sungkit at kumuha lang ng isa. Pagbalik ko ng bahay di nasayang ang pagod kasi may pang alis umay na ko ahaha.
I'm done😁
Oh di ba daig ng maagap ang masipag ahaha. Maaga pa lang nag umpisa na ko. Makakatuyo na ko at pati ang sutana na pang serve ng anak ko sa misa ng pagsalubong sa bagong taon maaga din matutuyo. Kaya bago mag gabi mapaplantsa ko na din. Mga 3 pm pa daw kasi byahe pauwi ang anak ko dito sa amin. Siguro darating sya mga 6 pm na. Ngayon naman nakasalang na yung ulam ko. Nakasaing na din pala ako at kakain na din pagkaluto. Magandang umaga po.
Good morning kaingays. Before year 2022 ends kailangan ko 'to gawin. Kasi ang sabi kapag inabutan ng bagong taon kung anuman ang dapat mong gawin eh isang taon mo daw gagawin. Sa lahat ng kasabihan ang maglaba ang pinaka totoo. Kahit naman kasi di abutan ng bagong taon ang labahin mo...buong taon ka din naman talaga maglalaba kung ayaw mo lumakad ng hubo't hubad sa kalsada ahaha. Inagahan ko na umpisahan kasi yung sutana na gagamitin ng anak ko mamayang gabi sa misa baka di matuyo. Hiram na lang siguro ako ng dryer sa kapatid ko. Ingat po. God bless.
Kanina sa simbahan may nasilip ako sa camera ko habang inaayos ko ang setting. Nakatutok kasi sa dalawang tao yung camera. Hinahanap ko sa files kung nakunan ko ba pero wala naman. Kasi may nakita ako babaeng nakaputi at naka belo. Yung parang sinusuot ng mga lingkod simbahan tuwing may misa. Nagtataka lang kasi ako kaya di ko makalimutan. Wala naman pong misa kanina kasi Christmas party lang namin sa parokya. Makaluma pa nga yung belo kasi hanggang bewang di tulad ngayon na hanggang balikat lang. Sino kaya sya?😅
Magandang hapon kaingays. Kakauwi ko lang po galing Christmas party ng aming parokya. Ang tagal natapos sa tagal ng paraffle. Di man sinuwerte na mabunot masaya na din. Pahinga lang po ako saglit tapos maghahanda na din ako ng dinner. Yun lang po kaingays. Ingat po lagi. God bless.
Ready for the Christmas Party ng aming parokya na...😁 10am pa ang simula kaya lang medyo inagahan ko ang gayak kasi dadaan pa ko ng palengke para bumili ng saging na pang share ko sa potluck. Nakakahiya naman kung wala akong bitbit baka di ako pakainin joke ahaha. Magsasapatos lang po muna ko tapos pupunta na din ako. Magandang umaga po sa lahat. Ingat. God bless.
Good morning kaingays. Good morning po Lord. Thank you Lord for the gising. Thank you for the blessing. Amen.
Ready na ang pang exchange gift ko mamaya sa Christmas Party ng parokya. Recycle na wrapper na lang ginamit ko sa gift sisirain lang din naman ahaha. Medyo lukot pa nga yung papel. Ang importante lang naman eh yung laman. Baka bibili na lang pala ako ng saging para may share din ako sa potluck. Di ko na kasi maaasikaso magluto kaya saging na lang ang dadalhin ko. Yun lang guys kape muna tayo. Ingat. God bless.
Guapong gupit...😅
Christmas party bukas ng mga lingkod simbahan hindi naman dating umaattend kaya lang naimbitahan ako. Bumili na din ako ng pang exchange gift. Isang box ng safeguard na 3 pcs ang laman worth 202pesos. 200 ang limit kaya ang plano ko sana sabon at shampoo. Kaya lang sa sabon pa lang sakto na. Wag sana yung may ari ng grocery store ang makabunot ahahaha. Magandang hapon kaingays.
Success sa second try. Yung una naluto na sa lata di pa din lumabas ahahaha. Dati hirap pa alisin sa lata ang meat loaf. Magkabilang side binubutas ko. Yan lang pala ang shortcut ahaha. Tara po kain na. Magandang tanghali po sa lahat.☺️
Heto po yung link ng reel ko sa fb 😁
https://www.facebook.com/reel/718294583204271?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e
Good morning kaingays. Silent mode din ba ang fon nyo o talagang wala lang notification? Rainy season is over na ba at pati sa maingay na app wala na din ba? Siguro pa change weather na talaga. Nothing in this world is permanent but only God. Siguro kailangan na din natin ng adjustment to other extra physical work to earn extra. But if there's any opportunity na mag back to normal ang mga platform na ginagamit natin...grab na lang natin ulit. Nakakalungkot lang kasi nakasanayan na natin ang online world. Laking tulong din kasi nitong ginagawa natin to spend time sa bakanteng oras na maging productive. Walang nasasayang na oras sa pagtambay at pagtutok sa mga gadgets kasi may kita. Pero marami pa naman siguro darating. Kaya kayo dyan na maraming alam bekenemen ahahaha. Ingat po. God bless.
