Malamig na good morning kaingays. Lord, salamat po sa masarap na tulog. Nakabawi na po ako sa ilang araw na puyat. At higit na pasasalamat po sa muling pag gising. Amen. New year is coming kaingays. Siguro kailangan nating mabago sa pagpasok ng 2023. Para mabango din ang pagsalubong sa atin ng swerte sa bagong taon ahaha. Kaya siguro niregaluhan ako ng anak ko. Mabaho kaya ako ahaha. Ganon dati iniisip ng tao pag nireregaluhan ng pabango ahaha. Pero ang totoo alam ng anak ko ng favorite ko ang mga pabango kaya yan siguro ang naisip nya na ibigay sa akin. Hindi ko kilala ang brand pero super bango at tumatagal talaga ang amoy. Kahit naghugas ka na naroon pa din ang amoy. Nagsisi nga ako nung sa kamay ko inispray. Nung kumakain kami naamoy ko pa kaya parang lasang pabango tuloy ang pagkain ko ahaha.
3 comments
Mukhang mabango po yta iyan. Yes new yr naman po ang ating paghahandaan.
Ang bango nya. Amoy presko na bagong ligo na may pagka-mint ang amoy. CK Eternity dati gamit ko pero ang mahal kasi kaya nauwi ako sa afficionado CK scent din. Pero di na long lasting si afficionado kaya lipat naman ako sa prescripto. Mura lang kasi sila kaya yun na gamit ko. Pero yang bigay ng anak ko legit na mabango and long lasting pero medyo pricey.
Ako rin may natanggap na regalo 🥰.