read.cash Log in
@jhunpmelchor more from that month

Magandang maulang umaga po sa lahat. Pagdilat ko akala ko sobrang aga pa dahil medyo madilim pa din kahit 6am na. Pero bago ko po simulan ang mga dapat gawin...gusto ko po munang magpasalamat kay Lord for waking me up this morning. Salamat po sa pagkakataon na muli kong nasilayan ang umaga. Sana po ay bigyan Mo ng lakas ang bawat isa na narito at bigyan ng malakas na pangangatawan upang magampanan namin ang aming mga obligasyon para sa mga mahal sa buhay. Nawa po ay bigyan Mo din ng lakas ng loob ang mga pinanghihinaan at bigyan ng kapanatagan ng isip. At sana po ay mawala na ang unos na bumabagabag sa amin. Amen. Maulan po dito ngayon sa lugar namin pero hindi naman po mahangin. Sana ulan lang talaga. Hindi pa kasi ako nakapakinig ng news about sa bagyo. Ingat na lang po ang lahat. God Bless us all.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.