https://www.publish0x.com/?a=QBeXoEx8dy
Magandang hapon guys. Sa dalas na may nakikita akong post about PublishOx, nasilip ko tuloy yung account ko. Medyo matagal na din ako don. Hindi ko dati maintindihan kung paano ba kikita don lalo kung wala naman ako hilig magsulat. Nabasa ko lang din dito na kahit pala di ka gumawa ng article pwede ka din kumita. Para pala syang yung noise.cash dati na kapag nagbigay ka ng tip..may percentage din na para syo. Tapos nakita ko na sa platform din pala yun galing kaya lang may ilang minutes bago ka uli makapagtip. Kaya ayun...ngayon lang nagkalaman ang wallet ko jan ahaha. Ayan po yung link sa itaas kung interesado din kayo. Maliit lang din ang bigayan pero pag naipon dadami din.
Totoo kaya yan? Ahahaha. Napakaswerte ng mananalo kung sakali. Instant libonaryo. Kung ako siguro ang swerte bibili ako agad ng bagong laptop. Good luck sa atin guys. ☺️
Sim registration done. Madali lang magregister ngayong umaga. Wala pa yata gaano gumagamit ng new.globe.com.ph/simreg kaya mabilis lang. Kapag di po pasok yung file size nyo ng picture ng selfie and id... screen shot nyo na lang para lumiit ang size. Hindi kasi pwede hindi ako magregister ng sim kasi gamit ko sa e-wallet yung number. Kung di ka kasi magreregister madedeactivate at di mo na pwede magamit ang sim after April 2023. Good morning guys. Ingat po.
Good morning kaingays. Good morning po Lord. Thank you for the gising. Thank you Lord for the blessing. Maaga po ako nagising kanina mga kaingays. Mga 4:30am pa lang yata gising na ko. Di na ko nakabalik uli sa tulog. Napanaginipan ko kasi ang nanay ko na 3yrs na din wala sa piling namin. Nagising ako na umiiyak. Sya din kasi yung nasa isip ko nung Pasko. Sabi ko sa anak ko nakakamiss yung tuwing pasko na kasama namin sya. Sa bahay kasi ng mga magulang namin kami laging nagpapasko. Kaya nung nawala na sila. Kami na lang magkakapatid ang nagsisipunta sa kanya kanyang bahay. Kaya ayun napanaginipan ko na nga sya. Yun na lang guys. Kape po tayo. Ingat po kayo. God bless.
Umpisa na pala ng sim registration ngayong Dec. 27, 2022. Sinubukan ko pero parang di pa ready si Globe. Nag eerror at minsan loading lang. Baka busy network na siguro dahil marami ng gumagamit. Ang link to register nga po pala ito new.globe.com.ph/simreg
Medyo mahirap maka access baka di pa ready o masyado na madami nagreregister kaya minsan system error. Yung ibang network di ko alam ang link pero pwede nyo i-search sa google. Magandang gabi po sa lahat. Ingat po sa txt messages na requesting update na may link kung hindi mismo globe ang nagsend. Pero yang link na ginamit ko mismo galing sa official globe network sa google.
Mapapasanaoil ka na lang talaga kapag may nakita ka na kakilala sa mga winners ahaha. Nag iiscroll kasi ako sa paulan ng pera and I saw 2 familiar names. Congrats @linoasis and @charlsss. Meron pa nga isa pero di ko na nimention dito ahaha. Good morning kaingays. Diyan na po muna kayo gagawi lang ako sa palengke. Wala na pala ako tinapay at catfood. Ingats. God bless.
•Saan ka punta to the moon
Good morning everyone. Ang aga ko lagi nagigising. Di pa yata nakaka adjust ang body clock ko dahil sa simbang gabi. Pero super thankful ako kay Lord dahil every gising is a blessing kahit pa wala sa takdang oras. Ang importante ay nagising. Thank you Lord. Ang saya din magising kung ganyan ang makikita mo sa bch chart. Ang ganda ng akyat nya sana ito na ang umpisa ng pagtaas ng rate ng bch. Kahit medyo matagal na hindi tayo nakakareceive ng ayuda ngayon, malaking bagay yan sa mga nag hold ng matagal tulad ko napag abutan na ng sobrang baba. Sana tuloy tuloy na. Yun lang po. Ingat po kayo. God bless.
