Habang nagpiprito ako ng bangus kanina may tinatahulan ang aso ng kapatid ko sa bukid namin...kaya pinatay ko muna ang apoy sa kalan para di masunog ang niluluto ko sabay takbo sa bukid. Wala naman ako nadatnan na tao sa bukid pero may nakita ako laglag na suha(pomelo) pero pabulok na. Kaya napatingala tuloy ako sa puno ang dami palang bunga na masisira na. Ayun hanap ng mahabang sungkit at kumuha lang ng isa. Pagbalik ko ng bahay di nasayang ang pagod kasi may pang alis umay na ko ahaha.
4 comments
Masarap po ang pomelo, lalo na kung may patis o asin.
Matamis naman kaya kahit walang sawsawan ahaha.
Sarap naman po nyan. Merry Christmas po and Happy New year
Merry Christmas and a Happy new year din syo...☺️