Guys tanghalian na. Sinubukan ko isaing yung brown rice na bigay ng kapatid ko. Malambot at hindi sya matabang. Ang sarap ng lasa. Kahit siguro walang ulam kaya ko sya kainin. Parang lasang mais. Tara guys kain na. Di ko na pinakita ulam ko. Last day na ng left over eh ahaha. Bukas na lang ako mamamalengke. Magandang tanghali po. Ingat lagi. God bless.
Guys miryenda time na. Kaya pala para akong gutom na. Ang dami pa natirang macaroni salad sa ref kaya yan na ang miryenda ko hanggang maubos. Baka kasi masira eh masayang lang. Di ko kasi alam kung ilang araw bago masira ang macaroni salad. Di na ko nakapamigay sa kapitbahay kasi parepareho pala kami ng handa ahaha. Ang anak ko di na nagdala sa apartment nya kasi matagal daw ang byahe baka mapanis sa daan. Kaya ayun ako na lang ang uubos mag isa. Di nga lang terno sa kape ko kasi malamig ahaha. Tara po kain tayo.
Malamig na good morning kaingays.
Lord, salamat po sa masarap na tulog. Nakabawi na po ako sa ilang araw na puyat. At higit na pasasalamat po sa muling pag gising. Amen.
New year is coming kaingays. Siguro kailangan nating mabago sa pagpasok ng 2023. Para mabango din ang pagsalubong sa atin ng swerte sa bagong taon ahaha. Kaya siguro niregaluhan ako ng anak ko. Mabaho kaya ako ahaha. Ganon dati iniisip ng tao pag nireregaluhan ng pabango ahaha. Pero ang totoo alam ng anak ko ng favorite ko ang mga pabango kaya yan siguro ang naisip nya na ibigay sa akin. Hindi ko kilala ang brand pero super bango at tumatagal talaga ang amoy. Kahit naghugas ka na naroon pa din ang amoy. Nagsisi nga ako nung sa kamay ko inispray. Nung kumakain kami naamoy ko pa kaya parang lasang pabango tuloy ang pagkain ko ahaha.
After ng misa kanina tumuloy kami sa bahay ng kapatid ko nakipasko at nakikain na din syempre ahaha. Pag uwi may pabitbit pa na brown rice at tig 500 petot pa kami ng anak ko ahaha. Ang saya ng Pasko ko kasi nakasama ko ang anak ko. Ang malungkot eh yung uwian na. Babalik na ang anak ko sa work place nya kasi mamayang gabi may pasok na naman sila. Hirap talaga ng buhay call center. Malaki man ang sahod gising naman sa gabi...tulog sa umaga. Kahit holiday may pasok pa. Mga 3hrs mahigit byahe ng anak ko. Pagdating ng bahay pagod at wala pa gaano tulog tapos mamayang gabi papasok na sa work. Magandang hapon guys.☺️
Excited pa naman ako buksan. Fake news pala ahahaha. Merry Christmas po sa lahat. Diyan po muna kayo sisimba po muna ko ulit. Have a blessed Sunday po sa lahat. Ingat. Merry Christmas.🌲☺️
Good morning po kaingays. Merry Christmas and have a blessed Sunday po. Ang aga ng anak ko nakagayak at paalis na papunta ng church. Magseserve po sya ngayon sa misa bilang altar server. Na miss nya talaga mag sakristan kasi matagal din sya di nakapag serve mula nagtrabaho sya sa call center. Saka madalang talaga sya makauwi dito sa amin kasi malayo ang work place nya. Mamayang 2nd mass naman ako sisimba. Magseserve pa din ang anak ko sa 2nd mass...ako naman balik muna sa higaan maaga pa naman. O sya tulog muna ko. Ingat po ang lahat. God bless us all.
Merry Christmas everyone. A greetings from me and my son and from the Parish Priest of Sta. Cecilia. Kakauwi lang po namin. Medyo ay di na pala medyo ahaha. Sobrang antok na pala parang di na ko makakakain sa antok ahaha. Yun na lang po. Enjoy the Christmas eve with your loved ones. Ingat po lagi. God bless us all.
Oh di ba itsura pa lang crunchy na ahaha. Bukas ko na lang lulutuin ang carbonara kasi ang anak ko kakaalis pa lang ng Clark, Pampanga. Malamang mga 10pm na dating niya dito. Baka masira lang kaya kakain na lang kami ng kanin at ng malutong na fried chicken with macaroni salad. Busog na dyan kaya bukas na lang talaga ang carbonara...😁 Magandang gabi kaingays. Merry Christmas po sa lahat. Ingat...☺️ God bless us all.